Sa ilang taon na magkakahiwalay kaming mag-anak sa wakas nagkita kita din kami. April 2016, nang umuwi kaming Bicol para magsama-samang muli, isang masayang pagdiriwang ang aming binuo.
Isang malaking pamilya ang mayroon kami, lumaki sa hirap pero masaya. Sa aming pagtitipon isang masaya ulit na memory ang aming ginawa. Kwentuhan, binalikan namin lahat ng nakaraan, masaya at malungkot pero nangingibabaw parin ang masasayang alaala. Sa pagtitipon namin may mga lugar kaming pinuntahan. Isa na dito ang beach. Beach na free intrance, dahil mahilig tayong mga Pilipino sa free, haha! Ipapakita ko sainyo ang isang free beach.
LOW QUALITY PHOTOS OF MINE, BUT MEANINGFUL MOMENT
Ang cute nila, sobrang saya nila nang makapunta sa beach. First time makakita ng beach ng tatlong yan. Yung napapanuod nila sa TV nakita nila sa totoong buhay.
First time nilang makakita ng beach kaya si bunso ay takot na takot lumusong sa tubig. Priceless talaga 'tong moment na to, sobrang saya.
"Kahit gaano kahirap, kahit gaano kalungkot, mangingibabaw parin lahat ng masasayang alaala na ating nabuo sa mga nakaraan natin"
Ang saya naman ng family mo. more blessing to come sa family mo more reunions to come ❤😊