Hi ako nga pala si Gabriel 22yrs old at nag trabaho nako noon at ngayon nag babalik ako sa trabaho nato Oo, aminado ako Mahirap sya masakit sa kamay, Braso, balikat, tuhod, likod, paa, pero alam niyo wala namang madaling trabaho wala sa hirap yan nasa determinasyon yan.
sobrang hirap maka hanap trabaho ngayon sa mga company, malls, shop, etc...
kasi nga pandemic kaya sobrang hirap. Noon nag trabaho ako 4 yrs ago na ata nung huli ako nag trabaho sa water station bilang AHENTE or Helper nag huhugas rin ako at nag rerefill lahat yun inaral ko at sinanay.
sa una lang mahirap lahat kapag nasanay kana basic nalang yan
masaya mag trabaho kapag gusto mo yung trabaho kaya kung ako sa inyo mahalin nyo trabaho nyo.. pero depende parin yan sa tao ang pinaka kalaban mo dito sa water station ay yung oras dahil hindi madali mag hugas at refill sa napaka bilis. Dapat mabusisi lahat kasi kung mag babara-bara kami pwedeng mag resulta ng hindi maganda at ikawala pa ng mga costumer namin.
mula sa hugas refill hanggang sa deliver dapat maayos kapag sobrang dami ng orders talagang hindi mag kanda ugaga sa refill at deliver iba iba ang bahay na pag dedeliviran namin. May mga liblib need pa ng kariton tas itutulak sobrang bigat nun lalo kung malubak kasi yung pwersa sa tulak mo hinaharangan ng mga bato kaya parang ambagal dagdag mopa ang pataas at pababang kalye at init ng araw mauubos talaga lakas mo.
Sa una sobrang hirap hanggang ngayon ang hirap aminado ako na mabilis ako mapagod sobrang hirap parang minsan gusto ko nalang humiga sa gitna ng daan. Tulak at hila at buhat paulit ulit hindi ako sumuko tuloy lang wala mang yayari kung uuwi ako at hihiga lang kakain pag gutom matutulog pag wala magawa mag cecellphone pag nabagot. Mahirap na trabaho ito kaya dapat ayusin ko basta mairaos kolang yung buong araw yung lang nasa isip ko tapos bukas dapat mairaos ko ulit. At yun naka ipon ako masaya pag sahod at masaya kapag yung pinag hirapan mo nagamit mo.
walang madaling trabaho maliit o mababa ang sahod basta alam mong tama ituloy mo darating ang oras aahon karin gaya ng ibang tao. :)