Join 76,246 users and earn money for participation

MAHIRAP BA TALAGA MAG MOVE ON? (Sariling opinyon base sa experience kopo)

2 7 boost
Avatar for gabbkunn
Written by   5
3 weeks ago
Topics: Experience

Mahirap nga ba talaga mag Move on sa mga Long term at short term na relasyon?

Hi ako nga pala si Gabriel 22yrs old 3rd yr college sana nag stop lang dahil sa pandemic..

nag karon po ako ng 6yrs and 2 months ata.. basta 6yrs tas may months pa sa relasyon haha sorry ulyanin ako sa mga ganitong monthsarry countings....

pero ayun uhmm 2nd yr high school po ako nung sinagot nyako hihi nanligaw ako ah! months ako nanligaw nun mag kaklase kami ng elementary mag kakilala napo kami elementary palang.

hindi ako yung puro text call lang ah! nag dadate kami niyayaya kosya lumabas st foods lang nag eextra extra kasi ako sa water station ahente kaya mapera ko pag papasok HHAHAHAHAH .. (pero inipon koyun para sa akin at pang foodd trip namin).

hinahatid kosya kapag hindi naman ako nag mamadali umuwi masaya kami kahit may ibang lalaki nangungulit sa kanya sinasabi nya agad sakin kapag "baby si ano nangungulit sakin parang tanga sapakin mo" shempre hindi naman ako pala away no HAHHAAHA. Tapos masungit sya sa iba sakin hindi sweet yun sakin tas clingy malikot madaldal.. ganon sya ayos lang kami every away nag babati normal lang naman yung away nayan basta kapag ako mali ako mag sosorry wag na uulitin.. ganun din sya hindi pa uso TOYO noon HAHAHA...

alam ko moody ang mga babae kaya adjust ako basta kung ano makakabuti dun ako hindi pa kami legal non kasi bawal sya e pero hindi nyako na tiis kasi may nararamdaman rin sya sakin yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee so ayun tama na kilig ang saya sobra kapag yung gusto mo gusto karin parang sa wattpad lang no?

lagi kami mag kasama pag may pupuntahan sya kung pwede ako nalng, Ako isasama nya so ako rin naman tapos alam nya limit nya na "oh magagalet si gab sakin pag ginawa koto" ganun sya marami talaga mga hinayupak na lalaki nangungulit sa kanya.. kaya nag usap na kami okay sa kanya hanggang sa grumaduate ng High school masaya kami... ^_^

nag Senior High kame mag kaklase kame HAHAHHA oh diba swerte kasi konti lng kumuha ng ICT TVL kasi kulang kulang daw sa mga gamit.. pero gora kame HAHAHAH Sabay kami nag enroll diko talga expect na magiging mag kaklase kame tapos masaya away bati nag mamahalan ganon! Gala date about sa S*x nayan Oo meron na pero bawal pa mabuntis kase nag aaral pa.

So ayan dito sa SHS namin legal na kami nag pakilala nako ayos naman mabait magulang nya ganun din sakin... pero ayoko mashado dalhin sa bahay yun kase nanay ko toxic kung minsan HAHAHAHA basta!

grumaduate kami SHS ayan na mag cocollege na kami so Same school parin apaka bait sweet honest madaldal baliw buang nun love na love koyun ayoko talga ng nangangako sa kanya kasi baka diko matupad basta ang sinasabi kolang GAGAWIN KO LAHAT PERO HINDI AKO MANGANGAKO AH, sa kahit anong bagay pag sinabi koyan sa kanya alam na nya... Hindi kami matatalino sa klase pero hindi rin kame mga b*b*.... Saktuhan lang ba HAHAHAHA

So dito sa college sabi ko sa kanya sana sabay tayo maka graduate at abutin pangarap natin... dream nya yun gustong nya nun gusto namin non andami pa namin dreams love na love nyako at shempre mas love koyon sya yung gusto ko kaaway mag hapon yung papalo sakin kapag natatawa sya kakagat sakin kapag nang qiqil sya... masaya kami hanggang sa... nag karon ng pandemic..........

may sakit kasi sya sa puso... alam kona yun pero hindi ko iniisip ayoko ipa alala sa kanya yun... binibigay ko lahat ng oras pag mamahal sa kanya gusto ko masaya kami at ayon na nga Feb, 2nd week 2021 nag positive sya sa covid-19

isang sakit na hindi pa alam kung ano ang tamang lunas.. sa mga oras nato natatakot ako kahit ganun patuloy akong nadadasal na maging ayos ang lahat at buo ang supporta ko sa pakikipag laban nya mahal kita ann marie hindi kita iiwan hanggang sa huli nasa tabi moko mahal ko...

nag karon sya ng Serious symptoms hirap sa pag hinga chest pain dko namaalala yung iba hindi rin ganon kalakas ang resistensya nya kaya nahihirapan sya at tumawag siya sakin...

"gabby baby loves na loves po kita lalaban po ako mahal na mahal kita kahit anong mang yari ...sayo ako hanggang sa huli tuloy mo ang lahat ng pangarap natin I love you..." (hingal at hirap nyang sinabi)

ng mga oras nato hndi ko mapigilang maluha at umiyak sabi ko gagaling ka gagala pa tayo I love you too po...

pero yun na pala ang huling beses na mag kakausap kami....

hindi na nya kinaya ..... Sobrang sakit hindi ko akalain na aabot sa ganito ang hirap matulog, kumain, parang panagip lang ang lahat hndi parin ako maka paniwala na mimiss kona sya alam ko kapag nakita nyakong ganito magagalit sya kaya pinilit ko maging maayos kahit Hindi... maging masaya kahit masakit gabi gabi akong naluluha umiiyak hindi ko manlang sya nakita sa huling sandali.. lagi syang nasa panaginip ko masaya at buhay ayoko ng magising.... :(

sobrang hirap po hanggang ngayon di parin ako maka paniwala na wala na sya kailangan ko mag patuloy kahit pa wla na sya bibit-bitin ko lahat ng pangarap nya hindi ako pwede sumuko gagawin ko ang lahat mahal ko maraming salamat.

-Mahirap mag move on sobra naka depende ito sa tao. Yung iba kasi ginagawang biro ang lahat hindi yun ganon lang bawat tao may rason bakit hanggang ngayon hindi parin sila maka move on maaring malimutan natin pansamantala pero kahit kelan hindi mona maaalis sa isip mong minsan nag mahal ka ng sobra at nawala sya sa piling mo dahil sa isang hindi inaasahang trahedya maraming salamat po sa pag basa ng kwento ko.

2
$ 0.02
$ 0.02 from @Khing14
Avatar for gabbkunn
Written by   5
3 weeks ago
Topics: Experience
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Sad to hear your gf's story.. Naniniwala ako na anumang pagsubok na pinagdadaanan nayin ay kaya nating lagpasan.. May dahilan kung bakit mo naranasan yan.. Malamang ay hinahanda ka lang ni Lord sa future.. Tinuturuan kang maging malakas..

$ 0.00
3 weeks ago

maraming salamat po :)

$ 0.00
3 weeks ago