highschool crush

0 6

It was my first day in highschool as a first year student,kasama ko palagi bff ko since elementary pa ako..sa dinami rami ng mga studyante nun,isa lang talaga ang naka agaw ng atensyon ko..nag iba yung pakiramdam ko nung nakita ko syang nakatawa kasama mga kaklase niya..at napagtanto kong ganun pala ang pakiramdam ng humahanga sa isang tao na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman..di nagtagal nalaman ko pangalan niya at kung anong year na siya,syimpre nag imbestiga ako..😊😊..fourth year highschool na pala siya..lumipas pa ang maraming araw,mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya..di nagiging masaya ang araw ko kapag di ko siya nakikita..mas gusto ko pa ang school days kaysa weekends kasi school days ko lang siya nakikita..naisip ko ganito pala talaga kapag nagkakagusto kana sa isang tao..noon tinatawanan ko lang mga kaibigan ko kapag kinikilig sila sa mga crush nila,ngayon nkikipag sabayan na ako sa kiligan moments namin..di ko napansin na malapit na pala mag end ang shool year..huli na nang ma.realize kong graduating pala ang crush ko..masyado akong nalungkot kasi di ko na siya makikita ulit pag balik klase na..kaya bago pa siya umalis ng tuluyan sa school namin,nag lakas loob akong magtapat sa kanya ng feelings ko..akala ko mabibigo ako.pero nabigla ako sa sinabi niya. "kaya kitang hintayin hanggang sa mkatapos ka ng highschool,sana ganun ka rin sa akin."

i will post the second episode next day...

1
$ 0.00

Comments