bago pa lang po ako dito na ka 4 na articles na ako nakakaaliw kase naibabahagi ko sa iba ang laman ng aking isip at nakakatuwa na may nakakapansin ng aking mga isinusulat.
Salamat sa nag dala sa akin dito sa ganitong web site,sa totoo masaya ako sa pagsusulat. Naaalala ko nung elementary nagsimula ang pagkahilig ko sa pagsusulat ,nagsimula sa pagsulat ng aking talambhay na kailangang gawain at isubmit sa mga titser, hindi ko man lubusan na maunawaan kung bakit ito pinagagawa ngaun ay alam ko na, ito ay nagpapahasa sa atin upang malayang iparating ang ating nararamdaman sa paraan ng pagsusulat.
Ang pag babasa ko ng pocketbook ang nagbukas sa aking kaiisipan na maramdaman ang bawat nababasa ko, kinikilig sa mgakwento ngmga taong nagmamahalan, umiiyak kapag nabibigo o nasasaktan ang mga bida naiinis kapag inaapi,madalas naiisip na sana ako na langang bida.
Nagsimula ang aking pag susulat na parang writter ng pocket book nung akoy grade four palang nakakatuwang balikan at masaya ko to tong binabasa sa aking kaibigan at palaging sinasabi na gumawa pa akong marami,sulat kamay lang ako nun pero kahit masakit at nagkakalyona ang aking mga kamay ay okay lang kase masaya ako sa ginagawa ko.
Wala akong natatanggap na bayad pero ang mga ngiti at tuwa na nakikita ko sa mga kaibigan ko ay sya kong alaala hanggang ngaun.
Ngaun po ang sabi nila may points ka sa bawat views at comment,paggawa ng article ndi napo kase nadadagdagan ang points ko pero kung ano paman po masaya at nagpapasalamat ako at naiibabahagi ko ang aking niloloob.
Good one