Masasabi mo talagang batang 90's ka kung nalaro mo ang chinese garter,samahan mo ng text,holen,dampa, chato, ang apear disappear at habulan ito ang mga laro ng mga bata nuon habang breaktime,makikita mo sila sa paligid ng school,nung elementary.
Masayang alalahanin ang mga panahon nuon na uso ang kampihan sa chinese garter unahan sa pag hanap ng kakampi na magaling at iwanan ka kung ituring kanilang pabigat. Ang padamihan ng text na talagang ikinagagalit ng magulang na imbes ibili ngmgapagkain ng mga anak ay tunay na iniipon ng mga anak nila, ang pahabaan ng laste na hindi na man malaman kung saan itatago wag lang makita nila nanay at tatay.
Mga larong nagpapatibay sa mag kakaeskwela at nagiging tunay na kaibigan habangbuhay. Ang mga larong 90's ay nakapag pahubog sa pagpapalakas ng isip katawan at personalidad ng mga bata kung paano sila magtutulungan para manalo kanya kanyang diskarte sa bawat laro na sya namang kawili wili.
Nakakalungkot man isipin na sa panahon ngaun ng mga tinatawag na millenial halos wala ka ng mga bata na makikitang nilalaro ang mga ito...higit pa lalo sa panahon ng pandemya. Ang pangunahing nakakapagpalibang sa mga bata ngaun ay ang paghawak at paglalaro ng mga gadget na lubhang nakakabahala.
Nice article. Hindi mo talaga makakalimutan ang pagkabata mo dahil talagang naenjoy mo lahat. Hindi katulad ngaun na bihira na talaga un mkikita mo n ngllaro sa labas. Lalo na kapag naging online talaga ang schooling... Wala nang PE.😥 Sna kaht papano un mga bata ngaun ay napapatnubayan pa din natin at iencourage na maglaro gaya ng mga laro natin dati..