Caleruega

0 10
Avatar for eve
Written by
4 years ago

Napakalapit talaga sa puso ko itong lugar na ito ang kawikaan nila na ang malapit sa kalikasan ay malapit sa Panginoon kaya naman napakahalaga ng lugar nito sa akin.Ito ay matatagpuan sa Barangay Caylaway ,Batulao, Nasugbo Batangas

Sa unang pagkakataon ko na nakita ito namangha talaga ako sa kagandahan at katahimikan na dulot nito sa bawat tao na magpupunta kapaligiran kung saan makikita mo ang maraming naggagandang tanawin kagaya ng simbahan nanapapalibutan ng mga magandang puno bulaklak ang pag kakataon na lalo kang mapapalapit sa tagapaglikha.

Sa lugar na ito masasabi ko na napaka swerte ko na makita ko ang ganitong lugar sa buhay ko, sa mga pinag daanan ko ang paglapit lang sa Panginoon ako kumukuha ng lakas,malapit sa Panginoon at malapit sa napakagandang nilikha nya.

Masayang puntahan ng mag pamilya at kalimitan ang lugar na ito ay pinipili na punatahan para pagdausan ng mga kasal sa angkingkagandahan masasabi mo talagang ibiniyaya ito ng tagapaglikha.

Gusto ko ulit makapunta sa lugar na ito pero mahirap na sa panahon na ito pero kung may pagkakataon napakasarap pumunta sa lugar na itoupang patuloy na mag pasalamat sa mga biyaya at proteksyon na naibigay ng Panginoon sa buhay namin.

2
$ 0.00
Sponsors of eve
empty
empty
empty
Avatar for eve
Written by
4 years ago

Comments