Howdy! How's everyone doing? Sana naging masaya kayo sa araw na ito. Anyway gusto ko lang magpasalamat dahil nakita ko na marami sainyo ang naka appreciate nung article ko na entitled 'how to earn more points'. Pasensya na nga pala guys kung di ko nareplyan lahat ng comments ninyo. Ang totoo niyan masama ang pakiramdam ko ngayong araw at hindi rin nga ako nakapag sulat ng bagong articles ngayon. Pero masaya ako at nakatulong kahit papaano yung mga tips ko dun kung paano makaka earn ng mas maraming points, lalo na sa mga newbies. So yun nga, sa previous article isa sa mga tips ko para mas marami ang mag comment sa mga sinusulat natin is gawing interactive ang artikulong sinulat mo. May nagtanong kung paano gagawin yun. Based sa experience ko guys para maging interactive ang isang article dapat na mag isip kayo ng topic na appealing sa mga mambabasa, yung tipong marami ang makakarelate. Huwag puro mema. Oo goal natin na magsulat ng mahabang artikulo pero itry din nating gawing may sense yung sinusulat natin, yung may matututunan din ang iba. Tapos pwedeng lagyan din natin ng konting punchline para hindi boring.
I'm sure katulad ko karamihan sainyo nauubusan na din ng ideya kung ano ang isusulat. Yung tipong pinipiga mo na yung utak mo pero wala ka talagang maasip. Heto naman ang advice ko diyan, bakit di mo itry tumingin sa paligid? Try mong gawan ng kwento ang isang bagay na makikita mo sa paligid, idescribe mo yung bagay na yun then try mong magsabi ng kahit na ano tungkol sa bagay na yun promise di mo mamamalayan ang haba na pala ng nasabi mo.
Yun lang naman mga ginawa ko sa loob ng dalawang araw na nandito ko nakatambay lagi sa read cash. At alam nyo bang sa loob ng dalawang araw tatlong beses na ko naka pay out? Hindi rin imposible yan sainyo basta masipag ka lang at matiyaga sa pagsusulat.
So yun lang muna masasabi ko sa ngayon. Kung may tanong kayo o kahit anong reaction feel free to comment po. I will try my best na sagutin yan.
Iba din... Ikaw na. Hahaha😊 mapapaSANA ALL na lang talaga ako. 😁