"Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin"
Basang basa sa ulan by Aegis, isa sa mga kantang kinakanta ko kaduet si Papa nung bata pa ako. Sobrang fan kami ng Aegis. Lahat ng kanta nila, ay kinakanta namin.
Nung lumaki ako.....
"Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana may luha pa akong mailuluha
At nang mabawasan ang aking kalungkutan"
Ansarap pala umiyak habang naliligo sa ulan. Naranasan nyo na ba yon?
Yung dere deretsong napatak ang luha mo ng walang sinumang nakakapansin sayo.
Angsarap maglabas ng hinanakit at sama ng loob sa ilalim ng ulan.
"Basang basa sa Ulan" by Aegis, tila ba nung bata ako ay walang ibang ibig sabihin sakin. Ngunit nung lumaki na ako at nagkaisip, don ko lang nalaman ang malalim na kahulugan nito.
Tag-ulan na, natitiyak kong marami ring tao na ginagawang sandalan ang ulan.
Hayaan mo kaibigan, handa kitang pakinggan.
-@erikapmtn ♡
When it rain inevitably loneliness sets in. I wonder why, when it's rainy, it is a gloomy day. When rain pour down and hearing the raindrops in the roof down to the ground, I was under the pillow feeling sad and lonely, recalling the pains and hardships I have encounter pursuing my dream alone. But there was no regret for it make strong and independent. Like the song, I am wet of the rain on my struggles without help from the others and only cry to relieve oneself.