Expectations

13 35
Avatar for erikapmtn
4 years ago

Spetember 15,2020 (Tuesday) nakuha ng pinsan ko ang grades nya. 92 ang general average at with honors. Nalaman yun ng Lola ko at biglang nagsabi na

"Isabel, dapat 93 ang average mo kase 92 si Ishna."

Kumunot yung noo ko, dahil maski di ako ang sinabihan eh napressure ako. Tiningnan ko yung kapatid ko, di sya umimik.

Kahapon, September 17,2020 , nakuha ng kapatid ko yung grades nya. 93 and general average at with honors. Maya maya pa'y

"Isabel isa na lang 94 na edi sana with high honors ka"

Sumama talaga yung mukha ko.

Bilang isang kabataan, ramdam ko yung pressure pag sinasabihan ng ganon. Lalo na pag kinukumpara ka. Dahil pinupush mo yung sarili mo para lang maibigay yung hinihingi nila.

Lola ko ang nagbabantay samin dahil parehas nasa ibang bansa ang magulang ko. Alam naming kahit ano pa ang mga naabot namin, proud pa rin sina Mama at Papa. Pero hindi ko gusto yung pressure para sa kapatid ko.

May mga nababalitaan ako sa social media na mga kabataang nagpapakamatay dahil di nila nabigay yung ineexpect ng magulang o pamilya nila. At ayoko mangyari yun sa kapatid ko man o sa ibang tao.

Matuto tayong makuntento.

Ginawa ko to para magsilbing awareness sa mga magulang na wag ipressure yung mga anak nila. Dahil hindi biro ang maging estudyante. Lalo na ngayon na self-study ang mangyayare dahil sa pandemic.

Mahirap ng makuha ang 90 pataas na grade lalo na ang average. Dahil may mga activities at tasks na kelangan ipasa, minsan nagsasabay sabay pa.

Naaalala ko nung nagaaral pa ko, sa sobrang dami ng certificates at medals na naiuwi ko, di man lang ako nakarinig ng salitang "Congratulations" mula sa Lola ko.

Nung gumraduate ako ng Senior High School ay "First Honorable Mention" ako at may iba pang best at certificates, pero ang tanging narinig ko "Bakit di ka naging Valedictorian" mas iniyakan ko yung pangyayaring yun dahil hindi biro ang hirap na dinanas ko. Nagsabay sabay ang problema sa pamilya ko at thesis ko. Tas ganun yung narinig ko. Pero pinaniwala ko yung sarili ko na tama na yung natanggap ko. Sapat na sa effort na binigay ko.

Ayokong makaramdam ang mga kabataan ng pressure sa pagaaral, gawin nila ang best nila. Iprovide ang mga kelangang ipasa. Gawin ang responsibilidad bilang magaaral.

Para sa mga magulang, wag po tayo magbitaw ng mga salita basta-basta dahil di natin alam ang nagiging epekto nito sa mga anak nyo. Nawa'y gabayan at suportahan nyo sila sa lahat ng bagay.

Maraming salamat sa pagbabasa

-@erikapmtn ♡

13
$ 0.01
$ 0.01 from @Mars_byahera
Sponsors of erikapmtn
empty
empty
empty
Avatar for erikapmtn
4 years ago

Comments

Napaka gandang article itong ibinahagi mo at sadyang napapanahon ngaung pandemic, me natutunan talaga ako dahil sa article o na ito at itatak ko sa isip ko ang lahat ng mga nabasa ko ngaun salamat uli!

$ 0.00
4 years ago

Salamat po!

$ 0.00
4 years ago

Hindi ko pa po nararanasan yung ganyan, pero nakakalungkot po kasi may mga kilala ako ng may mga taong ganyan sa kanila. Pero alam ko po yung feeling na ginawa mo na yung best mo pero hindi pa rin sapat sa kanila. Yung hinusgahan ka nila kahit na hindi nila alam yung mga paghihirap mo. May naging kaklase ako na, kahit tumaas na yung grades nya, nagalit pa rin sa kanya yung nanay nya, sa harap pa namin. Wala syang pake kahit na may makakita. That time talagang nalungkot ako para sa kanya, dun ko na realized na kahit pala laging puro kalokohan ginagawa nya is para mapansin sya at may mapasaya. Hindi naman masamang mag expect, pero sana kung ano yung maging resulta , tanggapin na lang . Mas maganda din kung i che-cheer up hindi yung papagalitan.

$ 0.00
4 years ago

Totoo po. Kaya sana matuto mga magulang na suportahan at tanggapin kung ano't ano man maging grades ng anak nila

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga po. Anyway, sana po maging ok yung kapatid mo kahit na mahirap

$ 0.00
4 years ago

Sa totoo pag ka graduate mo hindi important ang grade. Skills pa din. Marami akong nakilala na maliit lang grades nila pero they are successful right now.

$ 0.00
4 years ago

Totoo! Di ko rin naman nagamit grades ko sa trabaho.

$ 0.00
4 years ago

Importante ginawa mo best mo. At sa mfa un alm mo sa sarili mo na may natutunan ka

$ 0.00
4 years ago

Opoooo! Sana yung ibang magulang walang expectation sa anak pagdating sa grades. Na dapat ganto dapat ganyan

$ 0.00
4 years ago

Yes sis bata rin mag susuffer parang takot na magkamali pag ganun.

$ 0.00
4 years ago

i subscribe you place subscribe me

$ 0.00
4 years ago