May mga pangarap akong gustong gusto noong ako ay bata pa. Ang isa dito ay ang pag guhit. Noong ako ay elementarya palang ay hilig ko na ang gumuhit. Lumalahok ako sa mga pa contest, ang drawing contest na kung saan ako ay nakaka top 3 lang, kasi magagaling kalaban. Pero hindi nasira ang aking pangarap kasi hindi ako maka first place man lang. Bagkos ako ay nag insayo ng nag insayo. Bago ako makatapak ng higschool ay pinag aral ako ng aking mga magulang sa isang paaralan na kung saan ay pwedeng sa bahay ka lang at sila ang mag de deliver ng mga materyales na aking kailangan para sa pag guhit. Eto ay ang "International Correspondence School". Marami akong natutonan sa school na eto at nakadagdag sa aking kaalaman sa pag guhit. Pero sa kasamaang palad dumating ang unos sa aming buhay at bumagsak ang mga negosyo ng aking mga magulang, at nahinto ang aking pag aaral. Sa kabila ng lahat ay itinuloy ko ang aking paguhit, araw araw akong gumuguhit. Kapag nahihirapan ako sa isang anggulo ay inuulit ulit ko eto hanggang eto ay aking makuha. Napakasaya ng gumuguhit ka. Yung kaya mo iguhit halos lahat ng iyong nakikita at iyong na iimagine.
Pero noong ako ay nag highschool na ay dumalang ang aking pag guhit at nag focus ako sa aking pag aaral. Halos 2x a day nalang ako mag ensayo minsan wala pa. Dahil narin siguro sa kalagayan ko bilang PWD o person with disabilities. Naisulat ko na po ang about dito, visit nyo lang po ang mga articles ko dito ( https://read.cash/@epicroxas/buhay-ko-bilang-persons-with-disabilities-or-pwd-f62328b0). Mas gusto ko pa po mag pahinga minsan o umidlip pag ka galing sa eskwelahan kesa gumuhit dahil sa sobrang pagod. Noong ako ay nag vocational na after ng highschool ay halos wala na akong ganang gumuhit. Pero nag focus ako sa kinuha kong course which is computer technician. Dito nabago ang lahat. Nag focus ako dito at unti unti ko pang natutunan ang ibang field pa ng computer like encoder, programming, photo editor, proper typing, at iba pang skills.. na sulat ko narin po eto. Pa visit narin po dito ( https://read.cash/@epicroxas).
Pero kahit natigil ako sa pag guhit, ang pagiging artist ko ay nagamit ko o na i apply ko sa pagiging photo editor. Kaya ko ng mag design ng kahit anong design ng mga okasyon like wedding invitation, birthday, baptism, tapaulin, etc. At photo manipulation. Ang point ko i never stop dreaming. Kahit hindi ako naging matagumpay na drawing artist, nagamit ko naman eto para ma i apply sa kasalukuyang trabaho ko.. salamat po sa pag babasa.. Godbless us all...
Please like.. comment or upvote😊
Subscribed: epicroxas
Salute you po kahit PWD ka binigyan ka naman Dios na kakahayaan na hindi kaya ng iba din pero lahat tayo may ibang ibang kakayahan o talento depende kung gusto mo ito