Ako po mula 1 year old ay nag kasakit ng polio.. noon pong panahon ko mga 1982 to 84 ay wala pa pong bakuna sa polio.. at tinamaan po ako neto.. at mula pagkabata ko nakaranas na ako ng pang bu bully.. sa aking mga kamag aral at kung sinu sinu pang mga tao.. laking pasalamat ko lang at hindi ako pinabayaan ng aking mga magulang na laging nakagabay at nag papalakas ng loob sakin.. pero hindi parin maaalis na kapag wala sila sa tabi ko ay nakakaranas parin ako ng pang bu bully sa mga taong tuwang tuwa akong pag tawanan.. muntik narin akong masiraan ng loob at huwag na pumasok sa eskwelahan dahil sa aking nararanasan. Pero patuloy akong kinukumbinsi ng aking mga magulang para ipagpatuloy ang aking pag-aaral.. kaya kahit hiyang hiya na ako at bigat na bigat na aking kalooban ay ipinag patuloy ko ang aking pag aaral.. kahit naaapektuhan ang aking focus sa pag aaral ay patuloy akong nag aral.. ng nag highschool ako kahit panu nabawasan ang mga bully.. pero hirap naman ako pumasok dahil sa aking kapansanan.. pero inisip ko nalang lalo akong mahihirapan kung hindi ako makakatapos man lang ng highschool.. nag patuloy ako ng pag aaral at nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan.. hindi sila marami pero natoto nila akong tanggapin at suportahan.. nag patuloy ako ng pag aaral hanggang makapasok ako ng collage pero vocational lang ang nakuha ko kasi sa hirap ng sitwasyon ko.. natapos ko eto at naging top one sa klase.. at pasalamat ako sa aking mga magulang na hindi nag sawang suportahan ako sa aking mga pangarap..at lalong lalo na sa panginoon... salamat po..
Payo ko lamang.. sa mga katulad ko wag po kayong susuko sa kahit anu mang delobyong dumaan sa inyong buhay.. hindi tayo bibigyan ng dyos ng pagsubok na hindi natin kakayanin.. at sa mga tao namang pinanganak ng normal.. bakit hindi ng iba maayos ang kanilang buhay samantalang sila ang unang pinag pala.. kumpleto kayo sa katawan pero yung iba binabalewala nila kung gaano na sila ka swerte.. yun ang hindi ko maintindihan. Mag pasalamat sa dyos at maging mabuti sa kapwa tao.. at tulad ng nararanasan nating epidemya.. tiwala ako na malalampasan din natin eto lahat.. tiwala lang sa kanya.. Godbless to all..
Subscribed: @epicroxas
Like.. comment.. upvote😊
Madami na po akong nasaksihan na ganyan scenario ng pambubully lalo na sa mga bata. Madalas talaga pangungutya ng mga nasa murang edad pa lang. Pero saludo ako sayo sir sa tibay at tapang mo na lumalaban araw-araw. God bless po lagi!