Eleno Roxas
Tuloy ko na po kwento ko about sa lolo ko na kumuha sakin sa bahay noong nag kulong ako kasi ayaw ko na lumabas. Sa mga hindi pa nakakabasa nung una kong kwento eto po ang link ( https://read.cash/@epicroxas/my-life-ec9054f2 ).
Eto ang lolo ko. Naging Mayor sya sa probinsya ko ng more than 20 years. Kasi po nung panahon nya ay wala pang limit ang pagiging mayor, masungit sya tingnan at strikto sa lahat ng bagay. Tumigil lang sya sa pagiging mayor nung natalo na sya ng lolo ng partner ko ngayon (that's another story). Napansin ng lolo ko na hindi nako lumalabas, nag pasyal ang lolo ko sa bahay namin na first time kong nakitang sinadya nya bahay namin, para kumustahin anak nya, si papa ko. Laking gulat nya ng makita nya ako sa bahay. Sabay mano ko. Sabi ng lolo 'Andito ka lang pala, ay sumama ka sa akin at tayo'y may pag uusapan', hindi nako nakatanggi at sumama nako. Pag dating namin sa bahay nya, na mano rin ako kay lola. Dahil maraming kwarto kila lolo binigyan ako ng isa, naka carpet ang sahig, may t.v. at electric fan, at may playstation. Sa mga oras na yun hindi ko pa alam ang plano ng lolo ko kasi hindi naman kami masyado nag uusap sa bahay nya. Nakita ko ang isang pinsan ko tabing bahay nila at nag titinda ng mga almusal, unang umaga ko kila lolo nangapitbahay agad ako na hindi ko alam na bawal sa lola ko. Kaya nung tanghalian na umuwi nako, inabutan ko sa lamesa si lolo at lola. Kinakabahan ako kasi late ako dumating.
Pag upo ko, kumain, at nag salita na ang lola, 'Ayaw ko ng nangangapitbahay ng umaga', sabi ko opo, si lolo mga ilang minuto nag salita, 'Yan ang gusto ko matapang', wala naman akong sinasabing iba. Eto gawa ko sa kanila, ipag timpla ng kape si lolo tuwing 5am ng umaga, kape lang walang asukal, si lolo kasi ay may diabetes. Tuwing umaga lagi kinukwento sakin kung panu sya umasenso noong hindi pa sya nag me mayor, nag titinda lamang sya ng mga damit at inalatag sa daan, parang tyanggi sa palengke. Tapos one time pinakita ko kay lolo kung panu ako gumuhit, sa kasamaang palad parang hindi nya gusto ang pangarap ko, ang sabi nya sakin 'Magaling kang gumuhit, pero hindi daw ganun kalaki ang kikitain ko sa pag guhit, gawin ko nalang daw background o sideline. Dumating ang oras na parang lagi nako inuutusan ng lolo, hindi nya ako tinuring na PWD. Pinag walis ako ng kanal umaga kahit bagong ligo ako, hindi naman ako nahirapan, at pinalinis nya ang isang space sa bodega nya sa kanyang mga tauhan at ginawang parang office para i manage ko ang kanyang koprahan, tinanong ko si lolo kung anung trabaho ko dito ang sagot nya sakin ' Isumbong mo sakin ang mga tauhan nya sa coprasan kung sinung mang daraya sa kanya', nagulat ako. Tapos sinasama nako sa mga lakad nya. Taga bayad na ako ng bigas na ino order nya sa NFA. Kasi may tindahan sila. Masaya ako kasi feeling ko proud sya sakin. Ngayon lumipas ang ilang buwan tinapat na ako ng lolo. Sabi nya 'Gusto kitang maging abogado', yun lang ang narinig ko. Pinag isipan ko mabuti, at alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya yun at hindi ako ganun katalino at matagal na pag aaral yun. At medyo nauwi na ulit ako sa bahay namin, bihira na ako matulog sa kanila, kasi hindi ko talaga kaya maging abogado. May school sa lugar namin, private, may vocational course, tumingin ako at ang napili ko ay computer technician, kaso baka pag tawanan lang ako kasi sa school lang sa probinsya namin ako papaasok samantalang lahat ng ka batch ko sa manila nag collage, ako lang ang sa probinsya namin, kaya nag dadalawang isip rin ako, hindi pa alam ni lolo na plano ko ng umalis sa bahay nya at hindi ko sya mapapag bigyan sa gusto nyang maging abogado ako. Hindi ko pa masabi. Natatakot akong ma dissapoint ko lolo ko. Dumating ang oras na may bisita syang kagawad at muling humingi ng kape ang lolo. Pag abot ko ng kape muli ako kinausap ng lolo sa harapan ng bisita nya. Sabi nya 'Apo ko nga pala, pag aaralin ko ng abogasya'. Nagulat ulit ako at yun talaga gusto ng lolo. Nag salita nako, sabi ko 'lolo hindi ko po kaya ang abogado, pasensya na po.
Sagot ng lolo, 'anu gusto mo?', sabi ko 'May private school po dito sa lugar natin, vocational lang po lolo, pero baka po hindi maganda ang turo'. Natahimik ang lolo ng konting minuto. Kabado na ako, para maalis kaba ko muli akong nag salita, 'pero lolo baka hindi narin kasi pangit na school lang yun, hanap nalang po ako ng ibang school yung maganda ang turo', sagot ng lolo na tumatak sa utak ko hanggang ngayon. 'APO TANDAAN MO, WALA SA SCHOOL ANG KAPANGITAN NG PAG AARAL, NASA ESTUDYANTE YAN'. Kaya tinandaan ko yun. Nakahinga ako ng maluwag, ok lang pala kay lolo kung anung course ang gusto ko, walang course dun ng drawing kaya pinili ko nalang computer tech. So nag aral ako ng mabuti. Umalis ako kila lolo at sa bahay na ako nag stay. Sa isip ko babalikan ko si lolo mag tatagumpay ako sa course ko na eto after two years. Two years course yun, lagi akong top 1, inayos ko talaga, lahat ng subject lalo na mga computer subject ginalingan ko, na akala ko hindi ko kakayanin, laman ako ng library, pina pa photo copy ko mga libro about computer. At lahat exam ko hakis perfect lagi. Dala dala ko salita ng lolo. Bago matapos ang first year ko sa vocational na course ko, nasa taas ako ng bahay namin at nag re review, biglang tumawag si papa sa baba. At nag iiyak, sabi ko pa anu yun papa? Sabi ni papa 'Patay na si lolo mo, inatake sa puso', bigla ako napaluha na ewan. Parang lahok lahok nararamdaman ko, nakakaiyak kasi namatay sya, nakakalungkot sobra. Pero may side sakin na galit, bakit kelangang mawala agad ang lolo ko na wala pako napapatunayan, ni hindi nya inabutan ang pag sisikap ko para patunayan ko kaya ko at patunayan ko tama sya na nasa studyante ang pag aaral wala sa klase o uri ng paaralan. Panu na? Napapaimik ako mag isa, 'Lolo naman ang daya mo'. Dumating ang second year, humina nako sa ibang subject like math, sociology, etc. At nag focus nalang halos ako sa computer. Tuwing ibang subject hindi nako napasok, nasa laboratory nalang ako madalas, nag cocomputer. Down na down ako. Yung taong inaalayan ko ng bago kong buhay nawala pa. Sana feel nyo ako. Pero kahit wala na sya tinapos ko course ko. Inisip ko nalang na kita nya mga pag sisikap ko.
Hinding hindi kita makakalimutan lolo, hindi ko na naisama dito iba pang nangyari samin ng lolo ko, like bonding. Nalulungkot kasi ako habang kinu kwento ko dito. Kaya naniniwala na ako na kung may mahal kayo sa buhay, paramdan nyo na agad minu minuto, kasi baka mawala nalang sa inyo o tayo mismo mawala. Salamat po sa mga nag basa.
Please like and comment and subscribe.. God bless