My Life

15 40
Avatar for epicroxas
4 years ago

Before i start, let me tell you this . Ang ganda talaga dito sa ReadCash, sa mga articles mo ay merong nakaka appreciate, unlike in real life nobody give a ****, you know what i mean. It feels good someone appreciated your work and your story, giving you advise, and respect, na kailangang kailangan mo lalo na kapag down na down ka. Actually hindi ko na napapansin points ko, naka focus ako kung anu ang mga susunod na artikolo ko, naka focus ako sa paglalathala ng mga pangyayari, mga nakikita at karanasan ko sa buhay. At gusto ko i share ang isa pang karanasan ko na hindi ko pa naibabahagi sa mga artikolo ko. Inspired by this article ( https://read.cash/@Savel.24/mans-precious-commodity-072d3843 ). So go ahead and visit her articles and subscribe.

Sa mga nakwento ko sa ibang mga articles ko ay isa rin ako sa biktima ng bullying, at ang dahilan ay ang pagigi kong PWD, lagi akong tinatawanan the way i move, para kang nasa peryahan at pinapanood ka, para akong nasa freak show, hindi madali sakin tanggapin lahat ng yun kahit anong payo pa sakin ng aking mga magulang, araw araw ako nakikipag digmaan sa sitwasyon ko. Ayaw kong mag paka plastic at sabihing everything is gonna be ok! well its not. Kadalasan umiiyak ako ng madaling araw para sure ako na walang makakakita or makakarinig sakin. Ang masakit nun hindi ko alam kung sinung dadaingan ko o tatawagin ko.. sa puntong iyon pati sa dyos ay masama na ang loob ko, bata pa po ako nun kaya medyo makitid pa utak.

After i graduated highschool dito na akong mag simulang magkulong.. kung mababasa nyo articles ko kasabay narin neto ang pag hihirap ng aking pamilya. Nag abroad na si mama at nabyahe naman noon si papa, mga kapatid ko nag aaral sa malalayong eskwelahan. Meaning mag isa na lalo ako, ang tatay ko kung umuwi man ay madalas lasing. So kelangan ko alagaan ang aking sarili ng mag isa, as a PWD its not that easy. So mas pinili kong manatili sa loob ng bahay for almost 2 years ng walang labas labas, malamang yung iba dyan hindi maniniwala, pero ok lang po. Kahit panu naman magaan po kalooban ko kahit mag isa lang ako, may kasama nga po pala akong aso. Sa mga lumipas na buwa ay ok naman kahit mag isa. Kahit limitado pag kain ok lang, mas nahihirapan pa nga ako lumudin mga pang lalait ng iba kesa sa kanin. After a few months eto na. Naputulan na kami ng catv, and the next day kuryente naman. Pero ok lang basta ayaw ko lumabas. Ang libangan ko ay mag drawing, mag basa basa, at mag laro ng aso. Thats it.. kuntento na ako. Namuti ako sa loob ng bahay, humaba buhok ko, ng hindi ko napapansin. Ganun lang gawa ko in the past two years, almost two years. One day dumating ang lolo ko, by the way he is rich guy and ex.mayor ng aming probinsya for almost 21 years.. wala pa pong limit pagiging mayor nung panahon nya. Tanong bakit hindi kami lumapit sa lolo ko? Kasi may pride po ang erpat ko. Na hinding hindi lalapit sa lolo ko, pero nung dumating si lolo sa bahay ay hinahanap ako. Lumapit ako at nag mano, akala ng lolo nag aaral ako kaya hindi nya ako makita. Ngaun gusto nya ako isama sa bahay nya at dun patirahin kasi pag aaralin nya ako. Dun nabago ang buhay ko. At i kukwento ko sa sunod na article ko ang tungkol sa lolo ko kasi he deserve it.

Nag uunti unting magkakulay ang buhay ko sa mga darating pang taon noon. Pero may mga dinaanan parin akong pag subok na parang sinasadya nalang ng panahon para palakasin ako. Sa mga PWD dyan wag po kayo gagaya sakin na mahina ang loob. Madaling masaktan at mahiyain. Salamat po sa pag babasa. Gusto ko po sana tuloy tuloy pa kaso mag sasaing pa po ako.. maraming salamat po at may mga sudunod pa po akong artikolo..

Please like and comment and subscribed

Godbless us all..

9
$ 0.74
$ 0.69 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Savel.24
Sponsors of epicroxas
empty
empty
empty
Avatar for epicroxas
4 years ago

Comments

Thanks sa pag mention. By the way yang nararanasan mo na yan ay hindi lang ikaw ang nakakaranas. Yung iba mas mahirap pa sa katayuan mo kaya naman be blessed dahil may pamilya na matatakbuhan. Kasi yung iba wala na as in mag isa na lang talaga sila. Pagptatuloy mo lang ang pagsulat. Nakakapag bigay ka ng inspirasyon sa ibang tao at lakas para sa mga PWD. Good luck.

$ 0.00
4 years ago

Big thank you po.. 😊😊😊😊

$ 0.00
4 years ago

May pamangkin aong PWD so I know how hard it is para isang PWD na gwing katatwanan ang kalagayan nila. That was not your fault. It is nobody's fault. your feelings are vailid. yung sakit na nararamdaman mo kapag pinagtatawanan ka or anuman, valid yan. Walang pwedeng magsabi na nageenarte ka lang or anuman. Pero beh, you need to love yourself and accept kung ano ang meron o wala ka. By that way, kahit na ano pa ang sabihin nila ma-minimize na ang sakit at hindi mo na masyadong madadamdam. May times pa din a syempre masasaktan ka ulit. Pero lagi mong iisipin, hindi mo kasalanan ang kalagayan mo, wala kang inaapakang ibang tao at ang mga taong yun ay nobody para pansinin mo ang reactions nila or thoughts nila about you. Hindi mo kailangan ng validation ng ibang tao para malaman mo ang kahalagahan mo sa mundong ito. Kapag nasaktan ka ulit, it's ok to cry. Embrace the pain and let yourself cry. Tapos magsulat ka nalang, ialabas mo lahat ng sama ng loob mo. And pray for strength. Makikita mo, gagaan ang loob mo. I wish you strength and hapiness bes. Hope you find peace.

$ 0.00
4 years ago

Kaka touch nmn po.. salamT po sa payo.. tatandaan ko po yan. Sana po wag gumaya sakin pamangkin mo.. mahina po loob ko sa totoo lang.. wag ko na po pahabain pero soobrang salamat po lHat lahat..

$ 0.00
4 years ago

Basta try to be brave. Try it muna then do it na after some practice. Being being doesn't mean being rude. Kaya go go go!!!

$ 0.00
4 years ago

Salamat po ulit.. i will try it.. kahit dko pa alam kung panu...

$ 0.00
4 years ago

salamat sa pagsulat ng iyong mga karanasan kaibigan. Lagi lang maging matatag at maging positibo lagi. May mga tao mang nanlalait dahil sa ikaw ay pwd . ayaan mo sila ! Inspirasyon kapadin sa iba

$ 0.00
4 years ago

Salamat po sa payo.. 😊

$ 0.00
4 years ago

Kanina Pato sa notification ko. But now ko Lang nabasa, now Lang akonnag ka the mag ikot sa aking notification Ang dami Kasi araw araw,

Kuya napaka ganda Ng story Ng articles mo. Although napkarami talaga mga struggles na darating sa buhay natin Yan ay talagang ipaparanas sayu Ng panginoon, bakit Kasi gusto nya nakahit Isa Kang PWD ay matuto Kang maging matatag, lumakas Ang loob para pag may another obstacles nanaman na ibibigay sayu Ang Diyos ay may kakayahan kana na makayanan Ang mga Ito.

Lage ka lang mag tiwala sa Diyos, at hinding Hindi ka nya papabayaan. Lage mo lakasan Ang loob mo. Remember this. God love us. He loves you. Waiting ako sa next articles mo nabitin ako konte haha...

$ 0.00
4 years ago

Salamat po sa appreciation.. sorry po nabitin ko kayo.. sunod ko pong article ay about sa lolo ko. At kung panu nya binago ang buhay ko.. un lamang po muna masasabi ko hehe.. thanks po ulit sa comment..

$ 0.00
4 years ago

Walang anuman, just keep writing your life happening here

$ 0.00
4 years ago

Ganyan talaga ang buhay. Lahat tayo kundi man lahat nag daan sa ganoong kailangan pahalagahan ang pride lalo na sa mga lalaki. Ganun din ang tatay ko. Mna kahit anong mangyari di siya hihingi ng tuling sa nga taong nag mamaliit saknya o sa familya namin.

Naiitindihan ko siya jan. At di nako nangingialam. dahil pinapahalagahan konrin ang kanyang pride.

Ang mahalaga kasama mo pamilya mo. Yun ang mahalaga

$ 0.00
4 years ago

Tama po kayo... salamat po ulit sa payo

$ 0.00
4 years ago