Naranasan niyo na ba ang ma-bully? ... Kinukutya ka dahil sa kalagayan mo , sa itsura mo , o sa estado ng iyong pamumuhay. Sinasaktan ka mapa pisikal man yan o sa pamamagitan ng mga salitang nakakapanakit ng damdamin.
Siguro , halos lahat ng tao nakaranas na ng mga bagay na ito. Isa na ako dun. Share ko lang noong bata pa ako . Kinukutya ako palagi ng mga kalaro/kaklase ko dahil sa pagiging mataba ko. Kesho "Baboy" daw ako , "Pork chop" , at kung anu-ano pang mga bansag ang binabato nila sa akin. Madalas akong umuuwi sa bahay na umiiyak dahil ako ang palaging napapagtripan ng aking mga kaklase.
Hanggang sa pagtungtong ko ng high school , ay naisipan ko nang magbawas ng timbang. Mula noon , sinabi ko sa sarili ko na magpapapayat ako , nang hindi na ako ma-bully ng mga tao. Araw-araw akong nagwo-workout ng aking katawan , at habang tumatagal ,ay paunti-unting bumababa ang timbang ko. Sinabayan ko pa ng tamang diyeta , at pag-iwas sa mga pagkaing nakakapagpataba. Mula sa 85 kilos , naging 63 kilos na lang ako pagtapos ko ng high-school. Masayang-masaya ako noon , dahil kasabay ng pagtapos ko sa HS , ay ang pagliit naman ng aking katawan .
Ngayong nasa college na ako , wala na akong naririnig na kahit na anong pangungutya sa ibang tao. Isang beses nga , ako pa ang napili na sumali sa pa-pageant sa school. Maganda daw kasi ang hubog ng aking katawan , at di ko naman maitatanggi na may kagwapuhan din ang aking mukha. 'Di naman sa pagmamayabang , pero proud na proud lang talaga ako para sa sarili ko.
( ( ( Please help me earn more points by liking & writing comments to this artcle .Thankyou and God bless!) ) )
Nice niceeee!!! Nag comment na po ako. Ang ganda po ng article mo lods ha ha ha haa