Hindi inaasahang napadpad kami sa Maynila noong December 6, 2019. Ito ay sa kadahilanang ang Bicol region ay sinalanta ng bagyo at nawalan ng internet connection ang opisina namin.
Dahil dito, napag-desisyunan ng mga leaders naman na tumungo kami ng Eastwood at doon magreport. Bumyahe kami papuntang Manila galing Bicol ng Byernes ng hapon. Nakarating kami ng Sabadong umaga. Napagkasunduan naming magkakaibigan na pumunta sa Tagaytay.
Nakapunta na ang isa sa mga kaibigan ko sa Tagaytay kaya nagpasama kami sa kanya. Galing Eastwood ay sumakay kami ng jeep papuntang Cubao. Meron naman daw FX pero that time hindi sya available. Mula Cubao naman ay sumakay kami ng bus papuntang Pasay. Pagkarating namin ng Pasay ay sumakay kami ng bus papuntang Batangas na dadaan ng Tagaytay.
Nagpababa kami malapit sa may Lomihan. Lunchtime na rin kaya kumain na muna kami. First time namin makatikim ng Lomi batangas kaya nag.order na kami. Matapos namin kumain ng Lomi, naisipan namin magkape.
Nakwento ng isa naming katrabaho na sa Tagaytay ang isa sa may malaking Starbucks sa Pilipinas. Ayaw namin palampasin ang pagkakataong ito kaya nagtungo na kami sa Starbucks.
Napakaganda ng lugar na ito. Malinis at sariwa ang simoy ng hangin. Matatanaw mo sa malayo ang Taal Volcano.
After dito ay nilakad namin paakyat ang SkyRanch Tagaytay. Nakakapagod maglakad pero mapresko compared sa naglalakad ka sa Manila.
We surely had so much fun in here for a short period of time. When you visit Tagaytay, Sky Ranch is worth a try. You can try the rides or you can just roam, buy souvenirs and have fun.
:) ellimacandrea
It really sucks this article got no English version, I'm really interested in it all because I was attracted by the beautiful pictures