Star City Remembered

11 56
Avatar for ellimacandrea
4 years ago

Sino dito ang naka-punta na at namasyal sa StarCity? Naaalala ninyo pa ba ang masasayang araw niyo dito? Naalala ko na ang first time kong pagpunta dito ay noong nag-fieldtrip kami ng mga classmate ko kasama ang aming teacher noong ako ay nasa 2nd year high school. Matagal ng panahon iyon at hindi pa uso ang cellphone na may camera. Kaya wala akong remembrance noon.

Ang pangalawang bisita ko naman ay noong nakaraang taon pa lamang. August siguro yun at pumunta ako ng Manila. Pumunta na rin kami ng boyfriend ko para mamasyal. Hindi namin akalain na last time na pala yun dahil nagkaroon ng sunog dito ilang buwan pagkatapos namin bumisita.

Mula sa Pasay ay nag-Grab na lang kami para mas mabilis ang pagpunta. Naka-kuha ako noon ng mas murang ticket sa Metrodeal kaya nakatipid kami. Una naming sinakyan ay yung Surf Dance ata yun. Nakakatakot dun at hindi na ako umulit.

Gusto sana namin subukan ang Rollercoaster pero pareho kaming duwag kaya hanggang picture na lang ang ginawa ko. 😅 Isa pa ay mahaba ang pila pero maiksi ang aking pasensya. Hindi rin namin nasubukan ang Ferris wheel kasi mahaba din ang pila.

Sinubukan namin yung Pirate Adventure. Dito ay hindi masyadong nakakatakot pero sasakay ka sa parang bangkang pabilog at magtatravel sa man made na ilog sa ilalim ng man made na bundok. Habang nasa loob ng bundok at kinukwento ang story tungkol sa Pirate's of the Carribean.

Isa sa pinakanakaka enjoy na experience din yung Art Gallery ng Star City. Ang daming magagandang painting na parang totoo. Nilibot din namin ito. Pero kailangan dito ay naka medyas ka o kaya ay nakapaa. Bawal ang sapatos.

Pumasok din kami sa Gabi ng Lagim. Pumila sa Vikings pero hindi kami tumuloy dahil natakot ang kasama ko ng makita nyang sobrang taas ng swing ng ship. Sa Merry go round nalang kami sumakay. Enjoy rin naman dito at relax lang.

Ang sarap sana balikan ng lugar na ito. Malapit lang sya sa City kaya pwede mong puntahan kahit wala kang sariling sasakyan. Nakakapanghinayang nga lang na ito ay nasunog na. Sana ay bumalik pa ito ng maibalik pa ang masasayang alaala.

:)ellimacandrea

6
$ 0.00
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty
Avatar for ellimacandrea
4 years ago

Comments

Parati ko naririnig ang lugar na iyan kahit malapit lang sa lugar ng aking tyahin ni hindi ko man lang nasilayan ang itsura nyan,natutuwa ako sa tuwing naririnig ko sa mga taong nag kwekwento tungkol sa star city pakiramdam ko nakarating na din ako dahil sa kanilang mga kwento.Sa tuwing nagkwekwento sila about star city gumagana ang aking imahinasyon na parang akoy nakapasok at naglalaro ng ibat ibang games sa loob nito na parang lahat ng mayroon sa loob ng star city ay nasakyan ko na at napasukan.nakakatuwa, at isang saglit pa di mo namamalayan na tinatawag ka na pala,at bigla mo na lang naramdaman na may lumagapak na sa iyong katawan.hahahahahahah

$ 0.00
4 years ago

Ay sayang po. Wala ng star city ngayon. Nkakalungkot naman.

$ 0.00
4 years ago

Laughtrip yung pumasok kami sa Gabi ng Lagim. Imbes na matakot kami, naiyak lang kmi kakatawa hahahaha. Kapag naaalala ko natatawa parin ako hahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Hahaha. Actually nakakatawa nga dun. Pero naalala ko nung first time ko 14 y.o plang ako nun nahulugan ako ng fake na gagamba, takbo tlg ko palabas. Iniwan ko mga kasama ko. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

Nakakamiss pumunta, before college yearly kami napunta dyan kaso nawalan na ng time. Wanted to go there last year for my birthday

$ 0.00
4 years ago

Sayang nga wala na sya ngayon eh. EK sana kaya lang malayo din eh. Laguna pa.

$ 0.00
4 years ago

May shuttle service to EK from makati though, aantayin lang talaga. Pero medyo malapit lang EK sa amin, mga 2 jeep then 1 trike? Or kahit lakarin na pagbaba ng puregold sta. Rose pwede na

$ 0.00
4 years ago

Mas madali na ata sya. Pero before parang mahirap. Nakapunta na din ako dun nung college ako. Pero excursion lng din namin. Dun na try ko roller coaster at Viking. Ayoko na umulit. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

Ahh bakit, saya kaya. Idk kung mas madali na pumunta kasi tagal ko na di nabalik dun

$ 0.00
4 years ago

Masaya rin pala dito sa star city. hahahaha pero sana maexperience niyo din sa enchanted kingdom.

$ 0.00
4 years ago

Opo. Maganda din sa star city. Na experience ko nadin sa Enchanted Kingdom. Dun ko na try yung roller coaster.. hindi nako umulit. Hahaha

$ 0.00
4 years ago