read.cash Log in

@Ronellai

Joined 10 June 2020 · 13 posts

Change your mindset to positivity.

120 KT

0 KT · 1¢ received · 0 KT given

Posts

@Ronellai

Puerto Galera Kami ay pa-byahe mula metro manila papuntang Puerto Galera ay isla ng Oriental Mindoro. Itong travel na ito ay activities sa akong trabaho. Walang bayad sa amin ang transportation fee dahil sagot ito ng kumpanya, ang binayaran lang namin ay ang budget meal, at ang renta sa bahay. Kaya worth it din. Umabot lang ng 5k ang gastusin namin na kaming lima lang, nagstay kami rito sa puerto galera ng tatlong araw. Isa rin ito sa puntahan ng mga turista sa bansang pilipinas. Napakaganda ng simoy ng hangin, ng puting buhangin at ang kulay asul na dagat. Ang sarap manatili rito ng ilang araw lalo na kung may pera talaga kayo panggastos. Tinagurian din ang Puerto Galera na isa sa pinakamagandang beach resort na komunidad ng Pilipinas. Sa pangalawang araw naman, kami ay nagtungo sa Infinity Farm sa Baco, Oriental Mindoro. Ito ay nasa higit kumulang isa’t kalahating oras na biyahe mula sa White Beach. Matatagpuan dito ang Mangangan River, isang ilog sa paanan ng Mt. Halcon na pinalilibutan ng iba’t ibang uri ng halaman at punong-kahoy. Nakakalungkot dahil ito na ang ikatlo at panghuling araw namin sa Puerto Galera. Gumising kami ng maaga para sa aming pinakahuling water activity, ang mag island hopping at snorkeling. Bagamat ako ay malungkot, hindi rin maialis sakin ang kasabikan dahil ako ay mahilig sa snorkeling at diving. Bata pa lamang ako ay minulat na ako ng aking ama sa kalawakan ng dagat at tinuruan niya akong lumangoy at sumisid. Bukod din pala sa island hopping at snorkeling ay kami ay pumasok sa maliit na kuweba. Ang daanan sa kuwebang ito ay matarik, masakit sa paa at isang kawayan lang ang andon para mahawakan. Pero napakaganda sa lugar na ito. Ilang araw nalang at kami ay muli ng babalik sa metro manila. Kaya sinulit namin ang mga ilang araw duon para magbonding, magtawanan at magmuni-muni sa kadagat-dagatan. Kung gusto niyo na makapunta rito, mas magandang magkaroon muna kayo ng sapat na ipon para matuloy ang travel niyo sa lugar na ito.

+2 more

@Ronellai

Malilipot Albay Province Ang Bicol, Legazpi Albay ang aking probinsiya. Namasyal kami rito ng tita ko at boyfriend ko sa lugar na ito nung nakaraang taon. Masaya ako kasi ilang taon din ng hindi ako nakapunta dito. Dahil kinalakihan ko na ang metro manila at muli akong nakadalaw sa lugar na ito. Nung bata-bata pa ako nungn nagpunta kami rito hindi ko nakita ang mayon kasi 5am palang at madilim sa lugar. Napakagandang titigan at pagmasdan ang Mayon na kitang-kita ang tuktok ng mayon na ito sa Legazpi Albay na kahit saang lugar sa bicol ay masisilayan ang Mayon na ito. Isa sa pinakamasayang experience na kasama ang pamilya nung kami ay maligo sa Busay Falls. Malamig ang dumig, maganda ang simoy ng hangin, hindi maaraw, Yung napakaganda ng kalangitan. Ang sarap lang dahil nakapagrelax kami, nawala ang stress, at problema na hindi kagaya dito sa metro manila na pursigido ang lahat para magtrabaho at paghirapan ang lahat. Kapag kayo magpunta sa Albay, huwag niyo kalimutan ang magpunta sa busay falls. P10.00 Lang ang entrance fee nila. At sa sumunod na mga araw, naligo naman kami sa Dagat, kaso hindi nakikita ang mayon kasi maulan ng oras nayan at makulimlim. Masayang maligo sa dagat pero sobrang alat at hindi ka makakadilat sa ilalim ng tubig. Haha, pero napakaganda ng mga tanawin sa Bicol, hindi lang namin napuntahan lahat. Napakasaya sana kung medyo nakalapit kami sa mayon volcano. Sana makabalik kami ulit dito. Ikaw ano ang best experience mo sa Bicol?

+2 more

@Ronellai

Even When It Hurts https://youtu.be/hrSJwO5dJXg I want to share this song, to motivate everyone when it comes to this situation we are facing right now. Everything has a purpose, give all your worries to the Lord. Let us sing and feel the presence of the Lord. This song we can found a through meaning of seasons and each day of our life. The unpredictable life, and most of all is the unfailing love of God and his faithfullness in our lives. When you play this song, you may feel like even of it hurts you still be brave in every struggles or ups and down you encountered in you life. The lyrics of the song can touch ouf heart and souls when we are down and blessed. This experience can lead us to push to do some actions that we may regret later on. Sometimes you forget to thank our God for all the good things that he have done in you. You may forget him, but he will remember you. You may not pray but he will be your guidance. And he never abandoned us. Don’t forget that being thankful is the best while performing an actions. Praise Him and trust Him even though you didn’t know what He really wants in our lives.

@Ronellai

Creative Shots I was captured this at Tagaytay PH, where my boyfriend is standing while he had smoke in his mouth. He loves when the output of my captured is perfect he says. I love when our bonding is this. Because we had the same passion in photography. While him is videography. I also filled a presets in lightroom of I captured. And these is my favorite when we are in the same events then I tried to capture this moment in him. And look at my shots for him. Boom! Is it noce right?. I hope and we pray that someday we reach our goal to have a own studio. So that we may expressed our skills and love in our passion. And lastly is this. I love capturing him when surrounded with beautiful mother earth. The moment we spent together the more we appreciate our passion that we shared our weaknesses so that we may grow of each other.

+1 more

@Ronellai

Papaya Island Cove's Isa ito sa pinakamasayang naranasan ko sa aking kolehiyong buhay. Nagkaroon kami ng batch travel sa Nasugbu Batangas, sa Papaya Island Cove's. Hanapin niyo sa facebook meroon duon sa Byahero ni Bes, sakanila kami kumuha ng lugar at mga inclusions sa sasakyan, pagkain. Marami silang nirerekomendang mga lugar na pwedeng pagpasyalan kasama ang pamilya, barkada, o kaya mga mahal mo sa buhay. Ako lang naman ito, oh diba napakaganda sa lugar nayan. Dito ko naranasan ang magcliff diving, at sumakay ng bangka na sobrang lakas ng alon at ulan, na grabe ang takot ko kasi baka kung mapaano kami. Pero napakasaya talaga nito. Sana kayo rin maexperience niyo sa lugar na ito. Mababait din mga tao dito. Saka yung mga nasa bangka na magguide sa inyo. Sanay na sanay silang lumangoy kahit sobrang lalim pa. Sana maulit muli itong biyahero na ito. Masaya kasi na magkaroon ng ganitong bonding. Masaya palang magkaroon ng mga kaibigan na sasamahan kadin sa mga byahe mo sa buhay, kahit umulan, umaraw, magsasama-sama ang lahat para sa okasyon na ganito. Ngayon na may sarili-sarili na kaming trabaho at mga buhay ang iba ay nagpamilya na. Sana maulit uli ito.

+2 more

@Ronellai

Depresyon Naranasan mo naba ang maexperience ang ganitong sitwasyon? Pwede mong i-open ang experiences mo dito. Baka matulungan kita. Ang depression ay isang banayad na karamdaman sa pag-iisip na kapag hindi nakakayanan ng isang tao. Nagsusuicide ito. Pero hindi dapat ito binabalewala, bagkos ating bigyang pansin ang nakakaranas nito. Ang mga taong merong depression ay may matagal na mababang kalooban at kawalan ng interes sa lahat ng bagay at kakulangan ng enerhiya. Napakasama ang kanilang nararamdaman sa araw-araw na nakakagambala ito sakanilang pang-araw araw na pamumuhay. Ano nga ba mga sanhi ng pagkakaroon ng ganitong karamdaman? Una na rito na sila ay nagpapadala sa mga negatibong senyales na tumatakbo sa kanilang isipan na nawawalan ng balanse at hindi nakakapag-isip ng tama ang taong may depresyon. Paano maiiwasan ang ganitong karamdaman sa pagiisip? Subukan na pag-usapan ang iyong mga damdamin at i-share ang problema sa taong handang makinig sa iyo. Panatilihin ang isang malusog na istilo ng buhay, magkaroon ng pakikisama o pakikihalubilo sa kapwa mo. Laging isa-isip ang mga positibong saloob, para makayanan at malabanan ang bagay na nakakangbaba ng iyong saloobin. Humingi ng tulong upang malutas ang problema. Lahat ay pwedeng makaramdam ng depresyon. Pero ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay nagkakaroon nito ay hindi alam. Kaya ipanalangin naten ang mga taong nakakaramdam nito hanggang ngayon na patnubayan sila ng Diyos, at bigyan ng kalakasan at paglilinaw na kaisipan. Naranasan ko ng magkaroon ng depresyon, sobrang lungkot, sobrang hinang-hina ako, laging emptyness ang nararamdaman ko sa tuwing nagigising ako. Laging negatibo ang tumatakbosa isipan ko. Hindi ako nakikihalubilo, Iniisip ko na gusto ko ng mawala.. Pero nanalangin ako ng nananalangin, hanggang sa unti-unti kong nailabas ang nararamdaman ko sa isang tao, na tumulong para magboost ang confidence ko, at maging positibo ako sa mga bagay na pinanghihinaan ko. Sobrang ligaya na ng nararamdaman ko sa araw-araw. Kaya maraming salamat sa taong tinulungan ako para makabangon ako. At sa Panginoon na kailanman hindi ako sinukuan. Kaya ikaw kung mabasa mo man ito. Makakaya mo rin, huwag mong sarilinin ito. Humanap ka ng isang tao mailalabas mo ang nararamdaman mo. Gagawa ang Diyos ng paraan para magkaroon ka ng kapayapaan sa puso mo at isipan mo. God bless.

@Ronellai

Maagang Pag-asawa Nandito tayo sa mundo kung saan napakaraming judgemental, mas nakikita ang pagkakamali nila kesa sa sariling pagkakamali, mayayabang, matataas ang pride at mapuna sa pagkakamali ng iba. Pero kung mataas ang tiwala mo sa sarili mo, kahit anong pangdodown nila sayo, hinding hindi ka maniniwala sa kanila. Kasi kailangan mong mas maniwala sa sarili mo kesa sa sasabihin ng iba. Pinagamatan ko itong "Maagang Pag-aasawa". Bakit marami sa kabataan ngayon ang maagang nakakapangasawa? Dahil ba sa kakulangan ng pagpapayo o kalinga ng magulang? o Inuuna naten ang magiging kaligayahan naten kesa sa buhay na alam nating dapat muna unahin. Minsan dahil sa may minamahal tayo naguudyok sa atin na "Magsama na tayo", "Magpamilyana tayo". Pero bago ba mangyari yan tinanong niyo ba sarili niyo, "Kasal naba kami?", "Kaya ko naba?", "Ready na ba ako?", "Kaya naba ng financial ko?". Pero kung alam mo naman na kaya mo, okay kayo ng asawa mo both sides sa parents, may trabaho kayo pareho, nakapagipon kayo, nasa pakiramdam mo ng kaya mo ng magpamilya, "Edi Go, Masaya ako para sayo. Kasi kaya mo na". Huwag nating madaliin ang mga bagay na kung alam naten ay hindi pa naten kakayanin physically, emotionally, financially. Hanggat bata kapa, mangarap muna kayo ng partner niyo, mag-usap kayo kung kakayanin niyo naba, o mas maganda na mangarap ka muna sa pangarap mo. Abutin niyo iyon pareho, hanggang sa maging financial stable kayo, physically stable at emotionally stable kayo pareho. Let us be matured and wise in every decisions we make. God bless.

@Ronellai

Passion Maganda umaga Pilipinas. Marami sa atin ang napapaisip kung anong bagay ba ang gusto naten or pangarap naten na meron tayong passion or talento sa bagay na ito. Ako matagal akong nagisip kung ano nga ba ang gusto ko. Kapag mga bata pa tayo marami tayong naiisip na., "Ah okay ito ang gusto ko paglaki ko, gusto ko maging nurse". Habang tumatanda nagbabago ang kagustuhan mo. Pero karamihan sa atin natutupad din ang kagustuhan nila lalo na kung financially stable sila sa pamilya niya. Pero mas maraming hindi maaabot ang kagustuhan dahil walang pera. Kaya yung iba maagang nagtatrabaho para magkaroon ng sariling budget. Ang iba nga nagiging working student dahil hindi talaga kaya ang financial eh. Pero, nasa kapalaran natin kung gugustuhin natin abutin ang pangarap or kagustuhan mong passion. Kasi dito mo makakamit ang pagmamahal mo sa trabaho mo. Ako hindi ko nakuha ang gusto ko, pero diba hindi pa huli ang lahat. Pwedeng gumawa ako ng paraan, para makuha ko ang kagustuhan ko basta makakabuti para sa akin at hindi dapat makasama sa ibang tao. Kapag dumating yung panahon na nasa passion mo na ikaw na trabaho, example isa kang freelance na photographer assistant ngunit gusto mong magkaroon ng sariling studio. Bago mangyari yan maraming kailangang gawin, need mong makapagipon para sa mga gamit na gagamitin mo at kung strategy kung paano ka nagkakaroon ng client. Pero ito ang nakakalungkot, hindi lahat na kapag nakuha mo na ang kagustuhan mo nagsusucceed. May times na magffailed ito, pero hindi ibigsabihin isuko mo na ito. Patuloy kang pangarapin ang pangarap mo hanggang sa magsucceed ka. Magtiwala ka sa kakayahan at sa sarili mo kasi nasa iyo ang kapalaran ng pagiging successful mo.

@Ronellai

"When samgyupsal is Life" Gusto ko lang magshare na open na ang ilang branches ng Romantic Baboy or Samgyupsal Restaurant sa Metro Manila. :) Kung QC ka, pinakamalapit na ang Eton Cetris, yung rides keri naman. May mga nasasakyang transpo, wag lang sasabay sa rush hour. But safety first. Kaya mas better nalang kung magpadeliver in your house nalang. Para sa kaligtasan din ng ating sarili. Saka family bonding nadin. Wayback to the topic, Samgyupsal is life kasi nawawala ang stress ko kapag kumakain ako nito lalo na kung with someone kapa na love na love mo. Super love ko ang samgyupsal. Matanong kita have you experience eating samgyupsal? Nung nakatikim kaba, gusto mo bang umulit? or Ayaw mo na kasi hindi mo gusto ang lasa? Saka saang restaurant if around quezon city? Comment ka share mo experience mo. Sana matapos na itong pandemic na ito. Para magawa natin yung mga bagay na hindi naten naappreciate. Let's pray everyone and give all your worries to the Lord. God bless

@Ronellai

Samgyupsal is Life Gusto ko lang magshare na open na ang ilang branches ng Romantic Baboy at ilang Samgyupsal Restaurant sa Metro Manila. Kung QC ka, pinakamalapit na ang Eton Cetris, yung rides keri naman. May mga nasasakyan naman na, wag lang sasabay sa rush hour. But safety first. Kaya mas better nalang kung magpadeliver in your house nalang. Para sa kaligtasan din ng ating sarili. Saka family bonding nadin hanggat hindi pa nawawala ang panfemic na ito, huwag muna lumabas. Wayback to the topic, samgyupsal is life kasi for me nakakawala ng stress at lungkot kapag kumakain ako nito lalo na kung with someone kang kasama na loveone mo, friends, workmates, etc.. Ikaw naexperience mo naba ang kumain sa mga restaurant na samgyup? When you tried? Gusto mo bang ulitin muli? Or Ayaw mo kasi di mo type ang lasa? Comment kayo I want to hear your experiences when you tried to eat the samgyupsal and anong restaurant ito. Sana matapos na itong pandemic na ito. Para magawa natin yung mga bagay na hindi naten naappreciate. Let's Pray everyone and give all your worries to Lord. God bless.

@Ronellai

Bagong umaga, Bagong hamon sa buhay ng bawat isa. Ilang months ng nakaquarantine ang karamihang lugar sa pilipinas at napakarami sa mga pilipino ang naapektuhan ang mga kanilang trabaho. May ibat-ibang mungkahi ang mga pilipino patungkol sa nagiging aksyon ng gobyerno. Napakahirap kumilos at gumalaw kung ang kalaban mo ay hindi mo lubos na makita at nahahawakan. Mga pilipino kong mahal, patuloy natin lakasan ang ating kalooban, isipin nateng huhupa rin ang lahat ng problema at tayo'y makakapagsimulang muli. Paunti-unti babangon muli ang pilipinas. Ugaliin natin na magdasal at magtiwala sa Diyos. Dahil walang imposible sakanya. Lumapit ka sa Diyos at ikay pagpapalain, kumatok at ikay pagbubuksan. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Virus ang ating kalaban, huwag na sanang dagdagan pa. Magtulungan sana tayong lahat sa pananalangin na matapos na itong pandemiya na ito. Mga pilipino, kahit tayo ay hirap na hirap na sa sitwasyon. Pero lagi nating isipin na may katapusan din ito. Lagi lang tayong manalig kay Hesus. Gawin mo ang mga bagay na tingin mo ay magpaguunlad mo. Gawin nateng inspirasyon ang mga ating naranasang hirap para tayo'y makabangon ng mas matatag. May iilan kasi sa mga pilipino na sukong suko na sila. Sama sama tayong ipagdasal ang mga nawawalan ng pagasa. Samahan natin sila para silay maging matatag. Magtulungan tayo. Magsumikap, magkaroon ng pagtitiis, at tiyaga.

@Ronellai

"Mga kababaihan" Napakahirap palang maging isang babae, marami kang makikitang "TAGA" sakanya. Taga-laba, Taga-hugas, Taga-linis, Taga-luto, Taga-turo at marami pa... Hindi pala madaling maging babae, rereglahin ka, mabubuntis, manganganak, magmenopausal ka, at tatanda.. Bibihira lang ata magkaroon ng katuwang sa buhay na ganito rin kung kumilos sa bahay at magkaroon ng katuwang na magiging katulong mo sa hirap ng buhay. At bilang isang babae, may mga bagay nadin tayong kayang gawin katulad ng mga bagay na kayang gawin ng lalaki. At marami talaga sa kababaihan ang buhos lakas kung magtrabaho, lalo na kung para sa pamilya. Pero may iilan din na hindi kinakaya ang hirap ng buhay kaya napupunta ang iba sa maling landas ng buhay. Pero kung maaari laging 'subukan' para mapagtagumpayan ang lahat huwag ng mapangunahan ng takot at kaba. Magagawa mo rin ang nais mo, at makakarating ka sa tuktok ng pangarap mo. At masasabi mo nalang sa dulo ng kwentong buhay mo. "KAYA KO NAMAN PALA".

@Ronellai

"Hanggang sa muli aking munting kaibigan" Siya yung asong maingay sa gabi, Kasi may tao sa tabi-tabi , Siya yung sundalo pagsapit ng gabi, Siya yung asong matapang at may silbi, Pagdating ko ng bahay siya'y nag-aabang, Na ako'y lumapit at siya'y paliguan, Siya'y mabigat daig pa ang timbangan, Wag kayong maingay baka kayo'y subukan, Ngunit isang araw siya'y nagkasakit, Ako'y naaawa sa mata niyang nakapikit, Nararamdaman ko ang dinanas niyang sakit, Siya'y humihinga ng sulit na sulit, Pagdating ko ng bahay ako'y nagulat, Sa mga kapatid ko na may iniulat, Ng aso ko na hindi na mamulat, Ang mga matang pilit kong idinidilat, Kung makakaya ko lang na siya'y buhayin , Gagawin ko lang para siya'y bumalik sa akin, Kasi noon minsan lang siya kung kumain, Namatay siyang may galit sa akin.