Naranasan mo na ba?
By ellimacandrea
Naranasan mo na bang maglakad sa kagubatan?
Naranasan mo na bang maghabulan sa ulan?
Naranasan mo na bang maligo sa sapa?
Naranasan mo na bang sa putik madapa?
Naranasan mo na bang tumulay sa pilapil?
O kaya nama'y kumuha ng bulaklak ng ipil-ipil?
Naranasan mo na bang magpakain sa manok?
O kaya nama'y kumain sa niyog na mangkok?
Lahat ng iyan ay aking naranasan
Nang ako'y tumungo sa bahay sa kabukiran
Preskong hangin aking nalalanghap
Magandang tanawin aking hinahanap.
Luntiang damuhan sa aki'y nakapaligid
Matataas na puno at asul na langit.
Sari-saring prutas halos lahat ay hinog na,
May niyog, may saging, at mga papaya.
Habang ako ay nandirito't nagpapahinga
Aking napagtanto ang buhay ay maligaya
Kulang man sa mga materyal na bagay
Matatanaw pa rin ang bukang liwayway.
Ang sarap mamuhay sa lugar na tahimik
Walang kaguluhan, kahit na maputik
Lalo na kung ang kasama'y mahal sa buhay
Simpleng buhay na punong-puno ng kulay.
:)ellimacandrea😊❤
Love this ❤️ Lumaki ako sa probinsya at masasabi ko na yung mga ganitong experiences isa sa best experiences ko sa buhay. Now that we live in town, namimiss ko na din yung mga ganito. Nakakamiss maglambitin sa malalaking baging kapag nasa gubat, nakakamiss maligo sa napakalamig na tubig sa sapa kasama ang mga pinsan, manguha ng ligaw na mga prutas at sumigaw sa kagubatan kapag naiwan ng mga kasama. Nostalgic memories 💭💕