Maligayang Araw ng Kalayaan

2 17

Maligayang Araw ng Kalayaan.

Ngayong araw, Hunyo 12, ay cine-celebrate natin ang araw ng Kalayaan dito sa Pilipinas. Taon-taon natin itong ipinagdiriwang. Ito ang ngsimula ng tayo ay lumaya sa kamay ng Espanya sa taong 1898. Akalain mo, isang daan, dalawampu't dalawang taon na tayong malaya.

Maraming mga bayani ang inilaan ang kanilang buhay upang maging malaya at mapanatiling malaya ang ating bansa. Ipinaglaban nila ang ating karapatan at kasarinlan.

Sa araw ng kalayaan, marami sa atin ay ginagawa rin itong araw ng pahinga. Marami rin ang patuloy na ngtatrabaho at bayad naman sila ng doble dahil dito. Sa araw ng pahinga ay madalas nila itong ginagamit upang gumawa ng masasayang alaala kasama ang mga mahal sa buhay.

Naisip ko lang, kung walang pandemic, marahil ay nanonood ako ng parada o kaya ay tumutulong sa aking mga pamangkin sa paggawa ng watawat ng Pilipinas. Ang watawat ng Pilipinas ay winawagayway tuwing araw ng Kalayaan.

Marahil na iginugunita natin ito. Ngunit, tunay nga bang tayo ay malaya na?

Malaya ba ang iyong kasalukuyang estado sa buhay? Maging ito ay pinansyal o emosyonal. Nais kong marinig ang inyong opinyon o hinaing.

7
$ 0.00
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty

Comments

Habang tumatagal ang panahon parang nakkalimot na tau. Dapat laging sariwain kung paano natin nakamit ang ating kalayaan mula sa kamay ng mga mapangsakop na bansa. ung mga sakripisyu ng mga matatapang n akapwa natin

$ 0.00
4 years ago

Tama. Nakakalungkot isipin na karamihan sa kabataan ay wala ng masyadong alam tungkol sa kasaysayan ng ating bansa.

$ 0.00
4 years ago

Bilang mamayan may kalayaan tayo kung anong gusto natin sa buhay,at kung ano ang dapat nating gawin ,basta na tama tayo,kung ano ang gusto natin sa pamilya natin

$ 0.00
4 years ago