Magbasa, magsulat at kumita

0 4

Aking binalikan ang mga alaala noong ako ay bata pa. Noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Marahil lahat tayo ay ngpapasalamat sapagkat tayo ay tinuruan ng matitiyaga nating mga guro na magbasa.

Unang una, pasalamat tayo sa ating mga ina na matiyagang nagturo satin ng alpabeto. Marahil, karamihan sa kanila'y sa umpisa ay hindi alam at nahihirapan sa pagturo noong tayo'y isa o dalawang taong gulang pa lamang. Ngunit kanilang hinabaan ang pasensya at tayo'y sinimulang turuan ng ABC hanggang Z.

Magbasa

Siguraduhing nabasa mo na ang patakaran sa website na ito. Iwasang mangopya ng mga salitang galing sa internet. Panatilihing malinis ang iyong gawa. Sumunod sa patakaran.

Magsulat

Magsulat. Maaari kang magsulat sa wikang ikaw ay komportable. Magsulat ka tungkol sa iyong buhay o kaya'y sa iyong karanasan. Magsulat ka tungkol sa mga bagay na gusto o ayaw mo.

Ang importante at dapat pakatandaan, sa bawat gawa mo ay sana'y nakalakip ang paggalang.

Kumita

Hindi ito madaling gawain. Kinakailangan ay maglaan ka ng oras at kaalaman. Ngunit aking masasabi ay tunay nga na ikaw ay kikita rito. Maliit sa umpisa ngunit ako'y umaasa na ito'y lalaki rin kung iipunin.

Maging masaya ka sa iyong ginagawa. Kumita ka man o hindi ay okay lang sapagkat na-enjoy mo naman ang iyong ginagawa.

Muli, magbasa, magsulat at kumita. Magandang araw sayo!

:)

4
$ 0.00
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty

Comments

Noong ako ay bata pa mahilig ako maglaro ngnikikipagkaibign at hanggang nag aaral ako ng elementary natutu magsulat at magbasa dahil as pagtuturo ng guro

$ 0.00
4 years ago

Aba nga naman napaka makatang sulatin neto @ellimacandrea ako ay nabighani sa iyong eksplanasyon.

$ 0.00
4 years ago

Salamat. 😊

$ 0.00
4 years ago

Aba nga naman napaka makatang sulatin neto @ellimacandrea ako ay nabighani sa iyong eksplanasyon.

$ 0.00
4 years ago

Maraming salamat. Pa-minsan minsan ay kailangan nga nating gamitin ang salitang sariling atin. 😊

$ 0.00
4 years ago