A Mother's Day letter to my Mom

2 44
Avatar for ellimacandrea
1 year ago

May 14, 2023

Dear Mama,

Happy Mother's Day to you my Mama.

Madaming tao dito saatin na ang tawag sayo ay Mama din. May tumatawag sayo ng Mama Da, Mommy Da. Mama Dalinds, Mommy Linda. Maraming tinuturing na ina ka at ako ay isa na doon kaya naman naisipan kong gawin tong sulat na ito para saiyo ngayon araw ng mga Ina.

Naalala ko noong bata pa ako, siguro nasa 9 or 10 years old palang ako noon ng una kung maunawaan ang halaga ng Mother's Day. Mula sa maliit kong baon noong ako ay elementary pa lamang ay sinikap kong makapag-ipon ng konting halaga para meron akong maibigay saiyo sa Mother's Day.

Naalala ko noon, na ang gusto kong ibili sayo ay Mother's Day card at flowers. Pero dahil hindi ko afford ay hindi ko naibigay saiyo yun. Pero instead, ang naibigay ko saiyo noong ay ang bagay na akala ko ay makakapagpasaya sayo. Dahil madalas naman na nakikita kitang ginagawa yun ay kaya yun ang binigay ko. Sa ngayon ay natatawa na lamang ako dahil binigyan kita ng "Yosi" na More at sa 2 pesos na Maxx Yellow. Dahil yung Maxx Yellow ang favorite candy mo noon. Iniipon mo pa nga noon ang plastic ng kendi at pinapadala noon sa Eat Bulaga or GMA or ABS CBN ba yun kasi meron sila noon pa raffle.

Hindi na gaano malinaw saakin yun pero natatandaan ko padin yung mga yun. Naghuhulog tayo sa mga drop box noon at umaasa na sana mabunot tayo at mabiyayaan ng konting pera kasi kapos tayo noon eh.

Nakakatawang alala ng Mother's Day yun saakin Mama na hinding hindi ko makakalimutan. Wala naman akong gustong baguhin doon kasi isa yun mga memories na tini-treasure ko na kasama ka.

Naalala ko rin pala noong medyo dalaga na ako, at 13 years old, nakita ko kung paano mo kami inalagaan noong nasa Laguna na tayo. Ikaw talaga kasama namin nun 24/7 kasi nasa malayo na tayong lugar eh. Wala ng kapitbahay na mapag iiwanan. Wala na rin mga kapitbahay na mahilig maki tsismis. Pero noong 13 years old ako, nakita ko yung care at pagmamahal mo saaming magkakapatid lalo na noong may nangyaring aksidente kay Tey2. (My brother next to me.)

Naglalaro kami noon sa clubhouse ng subdivision at nagkataon na maulan noon at galing kaming school. Hindi kami nagpaalam sayo noon Ma. Tapos biglang nadulas noon si Tey2 at dumugo. Pumunta kami noon sa bahay ng classmates namin para gamutin sya at noong pauwi na kami ng bahay ay takot na takot kami noon kasi baka mapagalitan mo kami at pati narin yung mga classmates namin.

Pero humanga talaga ako noon sayo Mama kasi, hindi ko nakita sayo ang galit na emosyon bagkos ay nakitaan kita ng pag aalala.

Humanga ako lalo dahil inintindi mo kami noon at hindi mo kami pinahiya sa harap ng mga classmates namin. Pinagsabihan mo kami after nila umaalis at pinaintindi saamin ang consequences ng ginawa namin.

Growing up, nakita ko ang sacrifices mo saamin though may mga nakita din akong hindi maganda na nagawa mo Mama. Yung mga bagay na hindi maganda pilit kong nililimot pero mahirap na. Pero wala na akong nararamdamang bitterness doon. I already forgave you. My love for you is greater than the anger I felt before.

Mama, you left us when we were still very young. Me as a 13 year old girl, suddenly have to be a grown woman to take care of my siblings. They have become my priority.

But also, I wouldn't be the woman I am today, the good and bad, if not because of you.

I have no regrets na ikaw ang naging Mama ko. You've taught me to be an adaptable person. You've taught me to be a kind and caring person. Tinuruan mo ako by example na yung mga mistakes mo, na dapat hindi ko na gawin at kung sakaling magawa ko man ay alam ko kung paano makakaalis sa mga pagkakamaling yun.

Mama, thank you for all that you have done for us.

Mama, I have questions I want to ask you that I know I wouldn't get answers and these questions will remain buried in my heart as the answers will remain buried with you.

Mama, I am hopeful that when we were in Laguna, you have accepted Jesus Christ as Savior and Lord before you died. That is my hope for you.

Mama, I love you so much and the pain is still here and it will always be here because I will always miss you. I will always long for you.

I love you, Mama.

First picture was taken on my 1st birthday. The only picture we have together. Eto lang din ata ang picture na meron akong cake sa birthday ko. HAHAHAHA.

I will always love you Mama. Wherever you may be today, know that I love you. I hope I made you proud of what I have become. And how I help my brothers to be the person they are today.

I love you Mama.

Love, Your first born child,

Camille Andrea ❤️❤️❤️

3
$ 0.17
$ 0.10 from @Coolmidwestguy
$ 0.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Unity
Sponsors of ellimacandrea
empty
empty
empty
Avatar for ellimacandrea
1 year ago

Comments

Thank you for the upvote @Unity and @Coolmidwestguy 🙏♥️

$ 0.00
1 year ago

That is a part of engagement here :)

$ 0.00
1 year ago