Horizontal beach. Staying long here to re-energize our low battery mind and body. This place will surely fit to those who needs peace of mind. The sea is very calming. It seems like it was not bothered by the wind. How relaxing.. We all deserve to enjoy places like this after a very stressful day at work and doing household chores. #behappy #randomthoughts
@deanny07 in August 2022
Ms. Budol, who budol our hearts. You are truly a beauty queen with a big heart. You deserve everything that you have right now. Mapagkumbaba at mapagmahal sa pamilya. Minsan naapakan pero hindi gumanti. Minsan nasaktan pero hindi nanakit. Sana manatili ang magandang kalooban na mayron ka our Ms. Budol! Congratulations!
Can't say no to this. Maybe I need to take anti allergy after eating. We've been craving for something and we end up having this small fried squid. Seafoods are so expensive but super delicious.
Pagkatapos ng mahaba at maulang gabi ay may bagong liwanag. Umaliwalas na ang panahon dito sa amin. Sana tuloy tuloy na ang magandang panahon. Sagabal masyado sa araw araw na pamumuhay ang masamang panahon. Ang sarap tingnan sa mata kapag galing sa ulan, preskong presko ang mga damo. Parang nagsasayaw sa tuwa.
Simpleing ulam ngunit tiyak kong ikaw ay gaganahan. Nakabili kami sa market ng 2 bugkos ng sitaw sa halagang 50 pesos. Tapos may tirang kunting adobo kaya sinahog ko nalang dito sa sitaw na nabili ko. Sarap nito lalo na nilagyan ng mama sita's oyster sauce. Nam nam. Napapakain ko ng gulay ang nga anak ko kapag ganito na pagkaluto. Kain na rin kayo mga kaingay.
Dati tuwing may mga okasyon, tanging handa lang namin sa mesa ay bibingka. Kung maswerte may nakatimpla pang juice. Pag walang wala naman ay tubig lang ang kapartner. Ang saya na namin noon kapag nakakapagluto kami ng bibingka. Pasko may bibingka, bagong taon may bibingka at mga kaarawan namin ay bibingka. Iba ang saya kapag may bibingka. Noong lumuwas na kami papuntang syudad, doon namin na realize na ang sarap pala ng pakiramdam ng mahirap. Yung aalahanin mo lang ay ang…
Ang bilis naman ng oras. Maghahanda na naman para sa hapunan. Ano kaya uulamin namin para kumain itong mga chikiting ko. Ang hirap mag alaga ng bata. Ang hirap magpakain ng gulay. Sabagay ako, matanda na ako bago ako kumain ng gulay.
Magpi'pay out sana ako kasu ang baba! Taas naman kahit kunti please. Kailangan ko na maglabas ng kaunting nakatago. Ang hirap kapag walang pera. Ang hirap ng walang budget. Ramdam nyo ba ako? (saaaaaad)
Evenings photography. While relaxing outside, I took a photo from this moon. Since I was a little, I always admire how moon gives light and why it changes shape each night. Sarap tumambay dito sa labas pagkatapos kumain.
Captured this photo awhile ago. Ang cute ng kuha ng phone ko basta naka night mode. Kahit madilim nagiging ganito ang kuha nya. Nagiging libangan ko ang pagkuha ng larawan kahit wala sa special na lugar. Puno ito sa labas ng bahay. Dito kami nakatambay kapag mainit sa loob, lalo na kapag brown out. Malaki ang tulong ng mga puno.
Nakatambay pa rin sa labas ngayon. Hindi makatulog at nalilibang sa pagi'internet. Naaaliw ako sa kakapanood ng mga videos lalo na yung mga funny video. Makakalimot ka talaga sa mga problema sa stress sa mundo. May mga video din naman na nakakastress lalo na yung makikita natin violence at iba pang masakit sa mata.
I saw this three words question while scrolling up and down in my fb newsfeed. Fame or money? For me I chose money. If I have money I can have the fame that I wanted. This is the reality now. Money! People are doing everything for money. They sell their peace just to have money. Sad reality..
This post broke my heart. Tungkol to sa isang single mom na nag nakaw ng balloons, gatas at mantika. I know na may kanya2 tayong pinagdadaanan ngayon. Mahirap ang magpalaki ng anak na walang katuwang. Heads up ako sa mga single mom na kahit sampalin ng napakaraming pagsubok ay hindi nakapag isip na magnakaw. Ito opinion ko lang ha. Binaha ng simpatya itong babae na nagnakaw, kasi daw sa hirap nagawa nyang magnakaw, magsi'celebrate daw ng birthday. Eh hindi naman required na…
Combination of bluesky and green healthy leaves of our makupa fruit. We always look for peaceful view. And this combination of blue and green made my eyes relax. Our nature is the best. God created what's best for His people.
Crabs + red rice = highblood! Haha wala pinapatawa ko lang po kayo aking mga mahal na kaingay. Share ko lang itong blessing na natanggap namin galing sa bulsa ng aming ama. Hindi talaga maka'hindi itong papa sa gusto ng mga anak at apo. Ugali na talaga nilang gumastos para sa mga apo kahit napamahal na sila ng sobra. Pero kami noong panahon namin, kahit tuyo, hinahati pa namin lalo na noong nag aaral kaming lahat. Ngayon ay basta sa ikakasaya ng mga apo, hala gastos ng…
Nagagandahan talaga ako maglagay ng mga halaman sa loob ng bahay kahit na nagagalit itong best enemy ko kasi daw papasukan na kami ng ahas sa loob. Eh sarap naman kasi sa mata kahit hindi maganda ang bahay, eh gumaganda na sa paningin ko dahil sa nakakakita ako ng green at napipreskuhan ako sa mata.
If you are stress, take a photo. Look around and find beautiful things to capture. Promise it will relieve your stress when you see the result of this little things. #photography #clicks&shots
I always reminded myself about this bible verse. Kahit na ano paman ang ibato sa akin ng kapalaran, hinding hindi ako gagawa ng kasamaan sa kapwa ko. Gawan man ako ng hindi mabuti ng aking kapwa, hindi ko ibabalik ito. Hindi ko ipaparamdam sa kanila ang sakit na dulot ng masamang gawain. Kung gusto mo ng kabutihan, magpakita ka ng kabutihan.. Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Naway bigyan pa tayo ng lakas na lumaban sa pang araw araw na suliranin.
Tsk! Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa dami ng mga dapat kong linisin. Nakakapagod na talaga minsan. Pero bawal sumuko kasi mama, inay, nanay tayo. Pagkatapos kong maglaba ng mga damit, sapatos naman ang lalabhan ko.
Maulang umaga sa lahat. Ngayong umaga meron kaming tinapay at peanut butter sa mesa. Samalamt Panginoon sa panibagong araw na ipinagkaloob Nyo sa amin. Sana malagpasan namin anuman ang hamon sa bawat araw namin. Gabayan Mo po sana kami ngayong araw na ito. Salamat sa patuloy na pagbibigay ng biyaya.
Minsan lang sila bata kaya sabayan mo na. Ang sarap maging bata. Yung wala kang iisipin kundi paano libangin ang sarili mo. Kaya kapag umulan pinapalabas ko talaga sila para mag enjoy. Para ma experience nila paano maging bata at paano sumaya.. Maulan pa rin hanggang ngayon dito.
Rainy outside! Its still raining here. 3 days ng maulan. Minsan ang sarap ng feeling pag maulan tapos wala kang lakad at nasa bahay lang. Nakakainis din naman minsan kung may importanting lakad at maynpasok sa trabaho. Abala masyado at ang hirap magtravel kapag maulan.
Moon. It's still half moon but when I took a night mood photo, it looks like it is whole. It's already 6:48 in the evening. Everyone will have a dinner later. Enjoy and have a good night everyone!
This foods really hurt! Huhu this is my weakness. But everytime I eat seafoods, always expect thay allergies will attack! But I can't say no to this foods! Let's have lunch!
You can capture beautiful photos everywhere. Thank you God for the opportunity to live in this kind of beautiful world. It is still rainy day here at part of south luzon now. I hope this rainy season can't harm anyone. Stay safe and sound my dear friends.
Magandang hapon sa lahat. Malapit na mag gabi. Kumusta ang mga pakiramdam natin ngayon. Medyo nakaramdam na kami ng init dito sa amin ngayon. Pagkatapos ng ilang araw na maulan ang panahon.
Nagluto kami ng biko kanina. Madali lang itong gawin. Halos lahat alam itong lutuin. Madalas na nasa handaan. Mahilig kasi ang mga pinoy dito. Minsan nakakaumay pero pag wala, nakakatakam.. Mmmm!
Handa na ba ang lahat sa darating na pasukan? Ito nga pala ang ganap kanina sa school ng mga anak ko. Nagkaroon ng Brigada Eskwela Kick off ceremony. Lahat ng magulang ay dumalo at tumanggap sa challenge na tutulong sa paghahanda ng eskwelahan bago tuluyang magsimula ang face to face classes. Sana maging smooth at easy lang ang lahat. Wala sanang mahirapan.
Greeny morning everyone! Sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakakita ng mga green sa palibot. Lalo na kapag nag open sa coins.ph tapos green si bch, sarap sa mata. Nawawala ang panglalabo ng aking dalawang mata. Kumusta po ang lahat? Ready na ba ang mga anak natin at gamit nila sa pagpasok? Naku! Madudukot na naman ang mga inipit natin para sa gamit nila. Sobrang swerte ng ibang school na binibigyan ng libreng gamit ang mga bata, sa tulong ng kanilang munisipyo. Swerte din…
Hala! Nakatanggap ako ng ganito! Ibig sabihin makakapaghiganti na ako sa mga deserve paghigantihan. Haha Ang saya ko lang talaga ay. Salamat naman po sa tiwala at nabigyan po ako. Pangako na ito ay gagamitin ko sa mabuting paraan po. Umagang napakaganda sa lahat. Busy na naman po tayo ngayon. Sana ay maging safe tayo sa araw araw na pagkayod upang mabuhay! Tiwala lang tayo. Lahat ng Dinarasal natin ay matutupad. Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa.
Plantita Photography! Nakaka goodvibes talaga makakita ng green sa loob ng bahay. Pero yung kontrabida kong asawa stress na stress sya at bakit daw pinapasok itong nga nilalang na ito. Haha! Eh, ang sarap sa mata eh. Sabi nya papasok na daw ang mga ahas dito sa loob. Uy! Nililinis ko naman ito palagi.
Halatang naghanap buhay itong pusa ko kagabi sa kapitbahay. . Ang dumi ng mukha. Pinakain ko pa naman sana ito, pero mukhang gutom pa rin. Tsk! Ito talagang mga pusang ito, kahit anong gawing pakain naglalakwatsa pa rin. Hehe. White cat under colorful umbrella.
Pagkatapos ng brigada eskwela sa school ng mga anak ko, nag halu-halo kami. Sa halagang 50 pesos, may masarap na halo2x kana. Relax pagkatapos mapagod ng marami. Hehe Nakakapagod maglinis sa school, pero okay lang atleast panatag na ang aking mga anak kasi malinis na ang kanilang classroom. Balik naman kami sa lunes nito..
This afternoon at the market. Hello there noiser! Magluluto na naman po tayo ng dinner. Ganito lang ang buhay. Nagsusumikap tayo upang mabuhay. Nagtatrabaho upang makakain. Tapos pahinga, balik na naman kinabukasan sa pagtatrabaho. Ganito lang buhay.
Simpleng buhay sa simpleng bahay! Kontento na sa kung ano man ang nakikita sa mesa. Pamilyang kahit sa hirap ay magkasama.. Aanhin ang marangyang buhay, kung ang pagsasamahan ay walang kabuhay-buhay. Sipag at tyaga lang. Tiyak na buhay na pinapangarap ay makakamtan. Kung anong meron sa ngayon ay pag tyagaan.. Happy early evening..
Ganito ang araw-araw na buhay ng isang tindera. Kapag may order mula sa malayong lugar, matibay na packing ang kailangan. Akala nila madali maging online seller. Kukunti ang kita, tapos pangmalakasang packing pa ang gagawin. Ilang roll ng packing tape ang kailangang ubusin, upang masigurado na safe ang mga items sa loob. Hindi talaga madali ang magtinda. Sana ma'appreciate iyon ng mga buyer.. Sana maintindihan din nila ang puhunan. Hindi lang pera, pati na rin pagod..
Nag'withdraw ako ng savings kahapon sa card bank. Nagbibingi-bingihan sana ako sa pagwi'withdraw para magamit ko in case na may emergency, kaso ying preparation para sa pasukan ng mga bata, naging emergency eh. Ang daming kailangang bilhin. Ang daming kailangang bayaran. Kaya, sinagad ko nalang muna ang savings ko at dagdag kunti ang sweldo ni MR, aabot na siguro to. Pupunta kami mamaya sa pamilihan upang mabili lahat ng kailangan nila. Laban lang tayo mga momshie.. Ang…
Sana magkapundo na ulit para dito sa aming munting simbahan. Hindi pa rin natatapos dahil sa kakulangan ng budget. Pero sige lang. Hindi naman matitigil ang ating pagdarasal kahit na walang magandang simbahan. Patuloy pa rin tayong manalangin at humingi ng kapatawaran sa lahat ng oras. Kahit na walang magarang na establisyemento, patuloy pa rin tayo sa pagpapasalamat at pagsamba!
Parcel received from shoppe. Mga gamit ito sa bahay. Yung iba naman supplies ng mga bata para this opening of classes. Hindi po ako bumibili ng walang gamit o kapritso lang po. Yung may gamit talaga at belong sa needs hindi sa wants lang. Happy saturday mga kaibigan. Ano na ang pinagkakaabalahan natin dyan?
No matter what life throws you, always catch it with a grateful heart. We are blessed in many ways. Do not look for something that we can't have. Appreciate what you have. This is the only key to a truly happy life. I captured this beautiful photo from outside at our garden. This place is not so good and beautiful. But when I took a photo, I see its beauty. Always remember that being contented is the only key to legit happy life...
Dati ito ang ulam na kapag nakahain na ay sobrang sakit ng dibdib ko. Kalbaryo de adelantado talaga basta ito ang nakahain. Ayaw ko kasi talaga ng ulam. Pero ngayon sobrang kabaliktaran ang nangyari. Ang saya2x ko kapag ganito ang ulam na nakahain sa mesa. Nagpapasalamat talaga ako kapag ganito ang ulam. Kung ako lang, gusto ko vegetables palagi, kaso ang mga bata ang nagre'request ng karne at minsan de'lata.
Since Sunday is family day, I always cook special food for our small family. I always find time to make this day extra special. So we have here grilled marinated pork. So tasty because it was marinated since last night. When I marinate, I always put calamansi. It will remove the unwanted smell of the meat. #HappySunday
Akala ko makakapagpahinga na ako, hindi pa pala. May nakababad pa ako na mga puting damit. Iba kasi talaga ako basta puti ang nilabhan, mga 3 times kong sinasabon. Kaya pati kamay ko pumuputi na rin.. Dati high school pa ako, pinaka ayaw ko maglaba ng puti. Ngayon nag i'enjoy na ako. Ang sarap makakita ng puti na puting puti talaga.
Zoom in, Zoom out! Pizza in! Feeling grateful and thankful for our sponsor for todays video. Hehe Sulit talaga ang pizza nila dito kasi loaded sa sangkap at loaded sa sarap. Minsan talaga kahit wala namang ganap sa Sunday, nagiging special dahil sunday nga. Hehe panahon para mag pizza, ahw mag bonding with pizza.
Nakatambay ulit dito sa labas ngayon. Makulimlim pa rin at parang uulan na naman. Ilang araw nang laging umuulan. Masaya naman itong mga tanim namin sa labas ng bahay. Mas matamis din kasi ang lasa ng ulan kesa sa tubig, yun ang sabi nila. Hehe nakakausap ko sa ibang nation itong mga tanim namin, ibang nation (imagination). Haha!
Ito na naman tayo! May allergy itong anak ko sa chocolate. Binigyan sya ng kalaro nya kanina ng chocolate, at naingganyo naman sya kaya ito na ang nangyari sa balat nya ngayon at nahihirapan syang huminga. Struggle is real talaga kapag ganito. Paano nalang pag face to face na. Kahit kasi pagbawalan, nasasarapan talaga sya. Bakit kasi sa dinami dami ng bawal, chocolate pa. Parang naging kulang tuloy ang saya ng kabataan nya dahil sa bawal sa kanya.
Turon for snacks. Dito talaga tayo sikat na mga pinoy. Hehe lagi nagsasabi na mahirap ang buhay pero kaya nating kumain ng 3 beses sa isang araw at 2 beses na snacks. Ganito talaga ang buhay, kahit gaano man kahirap, ang importante ay busog at masaya tayo. Ang sarap maging pinoy.
Brigada eskwelaa.. Tulong-tulong kaming mga parents sa paglilinis nitong school ng mga anak namin. Ganito talaga basta sa public school. Tulong2x kami sa paghahanda. Para din naman sa ikabubuti ito ng mga anak namin. Para malinis ang kapaligiran para sa susunod na linggo. Next week pa kasi sila papasok. Itong classroom nga pala na sira ay nasira ito noong malakas na bagyo. Hindi nalang inaayos dahil sa matinding pagkasira. Nagpagawa nalang ng bago.
Dinner sa bahay ng kapit bahay. Inanyayahan nila kami na sa kanila na mag dinner kasi dalawa lang naman silang kakain mag asawa.. Malalaki na kasi ang mga anak nila at nagsipag trabaho na sa malayong lugara. Kaya pumunta nalang kami, nalulungkot din siguro ang mag asawa. Mababait din itong mga kapitbahay namin. Kaya share2x kami palagi ng blessing at ng ulam. Enjoy lang natin ang mga araw dito sa mundo. Ang ikli lang kasi ng buhay para maging malungkot. Kain na tayo ng…
Ganito pa kadilim paggising ko kanina. Para hindi kapusin sa oras sa pahahanda sa mga lakad ngayon kaya palagi kong inaagahan ang paggising at paghahanda ng agahan. Tayong mga mama na, sanay na sanay tayo sa ganitong oras na paggising at pagtatrabaho. Martes na naman mga kaingay ko. Ang bilis ng araw. Ingat po kayong lahat.
Todays event. I attended 1 day seminar together with parents on how to keep our children safe even they are at school. Preparation of their health kit at their bags, proper sanitation and proper nutrition to fight against any diseases. Happy Wednesday!
Saging na hilaw (before) = nilupak na saging (after) Rich kid ka kung hindi mo ito alam.. Sarap nitong simpleng recipe na ito. Nilalaga muna ang hilaw na saging, pagkatapos ay balatan ito. Pag tapos na balatan, dudurugin ng pinong pino, kagaya ng pagdurog nya sa puso mo, chaar! Isama na ang sugar, margarine tapos lagyan na ng toppings na cheese! Sarap!
Todays snacks. Loaded burger. Ito na po ang loaded sa amin dito sa probinsya. Pinaka espesyal na po ito. Hehe masarap din naman po. Kahit hindi man katulad ng burger sa mcdo, jollibee at iba pang mga sosyal na kainan. Wala kasi kami non dito sa probinsya. Pero masaya na kami sa ganitong burger at fries. Snacks tayo. For only 45 pesos lang po ito.
De quatro! Tambay sa labas. Nagre'rest at nakaharap sa mga green na dahon. Ito talaga ang ginagawa ko tuwing hapon pagdating mula sa trabaho. May kape sana, kaso sakit ng tagiliran ko ngayon dahil sa softdrinks at kape. Pagbawalan na muna ang sarili sa nakasanayan.. Tubig2x nalang muna ang show ngayon.
Watching t! Kt0k videos from my laptop. I am tired of watching daily news. Always listening to problems of the world. I don't want to feel stress right now. So I choose to watch intertaining videos now. Before this day ends, I would like to greet you all a Happy Tuesday.
Mapagpalang umaga sa lahat. Nagpicture akonsa labas. Maaliwalas na ang panahon. Kahapon maulan dito sa amin. Ngayon mukhang babawi si haring araw. Lagi nating tatandaan, ano man ang hamon ng buhay, laban pa rin tayo. Minsan nakakapagod na at nakaka stress lalo na may mga ma aattitude ka na ka'trabaho. Kailangan talaga nating pakisamahan kahit nakaka stress na sobra. Hehehe
Got this screen shot from social media. Tsk! My mouth watered. I wish to taste again the Siomai sa Tisa of cebu. One of the best siomai that I've tasted. Hello friends. Happy wednesday!
This pain! My hand got injured yesterday after washing all my white stuff at home. Mas masakit lalo kapag yung akala mo day off mo magpapahinga ka. The biggest lie! Lols! Double pagod pa! Pero wala tayong choice. Hindi tayo rich kaya tara na at mag kuskos! Haha ayaw ko rin naman kasi i washing machine ang mga puti, hindi ako satisfied sa linis. Kaya tiis2x nalang muna.
Ano kayang nangyari sa mga bees na ito? Nakita ko nalang sa labas sa may sala namin na patay na sila. Siguro mag ini'spray dito na nakakamatay kasi mangunguha na naman sila ng honey para ibenta. Kawawang mga nilalang. Matindi ito kapag nakakagat. Nakakaloko ang sakit.
The best ulam for tonight! Gulay na walang mantika at tuyo. Siguradong gaganahan kang kumain dahil sa sarap ng tandem ng dalawang ito. Sana mapakain ko na rin ng gulay ang dalawang bulinggit ko.
The best color that I always wanted to see! Lols! So, here's the story. My friend went to city because of some important matters to do and to comply her job application documents. And before she go home, she never forget this jollibee for me and her inaanak! So let's have lunch!
Mga pamanirang nilalang! Ito talagang mga uod na ito ang naninira sa ganda ng dahon ng ating mga tanim. Kawawa naman ang mga plantita na may phobia sa uod nito. Hehe Napapansin ko basta maulan, mas lalong dumarami ang mga uod. Pero pag mainit ang panahon hindi ko naman sila gaanong napapansin.
Hapunan.. Makulay ang buhay, sa sinabawang gulay. Iba talaga basta tumatanda na, nag iiba na ang taste. Dati gusto ginisa at mga ready to eat. Ngayon more on gulay na kasi concern na tayo sa health natin at health ng mga bata. Umuusok pa yan sa init kaya blurred!
Perfectly beautiful view earlier. This photo was captured before the baptism.. Some of them wants to witness the said religious event. Accept Jesus, because He is our only God and only Savior.
Healthy Saturday! First time kong nakita ito, sabi ko parang kambing naman ako kapag kumain ako nito, pero 'nong natikman ko, ang sarap niya. Lalo kapag nilagyan ng meat at sweet chili sauce, mmmmm sarap! Kain na kayo ng agahan!
Happy saturday everyone. Lunch outside our church, together with this young and not so old ladies! We have seminar at our church so we're here until afternoon. How's your day friends?
Liwanag na inaagaw ng dilim. Matatapos na naman ang araw. Minsan nakakapagod na dahil sa dami ng problema. Yung feeling na maiiyak ka nalang dahil sa dami ng iniisip.. Kasu nanay tayo kaya bawal sumuko.
Beautiful night photo with street vendors at our home town. There are some night people. They are selling street foods and ihaw-ihaw or grilled meat and ready to eat foods. They are night earners. Work at night and rest during day time.
Blessed Sunday everyone! Napakaganda ng kuha dito sa isang Church. Kuha pa ang kunting pagkidlat. Medyo masama rin kasi ang panahon dito ngayon gawa nga ng sinasabing may LPA daw. Kaya sa may balak mag family bonding ngayong sunday pagkatapos magsimba, siguraduhing may dala kayong payong at raincoat. Ingat po ang lahat!
Feeling down! Minsan wala talaga tayong magagawa kundi mag cash out kahit na alam nating masasaktan tayo. Pero laban lang. Hindi lang naman lagi sa baba. Naalala ko last year, nasa ₱35k to ₱38k pa ang presyuhan. Pero okay lang! Laban lang alaxan.. Huwag lang sana totally bumagsak.. 😥
Ang pagkakaroon ng isang byenan ay pa'swerte2x lang. Kadalasan kasi hindi sila makasundo ng mga manugang nila, at nagiging rason ng paghihiwalay ng mag asawa. Ano nga ba ang connect dito sa post ko na washing machine? Haha Ganito kasi yun, yung byenan ko, sobrang bait sa akin. Nasira yung washing machine namin at nakita nya ako na panay ang kuskos sa mga labahan ko. Nagkanda sugat2x ang aking mga kamay. Kaya kinabukasan ay, tsaraaaa! Binilhan nya ako ng washing machine.…
Simple fried shrimp with squid adobo for lunch! Mas masarap pa rin ang adobong pusit na may tinta, yung itim ng pusit. Hehe lasang lasang pusit talaga sa sarap! Kumain na ba kayo mga kaingay? Kain na tayo!
Ayan na. Umuulan na sa labas. Ito na ba ang bagyo? Sad! Kakatapos ko pa naman sana maglaba. Tsk! Sana huwag manalasa ng sobra itong darating na bagyo. Sabi sa balita kanina ay naging ganap na na bagyo ang LPA at inaasahang maglaland fall sa martes sa bahaging Northern luzon. . Ingat po tayong lahat.
My best brand of cinnamon bread! Huhu super sarap nito kaingay. Product of miller cebu! Nakakaubos ako the whole day nga isang buo na ako lang mag isa. Haha hindi talaga nakakaumay. Partner sa coffee!
Goodnight po sa lahat! Maulan na may kasamang pagkulog dito sa amin. Walang tigil ang ulan, siguradong mapapsabak sa baha ang mga sapatos bukas ng mga mag-aaral. Ang lamig. Ang sarap matulog kapag ganito ang panahon! Goodnight mga kaingay!
Ang cute ng mga batang ito. Kahit masama ang panahon, hindi man lang nagpapigil. Tuloy ang pasok sa school. Mag iingat po ang lahat. Goodluck mga kiddos. After 2 years balik na sa eskwela.
Oh kay sarap pagmasdan ng mga batang excited mag-aral! Ipagpatuloy ang nasimulan. Walang pagsubok ang magpapatumba sa atin.. Parang muling nabuhay ang mga paaralan na dalawang taon na namayapa. Hehe namayapa talaga ha, nanahimik nalang kaha. Hehe
Magandang gabi! Pero parang hindi naman masyadong maganda ang gabi namin dahil sa brown out na hindi nakakalimot, hindi nakakalimot na mamatay. Consistent talaga ang kuryente dito sa amin, consistent sa brown out. Ulam nga pala namin, isdang barbeque. Hehe
Sino ang may gusto ng foodtrip na ganito? Nakita ko lang sa post ng bagong bukas na street food store dito. Mmmm paglalaanan ko talaga ng budget itong crispy street foods na ito. Magdadala ako ng maraming suka na may sili..
Black out na naman dito! Araw2x at gabi2x nalang talaga. Hindi na nakakatuwa. Saral na ipa tulfo nitong electric coop namin dito. Sinong makaka'relate sa ganitong patay sinding kuryente mga kaingay?
Pang 48 hours na po na may power shortage dito sa amin. Ang dilim ng paligid. Hindi na ako masyadong active. Pero kapag na restore na ang power ulit dito, babawi ako. Hehe ipon2x na muna ako ng biyayang maipagkakaloob sa inyo..
Umagang kay ganda! Let's have early painit with this cute and delicious leftover muffins loaded with nuts and chocolates toppings. Sana maganda na ang araw namin ngayon. Kaka'stress na ang ilang araw na brown out dito sa amin. Sobrang aberya sa trabaho ang brown out, lalo na sa mga trabaho na kailangan ng kuryente. Kumusta na mga anak natin mga mommies? Ganado pa ba sa paggising ng maaga para makapasok sa school? Hehe ang sa akin, excited na excited pa rin na makapasok sa…
Ang sarap maging mahirap. Kahit na tuyo at itlog ang nasa harapan lubos ang tuwa at kasiyahan Dahil tiyak na mabubusog na naman ang tiyan.. Breakfast with hot choco..
School meeting. May patawag na meeting ulit. Ewan kung ano ang agenda nila ngayong araw. Baka sa mga bata na naman na hindi sumusunod sa safety protocols. Kasi biglaan na meeting kasi ito. Happt thursday mga kaingay!
Nakakatuwa naman itong energizer sa meeting namin kanina. Panay kasi ang daldalan ng mga parents kanina dahil sa ayuda ng DSWD. Kaya para makuha ang atensyon ng lahat, nagpa energizer na muna. Sayawan ng nakaupo. First time ko rin sumayaw nang naka upo. Hehe
Gusto kong mag foodtrip ng ganito. Siomai tapos yung spicy. Kasu mukhang kailangan muna ng maraming budget. Pati kasi siomai ngayon ay mahal na. Nakakalungkot. Yung mga nakakain ko dati, nahihirapan na akong kainin ngayon dahil sa mahal ng bilihin at kinakapos na ako sa budget. Pero sige lang. Kaya pa.. Bawi nalang next time.
Fried chicken lumpia. Best seller dito sa kanto namin. Super sarap at hindi ka magsisis kapag natikman. Sulit na sulit sa halagang 7 pesos each. Loaded na loaded sa laman. Lasang chicken talaga dahil may chicken meat sa ilalim.
Cash out na muna ang show. May paggagamitan lang. Okay talaga sa ML mag cash out. Maliit lang ang charge. Hindi ka manghihinayang sa kaltas nila. Basta may unexpected na bayarin, napipilitan talaga tayo na mag cash out.
Ang hirap at ang mahal magkasakit. Sobrang mahal ng mga gamot ngayon. Hindi na nawawala sa isang gamutan lang. Dati paracetamol na tag piso lang kami tapos uslob2x at hilot2x. Hehe ngayon nakisabay sa uso ang paggamot. Asensadong asensado na talaga.
For todays ulam. Poor tayo pero madiskarte. Mishua+sardines and pinakamalas na patola! Walang nagugutom sa taong masipag at madiskarte. Kain tayo!
my new affiliate. Sana hindi ito tamarin at ma encourage na tumambay dito kesa sa toxic world ni ifbie! Masaya at goodvibes lang sa buhay. Bawal ma stress.. Maikli lang ang panahon natin kaya sulitin na natin.
Brown out na naman dito sa amin maghapon. Buti nalang full battery pa ito powerbank ko. Sobrang abala na talaga nitong kuryente sa amin na patay sindi. Kunting ambon lang brown out agad. Sestimang bulok. Nakakalungkot at nakakainis.
Dinner! Sino ang mahilig sa seafoods dito? Ako superb! Lalo na pagdating sa crabs. Sumisikip ang dibdib ko pagkatapos kumain dahil sa allergy. Pero ganunpaman, tuloy pa rin ang kain. Sarap ng seafoods, kasu medyo ma presyo na talaga ngayon. Nakakapanghinayang na sa bulsa, kaya minsanan nalang ang pagkain ng ganito. Nakaka allergy na sa bulsa. Hahaha!
Feeling bored while waiting to meet someone? No worries! This dragon seed is to the rescue.. Happy weekend everyone! I hope everyone will have a great day today. Stay happy and safe! Life is too short to be sad. Be happy.
Healthy morning with dragon fruit! It you want to have a healthy heart, eat dragon, oh sorry, not a dragon, a DRAGON FRUIT lols!. It has an excellent source of monounsaturated fats that helps out heart stay in good condition. Happy hearts leads to a happy life!
For todays ulam, tufo with spaghetti sauce. Perfect yung taste nya. Ang sarap. Hindi ako fan ng tufo, pero kapag ganitong recipe hinding hindi ko inaatrasan! Naglunch na po ba ang lahat? Anong ulam natin dyan?
Milky fresh butong! For a thirsty and dry throat. Healthy, fresh and refreshing coldness. For only 20 pesos per 350ml in bottle. I wish to have something to be the pair of this drinks. Maybe a slice of pizza? Mmmmmm maybe next time. Im out of budget now. Haha!
Working outside. Chaar! Need this relaxing place to continue working. Atleast hindi masyadong mababagot habang naghihintay ng call. Laban lang tayo baby laptop ha. Kahit naka cable tie kana. Hehe
Paksiw shrimp and steamed okra for sa simple small family. Ang bilis lang ng oras, gabi na naman. Maya maya magpapahinha na naman. Ang alinsangan dito sa amin. Pinagpapawisan ako. Mukhang uulan ngayong gabi.
Sorry na! Sori! Na'busy lang po kunti.. Sisimulan ko na ang araw ko na mag share ng blessings. Sunday ngayon, family day and most of all God's day at church. Umagang kay ganda!
Inis na inis na talaga si partner ko sa kalokohan ko sa mga tanim. Pinasok ko na naman itong isang to. Eh, nagagandahan ako eh. Iba talaga ang puso ng plantita kesa walang pakialam at hindi mahilig sa mga tanim. Isa ito sa nagpapasaya sa akin. Nawawala lahat ng pagod ko kapag nakikita ko ang mga tanim na matataba, kasing taba ko. Hihi
Dahil sunday ngayon, bili kami ng uling sa tyanggi. Wood charcoal, gamit nin sa pagluluto. 300 per sack, malaking sako na at medyo matagal na rin maubos. Gamit na gamit ito lalo na pag sinisipag ako at naiisip kong magtipid. Minsan kapag tinatamad kasi ako, deritso pihit na sa gas stove. Kaya inaalala ko palagi ang presyo ng gas, para sipagin ako na sa uling magluto.
Grabi ang init ng panahon. Bumabawi. Nakatambay ako sa labas ngayon kaingay kasi naghihintay ako ng bananaque. Yes! Gusto ko ng bananacue. Nag crave talaga ako. Char parang buntis, naghintay talaga ako.
Bibingka! Rice cake pinadukot. Hehe Sarap pang kape. Tayong mga pinoy ay sadyan mayayaman talaga. Haha mayaman kasi 3 times a day kumakain tapos may snacks pa. Haha kaya hindi ako nakakaipon.
Taas paa na naghihinatay na matapos ang araw. Iba iba ang pinagdadaanan natin sa buhay, may mabigat at sobrang bigat. Pero 'wag nating kalimutan na ngumiti kahit nakakaramdam ng sakit.. Gabi na naman maya2x. Nakapaghanda na ba ng hapunan ang lahat?
Inihaw na pusit for agahan. Taas ang kamay sa mga mahilig sa seafoods? Iba talaga basta pagdating sa seafoods. Hindi ako nagsasawa dito. Kahit namamaga ang balat pagkatapos kumain ay GO pa rin! Happy monday..
Lahat tayo bayani sa sarili nating paraan. Lahat tayo may kabayanihang nagawa.. Happy national heroes day sa lahat ng bayani! #PhotoCreditsToAbsCbnKapamilya network
Inihaw na isda for lunch. Pure talaga ang sarap kapag inihaw. Inihaw lang ang paksiw ang gusto ko sa pagkakaluto ng isda. Minsan lang ako kumain ng tinola.. Kumusta ang monday holiday natin mga kaingay?
Nilagang kamote. Kain lang ng kain, kahit simpleng mga pagkain ngunit nakakabusog. Aang sarap magjng simpleng mamayan. Haha. Kung anong nakahain sa misa ay masaya na. Ang tindi ng init ngayon dito sa amin guys. Dyan ba sa inyo? Ang bilis ng oras. Papasok na naman bukas.
Market time. Ang mahal na ng mga gulay ngayon. Ang hirap ng buhay. Mahal lahat, kasu ang sweldo, ganun pa rin. Sobrang kaunti. Hindi kayang makipagsabayan sa pagmamahal ng mga bilihin. Paano nalang kaya tayo su'survive nito.. Kaya maraming taong nagugutom ngayon.. Hindi na afford ang bilihin..
Nuts, peanut! Source of plant-based protien, fiber, and many key of vitamins and minerals. It can be cooked in many ways, like salted, sugar coated and boiled with water and salt likes this photo I have. Happy tuesday everyone!
Iba't-ibang paraa ng paghawak ng lapis. Hindi man lang naturuan ng tamang paghawak ng lapis ang mga bata ito. Kaya ngayon grade 2 na hindi pa magrunong magsulat. Pinaka masaklap na resulta ng pandemic. Practice lang mga bata. Kaya yan!
Siomai, the best for snacks.. Pero dito sa amin, inuulam na ito. Hehe siomai plus rice lang, panalong panalo na. Mapaparami sa kanin, lalo na kapag spicy! Sarap!! Kakarating ko lang galong work, kayo mga kaingay? Kumusta kayo?
Kulurom na naman kami dito. Hindi pa nga dumarating ang bagyo, una ng nasira at natumba yata ang mga poste ng kuryente. Tsk! Masyadong bulok na sistema. Hindi alam kung kailan masusulusyunan. Paano nalang kaya ang mga consumers nito. Kaya walamg asenso itong lugar namin. Walang naglakas loob na ipatulfo kasi takot naman ang mga tao dito sa mga namumuno. Kakapagod na sistemang bulok.
Umagang kay ganda! Gising na ba lahat ng mommies dyan? Mga naghahanda ng makakain at nag alalaga ng mga anak at asawa? Kahit inaantok pa ay pinipilit na gumising para lang magampanan ang tungkulin bilang isang ina.. Ulam namin kahapong lunch. Nilagang buto2x ng baka. Iba ang sarap ng baka kapag sakto sa timpla at rekados.
Hinatid ko ang anak ko sa classroom nya, kaya ngayon, inabutan ako ng malakas na ulan. Stranded.. Malaking abala talaga ang ulan sa gawain natin. Pero kailangan din naman natin ng ulan. Lalo na ang mga farmers. Balita ko kagabi, may papasok daw na malakas na bagyo. Sana naman hindi ito manalasa.
Masayang naglalaro tuwing tanghali ang mga batang ito. Parang napaka dali lang ng panahon para makalimutan ang masamang panaginip na pandemic. Iba ang environment ng mga bata sa probinsya kaysa malalaking syudad. Kaya feeling ko maswerte pa rin ang mga bayang ito na naranasan ang ganito lugar ng school.
Pangit man sa inyong paningin, pero masarap rin! Yes, napakasarap ng laman ng isdang ito. Kaya hindi natin dapat husgahan ang panglabas nitong anyo. Masarap at malaman.. Kumusta kayo dyan mga kaingay?
Nakikita nyo yan? Iyang sasakyan? Chaar! Hindi amin yan. Hehe Ang ganda ng langit. Parang walang nagbabadyang bagyo na papasok. Kumusta ang panahon dyan sa inyo mga kaingay? Ang aliwalas ng langit ngayon dito. O kay sarap pagmasdan.
Pumasok na nga ng tuluyan ang bagyo. Umuulan na may kasamang pagkidlat na dito sa amin. Wala namang malakas na hangin, at wala pang signal, kaya siguro wala pang update kung suspended ba ang klase. Mag iingat po tayong lahat! Information from DOST PAGASA