read.cash Log in
@deanny07 more from that month

Dati tuwing may mga okasyon, tanging handa lang namin sa mesa ay bibingka. Kung maswerte may nakatimpla pang juice. Pag walang wala naman ay tubig lang ang kapartner. Ang saya na namin noon kapag nakakapagluto kami ng bibingka. Pasko may bibingka, bagong taon may bibingka at mga kaarawan namin ay bibingka. Iba ang saya kapag may bibingka. Noong lumuwas na kami papuntang syudad, doon namin na realize na ang sarap pala ng pakiramdam ng mahirap. Yung aalahanin mo lang ay ang makapaghanda ng nag iisang menu at iyon ay ang bibingka. Doon ko rin nakita na sa syudad pala kapag may handaan, malulula ka sa dami ng handa. Ang sarap maging mahirap. Kuntento lang sa kung anong meron ka. Legit ang saya dahil wala kang aalahanin kung masarap ba ang ganito, ganyan. Kasi iisang menu lang naman eh. Ang saktong tamis lang iisipin mo. Haha Yan ang kwentong bibingka ko. Snacks na naman.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.