read.cash Log in
@deanny07 more from that month

This post broke my heart. Tungkol to sa isang single mom na nag nakaw ng balloons, gatas at mantika. I know na may kanya2 tayong pinagdadaanan ngayon. Mahirap ang magpalaki ng anak na walang katuwang. Heads up ako sa mga single mom na kahit sampalin ng napakaraming pagsubok ay hindi nakapag isip na magnakaw. Ito opinion ko lang ha. Binaha ng simpatya itong babae na nagnakaw, kasi daw sa hirap nagawa nyang magnakaw, magsi'celebrate daw ng birthday. Eh hindi naman required na mag balloon og maghanda eh. Bilhan mo lang ng worth 20 pesos na kinde o anong magpapasaya sa anak mo, okay na yon. Ipa intindi mo sa kanya kung ano ang realidad ng buhay. Nandoon na tayo sa gustong mapasaya ang anak sa birthday, eh taon2x naman nagbibirthday, malay natin sa susunod na taon may pera na at pwede na maghanda, kesa naman maghahanda kay tapos sa maruming paraan mo nakuha. Tapos ito pa ha.. Wala kang pera? Eh hindi naman halata sa katawan eh. Maayos na bihis plus rebonded ang buhok. Ewan ko ba. Para tuloy gusto kitang parusahan para matauhan ka na at hindi mo ipahiya ang sarili mo sa maliit na bagay. Maliit nga o malaki, nakaw parin yan. Kasalanan sa Diyos. Lagi nating tatandaan na karangalan ng anak natin ang marangal ng magulang. Praying for you. Sana malampasan mo lahat ng problema mo ngayon.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.