Mga Beteranong Pilipino; Magigiting na mga Bayaning Sundalo

1 38
Avatar for dariankeith
4 years ago
Topics: Life, Story

Magiting!

Napakagiting!

Tunay na magiting!

            Isang taong nagsumpang kahit anong mangyari ay maglilingkod sa lupang kanyang tinubuan.Handang ibuwis ang buhay makamtan lang ang hinahangad na tagumpay para sa inang bayan. Wala ng mahahanap pang iba, siya’y tunay na pinagpala.

            Pinagkaloob ng Maykapal para sa ating lahat, upang maglingkod sa bayan at ipagtanggol ang sinuman na nangangailangan. Pinagkalooban ng natatanging kakayahan, namumukod-tangi sa lahat, napakagiting, at maituturing din na kaibigan.

            Maipagpupunyagi kahit saang sulok pa man. Dilat ang mata at walang kinakatakutan. Lahat ng ito’y sumisimbolo sa kanyang katapatan. Yumao man siya, ang ala-ala niya’y mananatiling nakatatak sa bawat puso’t isipan ng karamihan.

            Ang salitang beterano ay parang napakasimple lamang ngunit malaman ang ibig sabihin, ang katawagang ito ay tumutukoy sa mga beteranong militar na nagsilbi o nagsilbi nang matagal sa hukbong sandatahan kaya’t binigyan ng pensiyon ng pamahalaan at karangalan. Maaari din na tumutukoy ito sa pagkakadalubhasa ng isang tao sa isang bagay.

            Taon-taon ay ginugunita natin ang “Araw ng Kagitingan” ngunit hindi lang ito ipinagdidiwang para sa ating mahal na mga bayani na may nagawang mabuti para sa ating bansa ngunit ito ay pwede ring matawag sa ibang kataga na “Araw ng Bataan” bilang paggunita sa pagiging bayani ng ating mahal na mga sundalo sa pagtatagumpay nila sa ikalawang pandaigdigang digmaan.

Ngunit bumalik tayo sa kwento ng buhay ng isang beterano na lumaking pakakakitaan ng pagiging aktibo, lumaking may takot sa Diyos at may galang. May malinis na hangarin at mapapatunayan ito sa alin mang intitusyon. Tanging hangad ay magkaroon ng matiwasay na buhay ang lahat ng katutubong Pilipino.

            Nagpakadalubhasa sa propesyong sundalo, nagpakitang gilas at lalauna’y nakamtan ang inaasam-asam na mapabilang na isang ganap na sundalo. Hindi nag-atubili at pinatunayan ang kanyang kakayahan at ito’y nagsilbing lakas at inspirasyon niya upang kanyang magampanan ang kanyang tungkulin na maglingkod sa bayan.

            Boom! Tog! Bog! Maingay na pagsabog mula sa ikalawang pandaigdigang digmaan. Ayon sa kanyang mga iniwan sa buhay, siya kasama ang iba pang sundalong Pilipino ay nagpakitang gilas sa pakikipagdigma sa mga hapones. Hindi nagdalawang isip na gawin ang nararapat kahit buhay pa nila ang nakataya.

            Buhat sa pagkakaroon ng matibay na depensa at sandatahang lakas ng mga Hapones, unti-unting hindi kinaya ng mga magigiting nating sundalong Pilipino na pataubin ang katunggali.

            Napabagsak ang pwersa ng magigiting nating sundalo sa Bataan, nagkaroon ng napakasikat ngayon na “death march” na kung saan marami sa ating kababayan ang naglakad ng isang daang kilometro mula Bataan hanggang sa Capas, Tarlac.

            Ngunit ng dahil dito nagkalat sa buong daigdig ang katagang “Remember Bataan” na nagpapahiwatig ng pagiging matapang ng mga ipinagmamalaki nating mga sundalo.

            Habang lumalayo ang pagkwekwentuhang naganap, ang pagsukong ito ay hindi sagisag ng pagiging talunan ng ating mga sundalo sa ikalawang pandaigdigang digmaan, bagkus nagging dahilan rin ito upang magkaroon ng tinatawag nating tulong mula sa kapanalig nating bansa.

            Ang mga amerikanong sundalo ay nagpabilib rin sa digmaang ito, ngunit hindi ibig sabihin na sila ang bida. Oo nga’t malaki talaga ang papel ng Hukbong Amerikano sa Liberasyon ng Pilipinas ngunit hindi sila umano nagpahuli dahil malaki rin ang papel ng iba’t ibang grupo ng ating magigiting na sundalo upang maghatid ng mga natatanging  impormasyon sa mga Amerikano at nagbigay tulong din sila sa paghahanda sa mga operasyon sa pamamagitan ng mga ulat katalinuhan, at sa pakikipagbakbakan.

            Sa digmaang ito, maraming tao ang nagsilbing bayani hindi lang puro sundalo ang nagpakitang gilas, maging ang ibang kababayan na gusting ipaglaban ang bayan ay nakisama sa pagpapataob ng mapaminsalang hukbon ng mga hapones.

            Ordinaryong tao, maging guro, mayroong aktor at aktres, andiyan pa ang magigiting na mga doctor, singer at marami pang iba na nagsanib pwersa upang ipabagsak ng tuluyan ang mga hapones. Nagtulong-tulong, nagdanak man ng dugo hindi pinanghinaan n g tuhod na ipagpatuloy ang pakikidigma para iligtas an gating bayan.

            Maraming buhay ang nasadlak sa dusa, marami ang nagbuwis, sandamakmak an g nagpakahirap.   Maraming pamilya ang nalungkot. Maraming gusali ang nawasak. Maraming probinsya ang napinsala, ngunit mmarami ding Pilipio ang ngayo’y nagging bayani ng makasaysayang digmaan.

5
$ 1.18
$ 1.18 from @TheRandomRewarder
Sponsors of dariankeith
empty
empty
empty
Avatar for dariankeith
4 years ago
Topics: Life, Story

Comments

Tama ang iyong sinabi.

Ang mga Beteranong Sundalo ng Pilipinas ay talagang tunay na maipagpupunyagi kahit saang sulok pa man. Dilat ang mata at walang kinakatakutan. Lahat ng ito’y sumisimbolo sa kanilang katapatan. Yumao man sila, ang ala-ala nila ay mananatiling nakatatak sa bawat puso’t isipan ng karamihan.

$ 0.00
4 years ago