'Di Patitinag: You are beautiful just the way you are

0 45
Avatar for dariankeith
4 years ago
Topics: Life, 2020, read.cash, Writing, Filipino, ...

Simulan natin ang sanaysay na ito sa isang kasabihan na orihinal na nakasulat sa wikang Ingles.

Ang sabi nila, "Beauty is in the eye of the beholder." Ikaw ba ay sumasang-ayon?

Kung ano ang maganda sa iyong mga mata ay maaaring hindi kapareho ng nakikita ng iba. Sa madaling salita, maaaring kabaliktaran ng iyong nakikita ang kanilang nakikita.

Kapag sinabi ng iba na maganda ka ngunit may ilan pa ring nanunukso sa iyo, tingnan mo lang ang positibong panig. Tanggapin sa iyong sarili na ikaw ay higit pa sa sapat.

Ang bawat isa sa atin ay pambihira. Lahat tayo ay maganda at gwapo sa mata ng Panginoon. Sa mata ng Diyos, lahat tayo ay nasa pareho lamang na antas.

Ngumiti lang at magtiwala. Balewalain ang mga negatibong parirala os sabi-sabi na iyong naririnig. Gawin mo lang, mapapansin mo na sila ang titigil sa pagbato ng mga salita sa iyo kapag nakita nilang hindi ka apektado.

Ang nakakatawa lang isipin ay, kung sino pa ang ganon sila pa ang una sa pila ng mga mapanuksong tao. Marahil may dahilan sila, pero hindi na sakop ng sanaysay na ito ang mga rasong iyon.

Ang bawat binibiktima ng mga bully ay isang mahina na indibidwal. Yung hindi maipagtanggol ang kaniyang sarili. Kapag natutunan mong tanggapin ang lahat at magkaroon ng kumpiyansa sa loob mo, iyon ang oras na mapagtanto mo na dahan-dahan mong tinatanggal ang lahat ng nakakaabala sa iyo. Matututunan mong tumayo sa iyong sariling mga paa at lalong-lalo na ipaglaban ang iyong sarili.

Tama na ang lahat. Ang Contentment o pagiging makuntento ang susi. Huwag mong ihambing ang sarili mo sa iba dahil iba ka sa kanila. Mayroon kang sariling kahulugan ng kagandahan at mayroon din silang sariling depenisyon para dito. Laging itanim sa puso at isipan na ikaw ay maganda sa iyong sariling pamamaraan.

Laging tandaan na maging mabait sa bawat oras. Magbitaw ng isang ngiti sa iyong mukha at hayaang makita ito ng iba. Huwag mahiya o magpa-una sa takot dahil tulad ng sinasabi ko ikaw ay higit sa sapat.

Hindi mo kailangan ng anumang pagpapatunay upang manpatunayan lamang sa kanila na ikaw ay maganda. Napakaganda mo na sa paraan mo lang. Lagi mong tandaan yan.

Muli, palaging ipakita ang iyong pinakamatamis na ngiti at palaging dalhin ang iyong mapagpakumbabang puso. Ikaw ay higit pa sa kung ano ang iniisip nila na tungkol sa iyo. Magpatuloy ka lang!


Sponsors of dariankeith
empty
empty
empty

Here is a quote to inspire you:

“Imperfection is beauty, madness is genius and it's better to be absolutely ridiculous than absolutely boring.”

― Marilyn Monroe


Kung iyong nagustuhan at naibigan ang artikulong ito, mangyaring ipindot ang like button, mag-subscribe, at magkomento sa ibaba kung ano ang nasa loob ng iyong isipan, at ako ay maglalagay rin ng tugon sa iyong maaaring sabihin. Muli, maraming salamat sa pagbabasa ng aking mga artikulo.

3
$ 0.48
$ 0.48 from @TheRandomRewarder
Sponsors of dariankeith
empty
empty
empty
Avatar for dariankeith
4 years ago
Topics: Life, 2020, read.cash, Writing, Filipino, ...

Comments