Mga Pinoy na Emotional/Sensitive ay makakarelate dito

0 6

Kapag ganyan ka matic iyakin ka talaga like sa maliliit lang na bagay iiyakan mona

Yung tipong galit kana pero di mo kayang mag bitaw ng masasakit na salita kasi nagsisisi ka agad.

Naiiyak ka pag may nakitang umiiyak.

Yung maiiyak ka nalang dahil sa galit, inis na nararamdaman mo.

Umiiyak pag napag taasan ng boses.

Hindi mo masabi yung mga gusto mong sabihin kaya idadaan mo nalang sa iyak.

Yung tipong nagpapaliwanag ka palang umiiyak kana.

Nahihirapan kang makatulog sa gabi dahil sa sakit. Sakit na pinaparamdam Ng mga taong nakapaligid sayo

Tapos kapag nanonood ka ng movie/nagbabasa ng libro tas may part na nakakaiyak iiyak ka na naman.

Ayaw mong may makakita sayo na umiiyak ka kasi alam mong hindi ka nila nakilala sa ganung paraan. Kasi kilala ka nila bilang isang masiyahing Tao.

Tapos kapag nasaktan ka hindi ka makakahinga kasi masikip sa dibdib yung galit mo at napapalitan ng iyak mo.

Yung gusto mong sumigaw sa galet kase punong puno kana pero hindi mo magawa kasi iiyak mo nalang yon.

Yung kahit sinasabi mo sa sarili mo na ok ka lang pero mabigat paren sa pakiramdam kaya iiyak ka na naman.

At Kung minsan ikaw nalang Yung nag checheer up sa sarili mo Kasi Alam mong walang gagawa nun para sayo.

Yung sasabihin mo na ayos ka lang pero sa totoo hindi naman talaga.

Mas pinipili mo'ng manahimik nalang kesa sabihin sakanila Yung tunay na nararamdaman mo. Kasi pag sinabi mo Yung tunay na nararamdaman mo Wala den Naman silang magagawa para maalis Yun Kasi sila mismo Yung may dahilan Kung bat ka nagkaganyan.

Kahit matagal na yung mga nangyare tas maalala mo grabe pa din yung sakit at maiiyak ka nanaman.

Palagi muna Lang tinatanong sarili mo Kung ano ba Ang kulang sayo pero Ang totoo Wala Naman talagang kulang sayo Hindi Lang talaga sila marunong makiramdam Ng nararamdaman Ng ibang Tao kaya ikaw lagi Yung nag susuffer.

Nakikipagtalo ka na umiiyak ka dahil alam mo sa sarili mo na ikaw yung tama pero sa paningin nila ikaw palagi Yung may Mali.

Yung pakiramdam na pagsasabihan ka nila Ng masasakit na salita habang kumakain ka tas maiiyak ka nalang Kasi bawat paglunok mo Ng pagkain kasabay nun Ng paglunok Ng mga masasakit na salita na galing mismo Sa mga magulang mo.

Yung kahit di kalang pansinin/kausapin naiiyak kana dahil feeling mo may nagawa kang malaking mali Ni Hindi moman Lang Alam Kung ano Ang nagawa mong Mali Kung bat sila nagkaganun sayo.

magsosorry ka kahit di mo kasalanan kumbaga ikaw nalang Yung magpakumbaba kahit ikaw mismo SA sarili mo Alam mo'ng sila Yung may kasalanan pero dapat ikaw Yung manghingi Ng tawad para Hindi na lumaki Yung gulo.

Yung pakiramdam na nagsasabi ka Naman Ng totoo pero Hindi sila naniniwala sayo .

Kapag may sinabi silang hindi maganda sayo at para sa kanila biro lang yon pero sa part mo parang iniinsulto kana nila at bibigat na naman damdamin mo maiiyak ka na naman.

At kapag nagopen ka sa isang Tao tas pakiramdam mo pAranG napilitan Lang siyang makinig sayo Kasi Yung Mga replies Niya cold like Ang kukunti haha tas minsan sasabihin kapang "Ang O.A mo Naman/andrama mo" kaya minsan mas pinili muna Lang manahimik kesa sabihin sa kanila Yung tunay na nararamdaman mo.

Madali kang makonsensya sa mga pagkakamaling di lang ikaw yung may kasalanan..

Yung dahil sa galit/inis mo nakakapag bitaw kana Lang Ng masasakit na salita na Hindi dapat at Hindi mo Naman ginusto haha tas sa huli magsisi ka Kasi bat nasanabi mo yun.

Kahit masasakit ang binibigay sayo pigil na pigil mo pa din yung sarili mo para lang di mo sila masaktan.

Ok Lang sayo na kahit masaktan ka basta't Makita molang silang masaya.

Yung tipong grabe na yung iyak mo at pupunta ka sa cr para mag hilamos para hindi ka lang nila mapansin na umiyak ka.

Yung kapag nasaktan ka titingin ka nalang sa taas para di tumulo luha mo kumbaga pinipigilan mo Yung Luha mo'ng wag pumatak.

1
$ 0.00

Comments

Sheet akong ako to ah parang ako lahat yan ah hihi. As in gabi gabi akong umiiyak minsan nga nakakatulog nako sa kakaiyak e. Sobrang babaw ko napaka simpleng bagay iniiyakan ko like mapag taasan lang ako ng boses wala kahit andaming tao papatak at papatak luha ko di ko kayang mag pigil ng luha . Ewan ko ba ba't ganon ako

$ 0.00
4 years ago

Same napaka softhearted and sensitive din akong tao. Lagi kong ginagawa yung mga nilagay ko sa taas kasi ganun ako e. Tanggap ko and i am proud sabihin na iyakin ako

$ 0.00
4 years ago

Again I couldn't read this, guess it wasn't meant for me then, translation is still not well understood

$ 0.00
4 years ago

Oh no im so sorry for that. It is just because the Google Translator isn't very well in translating Tagalog to English and other Languages. It causes distortion and misunderstanding of sentences.

$ 0.00
4 years ago

yeah I noticed that too... but in any ways its no issue probably maybe I should even learn the language myself

$ 0.00
4 years ago

Yeah ofcourse, learning Tagalog is so easy and enjoyable. And it can also help you find more beautiful girls here in philippines haha. Just kidding

$ 0.00
4 years ago