Adobong Takway,monggo, tinolang manok,sarsang tilapia atbp:by cyredawn22

11 31
Avatar for cyredawn22
2 years ago
Topics: Foods

Natatakam kaba? Or nagugutom na. Halata naman dahil sa topic palang ay ulam na talagang matatakam ka. Isa ako ako sa mga ordinaryong may bahay na kinahiligan na ang page luluto simula nung college pa ako at dala ko hanggang ngayon. Kaya pinapangarap ko talaga na magpatayo ng fully furnish na bahay at may malaking kusina na naka tiles at organize lahat ng gamit ko sa kusina at dapat kumoleto rekados ako. Pinaka ayaw pag nagluluto ay yung kulang kulang sa ingredients and niluluto ko kaya minsan Hindi ako na sasatisfy sa sariling luto.

Minsan NAIA experienced din kami ni hubby mag karenderya sa syudad ng ilang buwan pero di nagtagal kasi walang mag aalaga sa sanggol naming panganay noon. Dumagdag pa na pinataas ang renta sa inuupahan namin kaya mina buti naming ihinto nalang ito. Tulad ng iba stress reliever ko din ang pagluluto, dahil kapag nagluluto ako ay nawawala ang page iisip ko sa problema at naka focus lamang sa kung ano ang niluluto ko. Because I want everything to be perfect kahit na simpleng dish lang ay kaya kung gawing extraordinary. At isa sa pinaka paborito kung lutong bahay at ang adobong takway.

ADOBONG TAKWAY

Nung sa probinsiya pa ako ang lolo ko ay palaging may dalang ganito galing sa kanyang uma/farm. Kaya dun ako natoto magluto nito at naging paborito ko narin hanggang ngayon. Simple lang ang pagluto nito para kadin nagluluto ng adobong manok ang kinaibahan lang at pag nalagay muna sa kawali to haluin mo lang dalawang beses at takpan. Di siya pwede na minuto2x ay kailangang haluin para iwas nadin kati-kati sa dila mo.

Sangkap sa pagluto :

  • Takway

  • Sibuyas

  • Bawang

  • Luya

  • Toyo

  • Suka.

  • Karne

  • Ginamos/alamang

  • Sugar

Mas iba ang sarap pang may ginamos na galing ilo-ilo yung Hindi basa. Yun ang mas nagpapasarap sa lutong bahay na ito.

Dahil andito kami sa Manila ngayon di uso ang native na manok kaya any nabibili sa palengke na dressed chicken lang ang niluluto ko na tinolang manok. Masarap naman siya pero iba pa din ang native na manok dahil ito talaga at malasa at malinamnam. Ang pinaka gusto ko na luto ng tinolang manok ay dalawang binugkos na tanglad at isabay siya sa pag gisa ng mga rekados para mabango at di siya malansa saka ko nilalagay ang manok at hayaan lang itong kumulo, di ko muna nilalagyan ng tubig. Hinahayaan ko siya na igisa niya ang sarili niyang mantika haha.

Sangkap :

  • Manok

  • Tanglad

  • Sibuyas

  • Luya

  • Sayote/papaya

  • Dahon ng sili

GINISANG MONGGO

Maraming klase ng ginisang monggo pero nagluto lang ako ng simple nung nakaraan kasi walang budget para sa espesyal Sana na luto. Yung may karne ng baboy at chicharon na topings sana pero next time na nalang pag may budget na. Ang gusto ko talaga sa monggo ay yung latang lata siya at di muna kailangan ng maraming tubig na ilalagay kasi mas malinamnam yung puro siya. Dinamihan ko din ng kalabasa at alogbate kasi halos ito ang paborito kong gulay . At syempre ang nagpa ganda at nagpasarap dito ay ang dilis na tawag sa amin ay balingon.

Sangka :

  • Monggo

  • Dilis

  • Kalabasa

  • Alogbate

  • Kamatis

  • Sibuyas

Eskabetsi/Sarsiyadong Tilapia

Para sa akin ito ata talaga ang specialty ko sa mga ulam ng Pinoy kasi paborito din ng mg anak ko to at itong isda na to lang ang talagang kinakain nila .Kaya nung nasa bahay pa ako sa probinsiya ay ito palagi niluluto ko or simpleng prito lang na tilapia ay okey na. Pag ako nagluluto nito seperate yung sarsa niya para di masira sa paghalo halo ang isda. Saka ko na iplating pag luto na ang sarsa. Nilalagyan ko ng suka kunti at sugar kunti ang paghuli na . Para mas dagdag sarap.

Sangkap :

  • Tilapia

  • Luya

  • Bawang

  • Sibuyas

  • Carrots

  • Ketchup

  • Suka

  • Sugar

LAW-UY /LASWA

Isa to sa hindi mawawala sa pagkaing Pinoy lalo na sa mga probinsiya. Isang masustansiyang pagkain dahil halos lahat ng nasa bahay kubo ay andito na. Makikita niyo na ang tanglad ay palaging present sa mga niluluto ko kasi nga tulad ng sabi ko sa aroma at sarap na dulot into ay kakaiba. Hindi sapat sa akin and luya lang kaya palagi kung nilalagyan niyan. Sa sobrang sarap nito di na need ng kanin kahit ito lang at daing sapat na sa hapag.

Di ko na ilalagay ang sangkap kasi pwede naman lahat ng gulay na binabanggit sa bahay kubo ay pwede ilagay dito.

Sana magustuhan niyo ang ulam na 
inihanda ko sa inyo ngayon at 
pwede niyo ng ulamin ngayon yan.
Syempre punta ka sa palengke para
mamili muna ng gulay,isda at sangkap
sa inyong putahe.
Sponsors of cyredawn22
empty
empty
empty

5
$ 0.89
$ 0.79 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @dziefem
$ 0.03 from @FarmGirl
+ 1
Sponsors of cyredawn22
empty
empty
empty
Avatar for cyredawn22
2 years ago
Topics: Foods

Comments

Paborito ko po yang ginisang monggo lalo na kapag ang "mais" ang kapares tsaka may ginamos at buwad pa

$ 0.00
2 years ago

Pwede ba ipares ang mais???

$ 0.00
2 years ago

Buti na lang saktong kainan maya-maya hehe. Nagutom ako sa mga food photos na to :D Love ko yung monggo :) D ako masyado sa fish hehe

$ 0.00
2 years ago

Ang sarap ng mga pagkain na yan. Favorite ko ng ginisang monggo at eskabetsi. Mapapa extra rice talaga ako pag ganyan ang ulam

$ 0.00
2 years ago

Plus coke yung sobrang lamig

$ 0.00
2 years ago

Bigla akong nagutom, iba talaga ang pagkaing Pinoy, sah picture pa lang parang natatakam kana, at bigla mo nalang nalunok ang laway mo,ahahah, new here sis,

$ 0.00
2 years ago

Hahaha kaya ng damay2x nato sis

$ 0.00
2 years ago

Hahaha kaya nga sis eyyy,nakakagutom naman talaga ang ganyang mga pagkain.

$ 0.00
2 years ago

Waaa sarap ng munggo! Hmm, di ako masyadong kumakain my siyarsiyadong isda heheh. Pero the food are all looking good.

$ 0.00
2 years ago

Pinaka bet ko yung ginisang monggo. Hindi ako familiar sa adobong takway. Parang mas kilala dito yan na laing, gagataan.

$ 0.00
2 years ago

Mas masarap ang adobong takway talaga hehehe try niyo din next.

$ 0.00
2 years ago