Ang Alamat ng Kabute

12 82
Avatar for curiouscat
2 years ago

Ako ang reyna ng kagubatan, parurusahan kita sa ngalan ng kapangyarihan ng buwan Sailor Moon!

Grrrr napaka waley naman ng intro ksksks maling article ata to huhu. Sowyy skip mo nalang kung korni HAHAHA resp3ct my opinion 😡 charr

Ang Alamat ng Kabute (blogspot)

Isang araw, may isang batang nagngangalang Biboy. Si Biboy ay isang supil at walang respeto na bata. Sa paaralan naman, wala siyang kaibigan at dahil ito sa kaniyang ugali. Hindi siya nakikinig sa kaniyang guro at mga kaklase, parati nalang siyang nakatutol sa gadget niya. Nagagalit siya kapag iniistorbo siya. Natapos na ang klase nila Biboy at sinundo na siya ng kaniyang nanay. Tinanong siya ng kaniyang nanay kung kumusta ang araw niya. Hindi siya sumagot, binabalewala lang niya ang kaniyang ina, parang wala siyang naririnig. Pag dating naman nila sa bahay, nakita niya ang kaniyang tatay at lolo ngunit nilampasan lang niya ito, hindi lang naman nag mano. Napag-usapan ng kaniyang ama at ina na mabuti pang maging halaman nalang na hugis tenga si Biboy. Kase parang hindi siya nakakarinig. Nawawalan na si Biboy ng respeto sa mas nakakatanda sa kaniya. Nang pumunta na si Biboy sa paaralan, may nakasalubong siyang matanda, humihingi ito ng tulong ngunit hindi niya ito tinulungan. Kahit sa pag tulong lang ng matanda para makatawid sa daan, hindi niya nagawa itong tulungan kasi parati nalang siyang naka tutok sa kaniyang telepono. Hindi alam ni Biboy na ang matanda na iyon ay isa palang diwata. “Ikaw Biboy na walang puso, isusumpa kita!” ang sabi ng matandang diwata. Kinaumagahan, nagtataka ang nanay ni Biboy bakit hindi lumalabas si Biboy sa kaniyang kwarto. Pinuntahan siya ng nanay niya ngunit wala si Biboy. Sumisigaw ang lolo ni Biboy at sinabing may tumubong halaman sa kanilang puno. Sa halamang iyon may telepono at hindi nakukuha at ang teleponong iyon ang ginagamit ni Biboy. Doon nila nalaman na yung halamang may tenga ay si Biboy. Doon na nagsimula ang alamat ng kabute.

story link: http://angalamatngkabute.blogspot.com/2017/08/ang-alamat-ng-kabute.html

Favorite ko kasi kainin yung edible na mushroom so I created an article about it (luh nag eenglish nanaman, tagalog uyy). Sabi ko tagalog naman kasi wala hahah sorry sa non-Filipino readers ko huhu, di ko rin ginawang technical t like ano mga facts and abouts sa mushroom kasi naisip ko na it's fun to read fantasies with morals. So I hope you read the alamat and have aral that you get, because you know (taeng conyo, kaya ka nasasabihan maarte ihh).

Well seriously, may napapanahon na aral yung kwento. Sa panahon ngayon, nakatutok nalang ang mga bata sa mga gadgets. Naapektuhan nito ang kanilang pag uugali, sa katunayan ang gadget ay isang legal na addiction. Marami ang positive na nagagawa ng gadgets pero d natin matatanggi na sa karamihan ng pwedeng paglibangan at gawin gamit ang mga ito ay naadik na tayo. Oo "tayo", kasi di lang mga bata ang gumagamit ng gadgets to the point na nabibingi na tayo sa nasa paligid kasi nagki-create tayo sa utak natin ng sariling virtual world and dahil sa diversity at lawak ng pwede nating marating nahhirapan na tayong mag detach sa ginawa nating mundo. Gising gising din uyy, lakad lakad rin wag puro upo at higa habang nakatutok sa phone kahit anong gadget pa yan.

Dahil sa online class mas humaba yung exposure ng mga students sa gadgets and alam natin na di yun maganda kas yung radation na narereceive ng mata, kaya dapat after class wag muna mag browse sa noise cash hahah charr pero pikit ka muna girl ipahinga ang mata kahit papano (gosh guilty ako ano ba yan hahah), and wag na masyado mag browse sa maraming social media, suggestion lang haha yung iscroll mo sa other sites spend nalang sa noise or read para at least mas may sense pa yung naspend mng time hehe.

Back sa alamat, we adults should be responsible rin. If sinasabi natin sa bata na huwag ka mag phone huwag ka rin tumutok ng grabe, ipaliwanag mo na nag aaral ka or working and you're not spending your time for nothing kasi di yan susunod if nakikita na ikaw nga laro laro or nuod nuod lang maghapon. Yung lesson kasi is for everyone talaga. I hope you indeed learned something from it and sorry if you cringe sa mga corny jokes ko hahah

Have a lovely day,

curiouscat, Charlotte

10
$ 15.39
$ 15.16 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @kli4d
$ 0.05 from @Ruffa
+ 3
Avatar for curiouscat
2 years ago

Comments

As adults, we should really watch out the kids dahil minsan, naiimpluwensyahan sila sa mga pinapanood nila. And opo, dapat spend time din with other things aside sa gadgets. ☺️

$ 0.00
2 years ago

saatin din talaga dapat mag start ang disiplina :)

$ 0.00
2 years ago

Parang ako ung sa part na lagi ng naka tutok sa selpon..pero may respect pa rin sa oldies syempre. And wag dapat laging nakaharap sa selpon. Spend time with the fam too if you don't want to regret later. Ganernnnn. Haha

$ 0.00
2 years ago

Opoooo balance pa din dapat amd wag mawawala ang respect hihi

$ 0.00
2 years ago

Totoo Yun. Malaking epekto Yung gadgets at napanuod jg Bata sa ugali nila. Si anak naaasar ako Kasi minsan pinanunuod nya sa yt mga Vlad and Nikki Saka si Diana at Roma mga maldita haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Nakuuu same po dun sa pamangkin ko kaya natuto talaga mag roll eyes ksksk

$ 0.00
2 years ago

I am also a Mushroom farmer back then hehe, tried to culture some edible different strains of it. Well iba ara yung nasa isip ko pagkabasa ng title hahaha basta.

$ 0.00
2 years ago

Luhhh curious na tuloy ako kung ano yanh nsa isip mooo

$ 0.00
2 years ago

True sabi nga nila kung ano ang nakikita ng mga bata sa ginagawa ng matatanda, gagayahin din ng mga bata kaya mahalaga talaga na maging role model tayong mga elders. Maganda yung story pero ibang alamat ng kabute yung nabasa ko, Mayaman tlaga sa kultura ang pilipinas lalo na sa mga literatura.

$ 0.00
2 years ago

opo maraming iba ibang version

$ 0.00
2 years ago

Salamat sa kwento sis sa alamat ng kabute

$ 0.00
2 years ago

welcome pooo:)

$ 0.00
2 years ago