#JunkAnti-TerrorLaw

0 25
Avatar for clandestine
4 years ago

Sa gitna ng bumubugsong panganib dulot ng pandemya na COVID-19, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti- Terrorism Act of 2020 noong ika-3 ng Hulyo 2020. Ang nasabing batas ay naglalayong pigilan, puksain, at bigyan ng karampatang kaparusahan ang sino mang nagpapakita ng gawaing terorismo. Ang biglaang desisyon na ito ng pangulo ay nag-ani ng sari saring kritisismo mula sa sambayanan. Nagkaroon ng mga rally ang mga taong tutol sa pagpapatupad ng batas na ito. Ayon sakanila, ang batas daw na ito ay lumalabag sa karapatang pantao at bibigyan lamang nito ng dagdag na kapangyarihan ang mga hukbong sandatahan ng Pilipinas. Ang nasabing batas ay nabigyang pansin din ng United Nations na agad namang siinagot ng Pangulo.

1
$ 0.00

Comments