Dalawang araw na kami umaahon sa bundok ng mga anak ko at asawa ko taga dito kami sa Quezon province unang pinag kukunan namin ng pang araw araw na pangangailangan at hanap buhay ay ang bunga ng niyog na aming kinocopras sa kasamaang palad binayo ng bagyo ang lugar namin nong Abril Kaya naman ang bunga ng niyog at nangalaglag wala na kami halos mapag kukunan ng pangangailangan dahil sa lockdown pa wala narin kami halos na tatanggap na relief goods Kaya naman mas maganda kumayod kami sa ibang paraan nag kakayas naman kami ng tingting ng niyog na ang isang tali ay 20 pesos tyagaan lang ng sa ganun hindi umaasa sa iba subrang hirap lalo na sa panahon natin ngayon na mahirap mag byahe at mag trabaho sa maynila at no work no pay dahil sa dinaranas nating pandemic pero isa ako sa naniniwala na malalagpasan din nating lahat ito
0
1