Tayo na pero parang hindi nA

0 9

Naglalaro ba tayong dalawa?

O baka naman naglolokohan na

Paki inform naman ako oh

Para akong ngayon lang bumaba mula sa kabundukan

O ngayon lang ba ako sinilang

Kase ang totoo WALA NA AKONG NALALAMAN

at sadyang nanghuhula nalang

Nanghuhula nalang sa kung TAYO PA BA O HINDI NA

kasi hindi na kita maramdaman pa

ANO NGA BANG MERON SA ATING DALAWA

meron pa bang NAMAMAGITAN

kase kung MERON PA

Bakit ganyan ka umasta

Umasta na para bang WALA LANG AKO SAYO

na parang walang naghihintay sa bawat chat mo

na hindi palaging nanlilimos sa oras mo

Na parang single ka at di mo na aalala na AKO NGA PALA ANG JOWA MO nagkaamnesia ka ba?

O NAGSASAWA KA NA

Kaya naging unfair ka at di mo nasabing AYAW MO NA pala

Bakit kailangang patagalin pa

Intesyon mo bang magpaasa o

Pahulain ako kung TAYO PA BA o

baka naman intesyon mo MASAKTAN mo ko muna

Bago mo sambitin ang katagang "BREAK NA TAYO ,AYOKO NA"

Yun ba!

Pasensya na kung ganyan ako magsalita

Hindi mo kasi alam na kulang nalang para na akong si SISA

Na nababaliw

Pilit hinahanap ang salitang IKAW sa TAYO PA

nagtatanong

Kung nasan ka na ba

Nagiisip na baka

naligaw ka na

Kaya't di mo na makita ang daan

Sa direksyong MAY TAYO PA

kaya pati ORAS MO na dapat kusa mong ibibigay ay hindi mo na maibigay pa At ang kahit konting effort para sa relasyon nating dalawa ay wala na Hindi ba't TAYO PA?

PERO BAKIT

BAKIT PARANG HINDI NA!!

Sabihin mo naman sakin

Kung itutuloy pa ba natin toh

O ITITIGIL NA

kasi ang hirap magpatuloy sa SALITANG TAYO PA

kung IKAW mismo ay HINDI NA INTERESADO PA

At konti nalang BIBITAW NA

-💔-

Magustuhan nyo po sana ket panget gawa😅

1
$ 0.00

Comments