0
17
Kung ang pipiliin mo ay yung taong mas mahal niya ang Diyos kaysa sa'yo
Yung uunahin niya ang paglilingkod
Kaysa sa'yo
Yung mas mahalaga ang kahalalan niya
Kaysa sa'yo
Yung taong may malasakit sa tungkulin mo
Yung hihikayatin ka sa kasiglahan
Hindi nababakbak ang pananampalataya
Hindi siya natitinag
Yung kahit anong mangyari
Mawala man ang lahat lahat sa kaniya
Huwag lang ang pag-ibig ng Diyos sa buhay niya
Yun ang masasabi mong kaloob sa'yo
Yung pinakamagandang regalo
Na hindi kayang pantayan ng kahit na ano
Kahit naghintay ka man ng matagal
Pero sigurado ang pinili mo
Kaya pumanatag ka
Dahil sa pinakaangkop na panahon
At pinakaakmang pagpapasya
Ipinagkaloob ang tamang tao para sa'yo
Yung itinakda para makasama mo
Ang kapalarang pinili ng Diyos para sa'yo
Ang sagot sa mga panata mo🙏