Pumupulot ng mga tira tira galing sa basura,
Upang pakalmahin ang kumakalam na sikmura,
Walang pakealam sa amoy na nakakasuka,
Basta't makakain lang at iyon ang mahalaga.
Sa may lumang gusali ay may nakasilip,
Nagtitiis ang dalawang binatilyo sa espasyo na masikip,
Tila nagtatalo kung sino ang mauunang lumapit,
Sa tulad kong hindi malaman kung kulang ba sa pag-iisip.
Pinagmasdan sila na parang wala lang,
Hindi ko ramdam ang pag-aalinlangan,
Habang unti-unting papalapit sa aking harapan,
At dahan dahang hinahawakan ang aking bewang.
Tuloy tuloy lang ang pagkain ko,
Ngunit ramdam ko na tila may isang bagay na kung ano,
Na siyang ipinapasok sa gawing ibaba ng likuran ko,
Sa una'y akala ko lang kung ano kaya naman hinayaan ko.
Nang biglang hinila ako ng mabilis palayo,
At dinala sa lugar na hindi gano'n kalayo,
Akala ko sila ang aking mga kalaro,
Dahil narinig ko na sinabi ng isa na--
"Dito tayo sa tago, para hindi tayo mahuli ni Ambo."
Tagu-taguan maliwanag ang buwan,
Wala sa likod wala sa harap,
Pagkabilang kong sampu nakatago na kayo,
Isa, dalawa, tatlo....
May matulis na tumusok sa'kin kaya ako napatayo.
Mayroon sa harap at mayroon sa likod,
Bigla akong napaiyak at napaluhod,
Hindi ko alam ang nangyayari
sila'y akin lang pinanonood,
Nais kong kumawala ngunit para akong matanda--
Na kung lumakad ay uugod ugod.
Katawan ko ay tila pagod na pagod,
Patuloy ang labas pasok sa katawan ko
ng dalawang malalaking uod,
At para ba'ng paligid ko ay lumilindol,
Hindi ako makasigaw sapagkat ako'y nabubulol.
Hindi ko alam kung ano ang aming nilalaro,
Bakit parang nasasaktan ako at napapaso,
Lakas ko ay unti-unting nauubos,
At ang balat ko'y parang nalalapnos.
Sa sobrang sakit ng pagkakapasok ng kung ano,
Bigla nalang nagising ang natutulog kong mundo,
Ang mga bagay na nasa paligid ay natutukoy ko,
Maski ang pangalan ng mga kalarong inakala ko.
Sumigaw ako ng pagkalakas lakas,
Naging dahilan upang ang pagkakahawak ay makalas,
Kinuha ang pagkakataon para ako ay makatakas,
Sa dalawang binatilyo na parang sinapian ni Satanas.
Tinawag ko ang pangalan ng aking asawa,
Naging dahilan para ako'y mapuntahan niya,
Agad na tumambad sa harapan niya,
Ang katawan kong binaboy at ang duguan kong palda.
Nagsumbong ako kay Ambo, aking asawa.
Tyaka itinuro ang dalawa na sa'kin ay gumahasa,
Hindi sila nakatakbo sapagkat sila ay nakupot,
Wala ng kawala kahit saan pa sila umikot.
Idinampot sila ng mga kapulisan,
At aking isinalaysay sa kanila ang naging kaganapan,
At sinabi na iyon din ang naging dahilan,
Kung bakit ako ay bumalik sa dating katinunan.
Bago ko sila nilisan ay mayroon akong binitawan,
Katagang tatatak sa kanilang isipan.
"Salamat sapagkat ibinalik niyo ako sa katinuan,
ngunit hindi ko kayo mapapatawad!
Mabubulok at mamamatay kayong inuuod sa loob ng kulungan! Mga lapastangan! Binaboy niyo ang aking katawan!"