Revenge

3 21

5 years old

"Siya ba 'yong sinasabi nilang batang malas?"

"Oo siya nga! Tara na lumayo na tayo bago pa tayo mahawa ng kamalasan niya!"

"Mag-uumpisa na rin pala siyang mag-aral."

"Nakakainis naman! Sana inisip nila kapakanan nating lahat."

"Anak, wag ka lalapit sa batang 'yan!"

"Ikaw din, anak. Wag ka makikipaglaro r'yan baka mapahamak ka."

Unti-unti kong pinanood paglayo nila saking lahat. Bumubulong pero halatang sinasadya nilang marinig ko. 

Bakit sila natatakot sakin? Ano bang nagawa ko? 



12 years old

Pinanood ko ang saya sa muka ng mga kaklase ko sa pagraduate nila. Sa aming lahat ako lang ang hindi nakapasa.

"Siya ba 'yong bata?"

"Oo siya, hindi pala siya nakapasa."

"Buti nga sa kanya! Sabi ng anak ko napakatigas daw ng ulo niyan. Napakabobo pa raw at simpleng bagay hindi maintindihan. Ilang beses nga raw 'yan kumuha ng test."

"Ilang beses kumuha pero hindi pa rin nakapasa. Grabe naman!"

"Mabuti nga 'yan dahil ayokong makasama siya ng anak ko!"

"Aba, ako rin 'no!"

"Bakit pa kasi sinusuportahan 'yang batang 'yan. Hindi na dapat nila 'yan pinag-aaral pa!"

Malungkot akong nakaupo sa isang tabi habang pinaparinggan nila. Naguguluhan ako dahil sa inaasal nila para sakin. Mahina nga ako sa pag-aaral pero pinipilit ko.

"Roscoe, ikaw lang hindi nakapasa sainyong lahat. Magsa-summer class ka! Haynako, napakaabala mo talagang bata ka. Bakit kasi ako pa binigyan ng trabaho para turuan ka. Bobo ka namang bata at kahit anong turo wala kang maintindihan. Pati ako nadadamay sa kamalasan mo!" Reklamo ni Sir Gerald.

"P-Pasensya na po kayo, Sir. Promise po mag-aaral nakong mabuti! Gusto ko pong maging successful sa buhay at yumaman." Lakas loob kong sabi dahil 'yon ang totoo.

"Nako! Nangarap ka pa, sa malas mong 'yan tingin mo aasenso ka? Puro kalokohan pinaggagawa mo! Nanggugulo ka sa buong bayan natin!" 

Napayuko dahil don, totoo kasing nanggugulo nga ako. Pero ginagawa ko lang 'yon para mapansin nila ko. Gusto makita nilang isa ako sa nabubuhay sa mundong 'to. Ayokong palagi lang nila akong nakikita bilang malas na bata.

"Makaalis na nga! Minamalas ako sa'yo! Magkita nalang tayo ulit sa lunes." 

Pinagmasdan ko ang paglabas niya bago ako sumunod. May kasabay na siya ngayong iba pang teacher. Nasa medyo malayo nila ako pero sapat na para marinig ko pinag-uusapan nila.

"Malas mo naman, p're."

"Oo nga, napunta ka pa sa batang 'yon." 

Nagtawanan ang dalawa habang galit si Sir Gerald at tahimik lang si Sir Vincent. Nalungkot ako dahil ayaw nila sakin.

"Tsk! Tuturuan ko ng leksyon ang batang 'yon. Hahayaan ko rin siyang matutong mag-isa. Hindi naman nila ako sisisihin kapag ganun ginawa ko. Kahit anong mangyari ako pa rin kakampihan ng mga tao at hindi 'yong malas na batang 'yon."

"Palibhasa walang magulang kaya ganun ang ugali, tsk!"

"Wag kana magtaka kung bakit wala siyang magulang! Malas kasi talaga siya, napakamalas ng magulang niya. Dapat 'di na nila 'yon binuhay!"

"Tumigil na kayo." Seryosong sabi ni Sir Vincent.

Natigilan ako dahil don 'tsaka pinagmasdan si Sir Vincent. 

"Bakit kinakampihan mo 'yong batang 'yon? Wag mo sabihing naaawa ka sa kanya, Vincent." Sabi ni Sir Gerald.

Inayos ni Sir Vincent ang salamin niya.

"Hindi naman. Kaya lang sa inaasal niyo parang wala kayong pinag-aralan. Trabaho nating turuan sila, kapag hindi sila natuto tayo ang may problema. Wag niyong isisi sa kamalasan, baka hindi lang talaga kayo magaling magturo." Seryoso niyang paliwanag bago naunang umalis.

Namangha ako kay Sir Vincent dahil don. Hindi niya ako pinagtanggol pero natutuwa ako dahil naiintindihan niya katulad ko. 

Simula nung araw na 'yon mas nagpursigi ako mag-aral. Gusto ko makahabol sa mga kaklase kong gumraduate na. 

"S-Sir Vincent, bakit po kayo 'yong nandito?" Tanong ko. 

Kakarating ko lang sa loob ng silid kung saan ako magsa-summer class. Siya ang naabutan kong nagsusulat sa blackboard. Binalingan niya ako bago inayos salamin niya. 

"Ako ang naatasan para magturo sa'yo." Seryoso niyang sabi bago nagpatuloy sa pagsusulat.

Naglakad ako palapit sa isang arm chair, "po? Pero bakit po?"

Bumuntong hininga siya at humarap ulit sakin.

"English major si Sir Gerald mo, naisip ng head na mahihirapan ka lalo. Filipino Major ako kaya tingin nila mas maiintindihan mo ako." 

"Talaga po?" Masaya kong tanong na ikinatango niya. 

Tumikhim siya, " gusto kong sabihin sa'yo lahat ng kahinaan mo, Roscoe."

Tumango ako, "saan po ba ako mahina?"

Inayos niya ulit salamin niya at tumalim ang mata, "sa lahat!" 

Napalunok ako dahil sa takot sa kanya. Sa totoo lang, nakakatakot si Sir Vincent dahil teacher ko rin siya. Pero sa lahat ng teacher, siya 'yong kahit pagtripan ko hindi naganti o nagagalit. Hinahayaan niya lang ako at pinagpapasensyahan lang. Minsan pa nga narinig ko pa siyang pinagsabihin ng isang teacher dahil sakin.

"Pagbuhatan mo kasi ng kamay para hindi ka pagtripan. Wala namang magagalit sayo kung gagawin mo 'yon."

"Alam mo, kung papatulan ko ginagawa nung bata, parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanya. Ayoko bumaba sa lebel niya dahil professional ako. Isa pa, kapag hinayaan mo siya kusa rin siyang titigil. Mapapagod din siya dahil alam niyang hindi natalab sayo ang ginagawa niya." Seryoso niyang sabi bago inayos salamin niya. 

Sobrang cool niya sa totoo lang. Hinahangaan ko siya dahil don at gusto ko maging katulad niya. Hindi ako nawawalan ng pag-asa kahit ayaw sakin ng mga tao. Kahit papano naman may nakakaisip pa rin na hindi ako malas. 



16 years old

Nakagraduate ako ng highschool dahil sa tulong ni Sir Vincent. Mula noon palagi niya akong tinuturuan. Hindi pa rin nagbago tingin sakin ng tao. Pero hindi na mahalaga 'yon dahil nandyan si Sir Vincent na naniniwala sa kakayahan ko. 

"Saan mo ba gusto magcollege?" Tanong niya isang gabi.

Simula noon dito niya ako pinatira sa bahay niya. Siya gumagastos para sakin, hindi pa rin siya nagbabago seryoso at magagalitin pa rin. Pero syempre, nadadaan ko siya sa biro ko.

"Naisip ko po, Sir. Gusto ko na pong magtrabaho nalang kaysa mag-aral— aray!!"

Hinampas niya ako ng binilog na dyaryo. Napakamapanakitniya talaga kahit kelan. T^T

"Mag-aaral ka at magtatapos. Akala ko ba gusto mo maging successful at mayaman. Hindi matutupad 'yon kung hindi ka magtatapos. Kung gusto mong matanggap ka ng lahat, umayos ka. Ipakita mong suswertehen ang batang tinatawag nilang malas." Sabi niya habang seryosong inayos ang salamin niya.

Napangiwi ako dahil habit niya talagang gawin 'yon habang nangangaral. Pero, naisip ko na tama siya. Balang araw makikita ng lahat na hindi ako malas.

"Mag-aaral ako at magtatapos! Magiging successful at mayaman ako!" Nakangiti kong sabi sa kanya. 

Lumalakas loob ko palagi at dahil 'yon sa pangaral sakin palagi ni Sir Vincent. Sobrang saya ko dahil nakilala ko ang kagaya niya.

Nagsimula na nga ako magcollege, kahit papaano may naging kaibigan naman ako. Sila ang kasama ko palagi at hindi ako iniiwan. Sila lang 'yong naniniwalang malas ako pero nasama sakin. Naniniwala rin kasi silang ang kamalasan sariling gawa ng tao. 

Isang gabing umuwi ako ay wala si Sir Vincent dahil may pupuntahan daw. Kumain at nag-aral lang ako saglit bago nagdesisyong matulog. Nagmumuni ako sa kama ko at nag-iisip ng may makita akong anino sa paanan ko. Hindi ko kita ang muka niya pero alam kong may balak siyang masama.

Napaupo ako sa higaan ko, "s-sino ka?"

"MALAS KA! DAHIL SAYO NAMATAY ASAWA AT ANAK KO! SINABIHAN KO NA SILANG WAG KANG KAKAUSAPIN PERO HINDI SILA NAKINIG! N-NGAYON— N-NGAYON, W-WALA NA SILA! IKAW ANG MAY KASALANAN! NAMATAY SILA DAHIL SAYO! DAPAT KA RING MAMAMATAY! HINDI KANA DAPAT PANG HINAYAANG MABUHAY!" Galit niyang sigaw.

Nanlaki ang mata ko dahil don. 

"B-Bakit ako? W-Wala akong ginawang masama. B-Bakit ba ang tingin niyo saking lahat malas. Para akong virus para sainyo na dapat layuan." Nakaramdam ako ng galit habang sinasabi 'yon.

"MATAGAL NATONG TINATAGO NG LAHAT! ALAM MO BA KUNG BAKIT WALA KANG MAGULANG?! DAHIL MALAS KA! HINULAAN NA DATI ANG 'YONG INA NA WAG KANG IPAGBUNTIS! MAMALASIN LANG SILA DAHIL ANAK KA NG DEMONYO! HINDI KA NAMAN ANAK NG ASAWA NG INA MO! PERO IMBES NA SUNDIN IPINANGANAK KA PA RIN! DAHIL SA KAMALASAN MO NAMATAY PATI MGA MAGULANG MO! MALAS KA! IKAW PUMATAY SA KANILA!"

Nangilid ang luha ko dahil sa nalaman. Umiling ako ng umiling, ayoko maniwala. Kaya ba ganito turing sakin ng lahat? Totoo ba 'yon? Pero, baka nga totoo? Kasi kung hindi, bakit wala nga akong magulang. 

"MAMAMATAY KA!!" Malakas niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang patalim sa liwanag ng buwan. Napaatras ako sa higaan dahil don. Nakaramdam ako ng matinding takot. Paano na pangarap ko? Hanggang dito nalang ba talaga ko? 

Pumikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Narinig ko ang paglapit niya at tunog ng pagsaksak niya sakin. Ilang minutong katahimikan ang nangyari bago ako nagmulat ng tingin. Wala akong maramdamang sakit, pero bakit?

Pagmulat ko ng mata bumungad sakin si Sir Vincent. Natulo ang dugo sa bibig at dibdib niya, ang patalim mula sa likod ay nakatagos sa harapan niya. 

"S-Sir V-Vincent, b-bakit?" Naiyak kong sabi.

"P-Pasensya kana, h-hindi d-dapat kita iniwan m-mag-isa." Sabi niya bago siya umubo ng dugo.

"S-Sir! D-Dadalhin p-po kita sa h-hospital—"

Pinutol niya ako agad, "W-Wag na, m-mukang h-hindi r-rin a-aabot."

Napaiyak ako lalo habang nakatingin sa kanya.

"K-Kasalana ko 'to! P-Pati kayo nadamay sa k-kamalasan ko!" 

Sa unang pagkakataon ngumiti si Sir Vincent sakin. Lalo akong nakaramdam ng galit dahil don. Bakit kailangan siya pa? 

"S-Sana h-hindi na k-kayo h-humarang! S-Sana h-hinayaan niyo n-nakong m-mamatay! M-Malas ako! K-Kasalanan ko kung b-bakit n-namatay m-magulang ko t-tapos n-ngayon p-pati k-kayo," nanghihina kong sabi habang naiyak.

Umubo ulit siya ng dugo pero wala akong magawa kung hindi ang tumingin. Naririnig ko ang sirena ng pulis at ambulansya sa labas pero wala akong pakealam. Hinawakan ni Sir Vincent balikat ko kaya napatitig ako sa kanya.

"H-Hindi k-ka m-malas, R-Roscoe. G-Gusto l-lang p-paniwalaan ng l-lahat 'yon p-para m-may m-masisi—" napaubo ulit siya ng dugo. "T-Tandaan mo, ang k-kamalasan ay g-gawa ng t-tao. W-Wag m-mong h-hayaang m-matulad k-ka sa k-kanila. T-Tuparin m-mo p-pangarap mo at i-ipakita na s-swerte ka sa b-buhay—" umubo ulit siya ng dugo.

"Tama na po, Sir. W-Wag na po kayong magsalita." Naiyak kong sabi habang pinagmamasdan siya.

"K-Kapag s-successful k-kana 'tsaka mo s-sila g-gantihan. G-Gumanti ka sa p-paraang g-gusto m-mo. M-Mabait k-kang b-bata, m-marami ka p-pang m-maaabot. W-Wag mo n-nakong i-isipin pa. K-Kung g-gusto m-mo b-bumawi s-sakin, t-tuparin m-mo p-pangarap mo—" umubo siya ulit ng dugo bago inayos ang salamin niya. Unti-unti ay bumagsak sa balikat ko ang ulo niya.

Tinapik ko balikat niya para gisingin siya. May mga nagsipasok na taga hospital at pulis sa kwarto. Hindi ko sila pinansin at tinapik lang si Sir habang patuloy sa pag-iyak.

"S-Sir! G-Gumising po k-kayo! P-Please, k-kayo n-nalang m-meron ako, b-bakit n-niyo pa ko i-iniwan?" Nanlalambot kong bulong.

Pagkatapos ng gabing 'yon para akong nawalan ng buhay. Maraming tao ang nakiramay para kay Sir. May mga naririnig pa rin akong paninisi mula sa kanila pero wala akong pakealam. Pagod nako makinig sa kanilang lahat. Pagod nako sa lahat pero hindi ako pwedeng mamatay. Kailangan ko tuparin pangako ko kay Sir Vincent. 

Galit ako sa lahat ng tao. Ipapakita ko sa kanila na makakatapos ako. Sinisigurado kong gaganti ako sa kanilang lahat. Sa lahat ng taong nangmaliit, nang-alipusta, nagtangkang patayin ako, mga nanakit sakin. Sa kanilang lahat! Gagawin ko lahat para maganti ako sa kanilang lahat.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap niya. Nandito ako sa sementeryo kung saan inilibing si Sir Vincent. Mapakla ako tumawa bago tumingala sa langit. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim.

"Hamakin niyo 'yon, nagawa niyo mangaral ng mahaba bago mamatay. Nagawa niyo ring ayusin salamin niyo." Napangisi ako.

"Sir, salamat sa lahat. Hindi ko na iisa-isahin, alam niyo na 'yon. Alam kong kung nasaan ka man ngayon dala mo pa rin mga pangaral at salamin mo. Palagi niyo pa rin sana akong gabayan. Tutuparin ko pangako ko sainyo, asahan niyo yan. Gaganti ako sa paraang gusto ko. Gaganti ako sa kanilang lahat. Hintayin niyo 'yon tutal kayo naman nakaisip nun." 

Binalik ko ang tingin sa lapida niya, kinuha ko sa bulsa ang salamin niyang laging suot. Inilapag ko 'yon sa lapida niya katabi ng bulaklak 'tsaka namulsa.

"Wag ka mag-alala, hindi ka malulungkot mag-isa. Dadalawin kita palagi, tandaan mo 'yan." 

Tumalikod ako at naglakad habang nakaway sa kanya. 

Aalis nako sa lugar nato pero sisiguraduhin kong pagbalik ko successful nako. Babalikan ko silang lahat, gaganti ako sa ginawa nila sakin.



25 years old

Pinagmasdan ko ang labas ng malaking covered court paglabas ko ng sasakyan. Tinagilid ko ang ulo ko bago pumasok don. Lahat ng taong nandon ay napatingin sa akin. Ang iba nagtataka habang ang iba naman ay kilala ako. Nag-umpisa na naman ang bulungan dahil sa pagbalik ko. 

"Yo!" Bati ko ng nakangiti.

May matandang uugod ugod ang lumapit sakin. Pinagmasdan niya ako bago hinawakan ang kamay ko. 

"N-Nandito ka ba para tulungan kami?" Nanginginig ang kamay nitong sabi.

Sumeryoso ako, "Hindi." 

Nalungkot ang muka ng matanda dahil don, napangiti ako sa reaksyon niya.

"Hindi kayo nagkakamali, Lola." Natatawa kong sabi bago nagbless sa kanya.

Naiyak siya dahil sa tuwa at halos halikan ako. Sa totoo lang, nabalitaan ko lang na may nangyaring hindi maganda sa bayan nato. Nasunugan silang lahat, imposible pero totoo, sinadya raw 'yon sabi ng iba. 

Sinenyasan ko ang mga kasama para ipamigay ang mga dala ko. 

"Bakit mo 'to ginagawa? Alam naming marami kaming kasalanan sa'yo. Anong motibo mo? Anong balak mo? Gusto mo bang ipamuka sa amin na swerte ka habang kami minalas!" Lakas loob na sabi ng isang lalaki.

Natahimik ang lahat dahil don.

"Oy, tumigil ka nga, pasalamat kana lang dahil tinulungan tayo." Suway nung isa sa kanya.

Natawa ako, "Sa totoo lang, galit ako sainyong lahat. Dahil sainyo, nawala ang kaisa-isang taong tinanggap ako. Taong hindi ako tinuring na malas o salot. Kayo ang pumatay sa kanya, hindi ang pagiging malas ko."

Napayuko ang ilan sa kanila dahil don. Sumeryoso naman ako habang inaalala ang nangyari 9 years ago.

"Marami akong dahilan para gantihan kayo. Makita ko lang kayong nagdurusa ngayon sobrang saya ko na. Ang malas na tinatawag niyo noon, sobrang swerte na ngayon. Pero alam niyo, ang kamalasan tao lang gumagawa niyan. Sarili niyo lang kalaban niyo, sinisisi niyo lang ang iba dahil 'di niyo tanggap na kahit anong tawag niyong malas sa kanya, nagagawa pa rin niyang ngumiti araw-araw."

"N-Nagsisisi kami sa nagawa namin. Sana mapatawad mo pa kami." Hinging pasensya ng isa.

Nagkaingay dahil halos lahat sila humingi ng pasensya. May mga nag-umpisa ng umiyak dahil don. 

"P-Pero bakit mo kami tinulungan? Hindi ba dapat gantihan mo kami? Pahirapan pa lalo katulad ng ginawa namin sa'yo?"

Ngumiti ako ng matamis sa kanilang lahat, "Naganti nako sainyong lahat. Ang pagtulong sainyo ang paraan ko ng pagganti."

Nagkatuwaan kami ng mga tao bago ako pumunta sa puntod ni Sir Vincent. Nagsindi ako ng kandila 'tsaka namulsa ulit sa tapat niya. Tumingala ulit ako sa langit at ngumiti.

"Successful at mayaman nako, Sir. Dito na rin ako titira ulit para mapuntahan kita lagi. Nalungkot ka ba nung mga panahong minsan lang ako makapunta? Napanaginipan ko kasing naiyak ka, muntik nakong maniwala kaso lang hindi mo gawain 'yon. Kung hinampas mo pa ako, pinangaralan habang inaayos salamin mo baka naniwala pa ko." Natatawa kong sabi bago tumingin sa lapida niya.

Yumuko ako at kinuha salamin niya para linisin bago ibinalik sa pwesto.

"Katulad ng sinabi mo, gumanti nako. Gumanti ako sa paraang gusto ko. Tinulungan ko silang lahat dahil iyon ang paraan ko ng pagganti. Salamat sa'yo, Sir

4
$ 0.00

Comments

Pag binato ka ng bato.. batohin mo ng tinapay.. that is revenge for me. Nice article.. keep up the good work..

$ 0.00
4 years ago

Done subscribing.. subscribed back thank you

$ 0.00
4 years ago

You can never tell what life is ahead of you..

$ 0.00
4 years ago