Pov

0 8

Lyze PoV,

"Ahhhhhh!" Rinig naming tili mula sa...

"C.r?" Sabay pa naming sambit ni Kyato at nagkatitigan na parehong nagtataka.

"Si Tanda ba yun?" Nalilito kong tanong.

"Masyado namn atang naging babae ang tili niya kung ganon" umiiling na saad niya at ipinatong ang bag na kanina pa niya karga.

Nagsususpetsa na ako sa kunehong yan ha, siguro hinihypnotize niya si Kyato kailangan kong mapalaya si Kyato sa kuneho ni Ate Niah.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi parin nakakabalik si Tanda. Ang tagal naman ata niya magbanyo siguro nanood pa yun ng ano sa Cellphone niya tsk.

Napatingin ako kay Kyato at busy lang ito sa paglalaro ng kuneho sa sahig. Makaalis na nga tsk attention seeker na kuneho.

Napagpasyahan kung tumayo at sundan si Uno sa banyo baka nilamon na yun ng kubeta. Pag nangyari iyon wala kaming sisisihin kung bakit wala kami ngayong stock ng pagkain.

Pagkapasok ko ng pasilyo papuntang banyo ay parang may naaninag akong babae ata to, na ginigising ang isang lalaki na nakahandusay.

Binilisan ko ang pagtungo sa kinaroroonan nila at doon ko nga nakomperma na si Tanda ang nakahilatang lalaki sa tapat nitong kubeta, dahan dahang napaangat namn ng tingin ang babae na nakasquat ng upo malapit kay Tanda.

Nagkatitigan kami at "Ahhhhhhh/Ahhhhhhh Kyatooo!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw kaya napasigaw din ako, tinawag ko pa si Kyato kasi mukhang wala sa katinuan ang babaeng to wahhhhh tulong.

Zenniah PoV,

Pilit kong ginigising ang lalaking napalo ko ng tabo sa mukha, nako hindi namn ganon ka lakas yung pagpalo ko ah.

Sigurado ka jan Sofia eh halos mamaga na ang mukha niya sa marka ng tabong inihampas mo sa kanya, huhuhu sorry ok hindi ko namn sinasadya eh kasi nmn bakit ba siya nanloloob ng banyo anong makukuha niya dito? Imported shampoo at sabon ni King.

Tinampal ko siya sa pisngi pero hindi talaga siya nagigising nmn eeee gising na!!!

Napatigil ako sa paggising sa misteryosong taong ito ng maramdaman kong may parang nakatitig samin, nakita kong may pares ng sapatos sa aking harapan kaya dahan dahang inangat ko ang aking paningin at matagal kaming nagkatitigan wahhhhh another strange mannn nanaman bakit ngayon pa sila nanloob kung kailan wala yung supladong hari na may ari ng Condong ito?!

Gague may nanloloob ba na may tao pa sa bahay? Tangek ka din noh baka akala kasi nila wala ng tao kasi naka alis na si King, "ahhhhhhhhh" sigaw ko sa kanya na ikinasigaw din niya aba siya pa natakot.

Tumayo ako at itinapat sa kanya ang hawak kong tabo" Wag kang lalapit kung hindi papaluin din kita ng tabong to hindi ako nagbibiro!" Banta ko sa kanya habang unti unting humahakbang palampas sa kanya.

Siya nmn ay parang didikit na sa pader tss takot na siya sa tabo? Duwag pero its much better na.

Kingggg bwesit ka ba't mo iniwang bukas ang pinto pisteng yawa ka! kaya mabilis sila nakapasok tuloy.

Ng makalampas ako sa kanya ay kumaripas ako ng takbo palabas nitong pasilyo dinaig ko pa kidlat sa bilis ng takbo ko, pagkarating ko ng sala ay hinanap ko ka-agad ang telepono kailangan kong humingi ng tulong kahit sino na, na pwedeng tawagan mapa 911 o 163 man basta I need help.

Inabot ko sa gilid ng TV ang telepono at madaliang nagdial ng numero pero ng pagcall ko ay hindi nagriring, what the?

Hinanap ko ang linya ng telepono at sinundan ng tingin ito hanggang sa saksakan pero hindi ito nakasaksak sa halip ay nasa kamay ng isang lalaki ulit? Ang dulo ng saksakan.

Ow common ilan ba talaga silang nadito hindi man lang ako ininform na magnanakaw pala sila ngayon hindi ko tuloy na check ang schedule kung ilan silang may appointment putek.

"Sino ka?!!"tanong ko sa kanya ahuhuhu baliw nagtanong kapa.

" Ikaw dapat tanongin ko niyan" walang ka-emo-emosyon na tanong niya rin sakin habang humahakbang palapit, King the second ba siya? Kamalasan nga namn.

Tumakbo ako patungong hagdanan at binangga siya para makadaan ako, Mamaaaa tulong.

Pagkarating ko ng aking kwarto ay madaliang isinara ko kaagad ang pinto at inilock ito ng tatlong beses para hindi sila makapasok, hoo kailangan kong maghanap ng paraan para makalabas dito dahil ano mng oras ngayon pwede nila akong pasukin kung gugustuhin lng nila.

Think Sofia! think, napatitig ako sa tabong hawak ko pa pala. Kaya ko to hinawakan ko ng mahigpit ang hawakan ng tabo gamit ang dalawa kong kamay, ako si Zen at isa akong Hemenez humanda kayo

1
$ 0.00

Comments