Panakip butas

0 9

Panakip Butas"

Naranasan niyo na bang umibig? 
Umibig sa isang tao na ang puso niya ay sa iba nakapintig? 
Na akala mo ikaw ang nagustuhan dahil ikaw ang palagi niyang kasama
Pero, ang totoo ikaw ay ginawang panakip butas lang pala

Walang araw na hindi kayo magkasama
Walang araw na hindi ka niya pinasaya
Walang araw na hindi ka niya kinumusta
At walang araw na hindi ka pinagsabihan ng mahal kita

Ang lakas ng loob niyang ipinaramdam sa iyo
Ang totoo ay ikaw lang pala ay niloko
Niloko sa kasinungalingang ikaw ay mahal niya
Pero ang masakit pampanakip butas lang pala

Panakip sa puso niyang minsan nang tinalikuran
Panikip sa puso niyang minsan nang nasaktan
Hindi man lang siya nakapagtanto
Na sa kanyang panloloko meron siyang nasaktan na isang tao

Isang taong handang gawin ang lahat para siya'y mapasaya
Isang taong handang dumamay sa kanyang mga problema
Isang taong minahal siya ng totoo
Pero ang masakit dahil ang isang taong ito ay kanyang niloko

Kaya, tama na sa mga panglalambing
Tama na sa pagpapanggap na nakakaduling
Dahil alam na ang buong katotohanan
Na ikaw ay ginawa niyang pang option lamang.

1
$ 0.00

Comments