Napkin

0 2

Maaa" tawag ko kay mama, nakakainis dko alam na magkaka meron ako ngayon.

"Ano yun?" Tanong sakin ni mama, kasalukuyan syang nagluluto ngayon sa kusina.

"Bili mo kong napkin, meron ako ngayon" sabi ko kay mama, paniguradong bago nya muna sundin ang utos ko ay sesermonan nya muna ako.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, nakikita mo nmn na nag luluto ako, papabilhin mo pa ako" sermon ni mama saakin, sabi ko na nga ba.

"Bilis na ma" pagmama kaawa ko kay mama, habang nag papacute sakaya, pero dko na kailangan, matagal nakong cute at maganda, charot!

"Di na uubra ang ganyan mo sakin Hannah ahh, bumili kana don" masungit na sabi sakin ni mama, napanguso nalang ako, kahit kailan ang init lagi ng ulo ni mama.

"Kumuha kana lang don sa wallet ko, bumili ka ng dalawang napkin" wala nakong choice, kundi sundin ang sinabi ni mama, kung marunong lang ako mag luto, ako na gagawa nun.

Sana nmn di ako tuluyang matagusan sa labas dba?

Lumabas na ako at naglakad, lumapit agad ako sa malapit na tindahan.

"Ate, pabili nga po ng modess dalawa" sabi ko.

"With wings, or non-wings?" Tanong sakin ng tindera.

"Non-wings po" sabi ko, malamang nmn na with wings, edi lumipad nako nun, charot!

Binigay ko na ang pera, pagkakuha ko ng napkin, ay naglakad na ako para umuwi, ng may kumalabit saakin.

Nagulat nalang ako ng paglingon ko, ang gwapong kapit bahay lang naman namin na si Bryan ang nasa harapan ko ngayon, in short yung crush kooo!

"A-ano yun?" Kinakabahan kong tanong sakanya, napapalunok pako.

"Yung napkin mo nahulog" sabi nya kaya napatingin nmn ako sa short ko, di nmn nahulog yung napkin ko ahh, nagtaka ako ng bigla syang tumawa, hala nabaliw na ata to, sayang gwapo pa nmn kaso may tama sa ulo.

"I mean, eto nahulog mo" natatawang sabi nya at inabot sakin ang napkin na binili ko, nakaramdam nmn ako ng hiya, ang tanga tanga mo Hannah, wala nga pala akong suot na napkin kaya nga bumili ako, gumagana na nmn ang katangahan ko.

"T-thankyou" nahihiyang sabi ko, kung ganito ba nmn ka gwapo ang mag aabot sayo ng napkin dba? Mahihiya ka jusme!

"Hannah right?" Nakangiting sabi nya saakin, nakaramdam ako ng onting inis, onti lang nmn. hanggang ngayon di nya parin alam ang pangalan ko? Tapos sya alam na alam ko, ok lang nmn.

"O-oo" yun nalang ang sinabi ko.

"Mahirap ba magkaregla?" Tanong nya saakin, kaya nagulat nalang ako, bakla ba sya? Ang akala ko pa nmn tatanungin nya kung ano ang number ko, paborito kong pagkain, at kung ano ano pa, tapos yan lang ang itatanong nya saakin?!

"Ahmm oo, lalo na kapag ikaw pa ang mismong maglalaba ng panty mo" natawa nalang sya sa sinabi ko, ano namang nakakatawa don, may sapi ba to? Sayang gwapo pa nmn.

"Alam mo nakakatawa ka, iba ka sa mga babaeng nakilala ko" natatawang sabi nya, napangiwi nalang ako, ginawa pa kong clown putek.

"Ahh ganun ba" sabi ko nalang at nagpilit ng ngiti, kahit naaasar na talaga ako.

"Buntisin nalang kaya kita para di kana mahirapan dyan sa regla mo" nagulat nalang ako sa sinabi nya, buntisin? Ay bet! Este putek?!

"A-ano?!" Gulat parin na sabi ko, ano bang pinag sasasabi neto.

"Nevermind, see you next time, Hannah" at kinindatan pako bago umalis, p-putek

1
$ 0.00

Comments