MARIHAP MAGING MAHIRAP👈
Sa estado ng buhay
Maswerte ka kung NASA itaas ka...
Mahirap nmn kpag NASA ibaba ka...
Mahirap maging mahirap ...
gigising sa umaga
Makakain ndi alam kung saan kukuha....
Kumakalam ang sikmura
Kumukulo at sabi ay gutom na ...
tagpi tagping bahay ay lilisanin
Upang makahanap ng makakain...
Khit madumi ayy papatusin
Upang gutom ay pawiin...
Mangangalakal ng basura
Para maibinta..
Upang pag uwi s pamilya...
May kunting pag kaing dala....
Masayang pag sasaluhan nah....
kung minsan ayy wala
Walng makain
Kaya gutom ay kilangang tiisin....
Matutulog na ang tiyan ayy gutom at ndi busog...
Ang tuhod ay kumakalog...
Mahirap maging mahirap
Kapos sa kabuhayan
Kapos s pinag aralan
Kaya trabahoy walang mapasukan...
Merong kasabihan
Na ndi hadlang ang khirapan..
Sa pangarap upang mapag tagumpayan.....
Pero mas inuuna nlng ang pumunta s basurahan..
Upang kumuha ng mapapakinabangan
At dalahin s bintahan...
Upang gutom khit kunti ay maibsan..
Kesa pumunta s eskwelahan...
Mas uunahin ang kumakalam n tyan ...
Kesa s bagong aral n matututunan.....
Sapagkat s pamumuhay ay malaki ang kakulangan...
Kaya maswerte ka kung ndi mo yan naranasan....
Mahirap LNG kami..
Salitang ndi ko ikakahiya s marami...
Handang mag sakripisyo
Upang maiba nmn ang estado...
Para ang pamilya ko...
Ay maiahon s khirapang ito.....
Mugtong-mugto na ang mga mata ko
Yung tipong hirap na hirap na kong idilat pa ito
Magdamag akong umiiyak
Ngunit parang walang balak humupa ang sakit na nadarama ko ngayon.
Tanging ingay ng orasan lang ang naririnig ko sa buong kwarto
Pero para itong duyan na marahan akong iniuugoy pabalik sa ating nakaraan
Ibinabalik ako nito sa kwento kung pano tayo nagsimula
Gaya ng iba..nag umpisa tayo sa pagka kaibigan
Hanggang sa tayo na ang nagkatuluyan.
Sobrang saya ko kase ikaw yung naging asawa ko.
Kase ikaw yung kasama kong tatanda
Ikaw yung kasama kong bubuo ng pamilya
Sobrang saya natin noon
Yung kahit na may mga problema
Nagagawa pa ren nating tumawa
At hanggang sa nagka roon tayo ng pagsubok.
Sa di malamang dahilan
Nagkaron ka ng...malalang karamdaman
Ngunit huli na nang ating malaman
Kitang kita ko sa mga mata mo ang kagustuhang mabuhay at lumaban
Kahit na alam kong hirap na hirap kana
Nakukuha mo paring ngumiti at tumawa
Pinanghihinaan na rin ako ng loob
Ngunit nagpapakatatag ako para sayo.para satin,ginoo ko
Hanggang sa hinang hina kana talaga
Mababakas na ang sakit at hirap sa mukha mo
Na kahit hindi ka dumaing o magsabi
Nararamdaman ko
Alam kong pilit kang lumalaban
Ngunit katawang lupa mo na ang sobrang nahihirapan
Masakit pero kelangan
Labag sa loob ko pero kelangan na kitang bitawan
'Mahal kung pagod kana,maari ka ng magpahinga' sambit nang utak ko
Na nais iparating ng aking puso
'Mahal kita' huling kataga mo bago ka malagutan ng hininga...
Humigpit ang kapit ng aking kamay sayo at sa sunod sunod na pagpatak nitong luha
Ay sya namang pagpikit ng iyong mga mata.
5 buwan tayo nagsama
At bumuo ng munting alaala
Akala ko iniwan mo kong mag isa
Ngunit muki akong nabuhayan ng pag asa
Mahal salamat sa magandang alaala na na iyong iniwan
Nag iwan ka ng panibagong buhay sa king sinapupunan
Nawala ka man,nag iwan ka naman ng anghel na nagpapa alalang hindi mo ko iniwang mag isa
Miss na miss kita
Pangako aalagaan ko ang anghel nating dalawa
" In sickness and in health,til death do us part " natupad natin ang ating sinumpaan..
Asawa ko,mahal kita hanggang kamatayan.
Masaya na kung mag-isa.
Tapos ngayon babalik-balik ka pa.
Ano, magsisimula na naman ba tayo sa una?
Tama na, masakit na.
Masakit na yung ginawa mo sakin.
Masakit na yung mga luhang resulta ng pag-iibigan natin.
Kaya tama na, nilalandi mo lang naman ako kapag bored ka.
Nilalandi mo lang din naman ako kapag may kailangan ka.
Pero pagtapos na, hindi mo na ako pinapansin na parang hangin.
Namulat na ako.
Mga mahal kita na sinasabi mo sakin ngayon ay nakakatuwa.
Para kang asong ulol na nagmamakaawa.
Kaya huwag mo na akong gawing tanga.
Dahil ako'y nagbago na.
Hindi na ito ang dating ako na naghahabol sayo.
Ito na ang bagong ako na kayang maging masaya kahit wala ka sa piling ko.
Mga convo natin noon, delete na ngayon.
Nakapagmove-on na ako at handa ng isampal sayo ang sinayang mo.
Ngayon lang ako nagising,
Na hindi lang pala puro ikaw ang umiikot sa mundo ko.
Kundi meron pang ibang mga tao katulad ng aking pamilya na minamahal ako ng totoo.
Kaya ko pala.
Kaya ko pala maging masaya kahit wala ka.
Kaya ko pala maging masaya kahit na nag-iisa.
Dedicated to sa mga taong nakamove-on na.💚