Mahal

0 15
Avatar for christoper
3 years ago

Iba ang saya pag barkada ang kasama

Kasama kahit saan man dakong mapunta

Dadamayan ka ano man ang problema

Ano man ang nais mo sila ay laging nakasuporta

Ngunit tila bakit iba ang aking nadarama?

Sa tuwing nakikita ka'y nakakaramdam ng kaba

Pag tayo'y nag uusap Di makasagot ng bigla

Ngunit pagtalikod sa isa't isa'y labis kung tumili at tumawa

Ako'y inip na inip na

Pagkat sa buong barkada'y sayo lang nakaranas ng kakaiba

Mga araw ay lumipas ngunit palaging ganun ang eksena

Humugot ako ng lakas para makausap ka

Napagtantong sakin ikaw din pala ay humahanga

Nagpasya tayong sabihin sa buong barkada kaya't sila'y napanganga

Sila naman ay natuwa

May love team na raw sa barkada

Nagkaroon ng TAYO

Mga sweet convos sa isa't isa ay palaging uso

Palaging lumalabas saan man ang gusto mo

Gulat pa nga ako, Streetfoods lang sapat na saiyo

Masaya't Kuntento tayo pareho

Hanggang Ang TAYO ay Maraming ala-alang nabuo

Dumating ang araw,tila gumuho ang aking mundo

Ikaw ay bigla nalang naglaho

Iniwan mo ako, sawa ka na ang sabi mo

Unti unting nawasak ang puso ko

At Nalaman kong ikaw at ang isa pang kaibiga'y may relasyon palang tinatago

Ang TAYO ay humantong nalang sa pagiging KAYO

Dati tayong magkaibigan na humantong sa pag-iibigan.... na di inaasahang mauuwi sa sakitan

Di na sana sumugal

Kung alam ko lang na di tayo magtatagal

Para tayong tula

Tulang di natapos isulat

Kailanma'y di nagkaroon ng pamagat

'Di rin nabigyan ng wakas na nararapat

Pilit mang ayusin ang pagkakaibigan

Ngunit nangingibabaw pa rin ang sakit na naranasan

Barkadang nangakong walang iwanan

Nawasak ng dahil lang sa letcheng pag-iibigan

4
$ 0.00
Avatar for christoper
3 years ago

Comments