Ldr

0 0

Relasyong langit at lupa ang pagitan
Dahil sa distansya ang dahilan
relasyong iniiwasan ng karamihan
dahil ito'y para daw sa matatag lang.
at para sa iba wala itong patutunguhan
dahil puro pangako lang kung minsan,
Ito ang relasyong puno ng sakripisyo
pagtitiis at pagtitiwala.

Relasyong puno ng paghihintay,
puyatan at minsan pagluha 
Yung tipong minsan mapapagod kana
pero di mo magawang sumuko
Dahil mas matibay ang pagmamahal mo sa kanya 
Yung tipong iiyak ka na lang 
Dahil miss na miss mo na siya.

Sa bawat araw na pagising mo
siya agad ang naiisip mo
Yung di mo ma'n lang siya makasama
Isang tawag o text niya lang 
Sobrang masaya ka na.
marinig mo lang yung boses nya sobrang kinikilig kana,
minsan may kontemg panginginig pa.
hindi dahil sa NABALIW kundi dahil sa BALIW ka sakaniya.

MALAYONG PAG-IIBIGAN
Para lang yan sa dalawang taong
Marunong makuntento.
at sa dalawang pusong kayang maghintay ng tamang tyempo.
MALAYONG PAG-IIBIGAN
Para lang sa taong Malayo 
ma'n ang mahal
hindi siya maghahanap ng iba.
at sa mga taong hindi hahanap ng atensyon pag nagkulang na yung isa.

at sa mga taong nagsasabing 
Ang LDR ay di magtatagal 
At sandali lang 
subukan niyong munang pasukin ito
Nang maintindihan nyo ang 
Sa loobin ko.
Hindi distansya ang basehan
Para masabi na ang isang relasyong ay pang matagalan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon nagiging problema ang distansya,
sapagkat isa itong suliranin kung saan susubok sa tibay ninyong dalawa.

sapagkat hindi porket magkalapit ay
masasabi na natin na ang relasyon
nila ay walang hanggan.
dahil nandyan ang pagkakataon na magkakasawaan may tampuhan at nauuwi sa hiwalayan.
sapagkat magkalayo man 
Maari pa ring maging matibay at masaya
dahil ang salitang kuntento
Ay nasa inyong dalawa.

Hindi porket magkalapit 
ay kayo na talaga para sa isa't isa
dahil may pagkakataon na ang landas niyo'y 
maaari ding mag iba .
hindi porket na uindi mo siya
Kasama ay may iba na .
dahil kung talagang mahal mo siya 
Magtitiwala ka ng walang
Pagdududa .

Oo
Magkalayo kayo.
hindi mo siya makasama,
Hhindi mo siya mayakap at mahalikan.
Pero matanong ko lang?
yun lang ba ang basehan ng relasyong pangmatagalan?
TANDAAN MO!
Hindi man kayo magkasama
Ang mahalaga 
Puso't isip niyo ay iisa 
at hinaharap niyo ang bawat bukas ng magkasama,
tangan ang pusitibong isipan na kayo'y magkikita.

yung sabay kayong lumalaban ng matatag para maipanalo
yung relasyong sinimulan niyo.
TIWALA LANG!
hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkalayo kayo,
dahil ang araw ay lilipas din
kapit ka lang at maging matatag.
dahil malay mo sa muling pagising mo
muka na niya ang iyong makita.

magtiwala ka! na katawan nyo lang ang magkalayo,
pero ang puso nyo'y tinitibok ay iisa.
magtiwalang magkikita din kayo sa tamang panahon. 
at wag magsasawang ang pag-iibigan ay ILATHALA,
makakamit nyo ang inyong hinihiling dumulog lang kayo kay BATHALA.

1
$ 0.00

Comments