Ama

0 13
Avatar for christoper
3 years ago

Para sa isang lalaki na laging nand'yan tabi mo
Isang lalaki na mala-estranghero
Lalaking magsa-sakripis'yo para sa'yo
At higit sa lahat siya ang taga-protekta mo.

Siya 'yong lalaking handang gawin ang lahat para sa ikakabuti mo
Handang isakripis'yo ang kan'yang buhay para sa kapakanan mo
Handang harapin ang mga pagsubok sa buhay 
At iingatan ka niya habang buhay.

Siya 'yong lalaking hindi iindahin ang pagod at puyat galing sa trabaho 
Kahit nahihirapan, 'di pa rin sumusuko.

Siya nga pala ang AMA na sinasabi ko
Ang ama na tumatayo bilang haligi ng tahanan
Tahanan na ating ginagalawan.

Patawad nga pala ama sa kasalanang aking nagawa 
Patawad dahil minsan sinasagot ko kayo
Minsan ang sama-sama ko sa inyo
Pero hindi pa rin kayo sumusuko
At nanatili pa ring nakatayo para kami ay gabayan niyo.

Salamat ama dahil sa inyo natuto akong tumayo sa sariling mga paa
Salamat ama sa walang sawang pagsuporta
Salamat sa walang pigil na paggabay sa'min
Salamat at kayo'y nanatili sa piling namin.

Hindi ka man tunay na isang superhero 
Pero para sa akin ikaw ang dabest tatay ko
Halos buong lakas iyong ibinibigay 
Para lamang kami ay mabigyan mo ng magandang buhay.

Kaya't AMA...

Magsisikap ako para naman masuklian ko ang paghihirap niyo
Sisikapin ko na makapagtapos ako
At makahanap ng magandang trabaho
Para sa pagdating ng araw 
Kayo naman ang pagsisilbihan ko
Hayaan mo ama na ako naman ang papalit sa inyo.

At balang araw ama makakamit ko rin ang tagumpay
Ang tagumpay na nagbubunga ng inyong paghihirap ni inay.

Kaya AMA salamat sa lahat ng iyong ginawa..
At salamat dahil napakabuti mong tao..


1
$ 0.00

Comments