Byahe ni Drew Kapag ito ang palabas humihinto ang mga anak ko sa paglalaro para lang mapanood si Drew. Siguro natutuwa sila dito at naku curious sa mga pinupuntahan nila. Nakakatakam din yung mga pagkaing pinakikita niya. Nakakahikayat ang mga lugar na pinakikita niya para mag byahe at mamasyal. Pero sa akin kahit dito na lang ako sa bahay. Hindi ako mahilig magbyahe na malayo dahil mahihilohin ako. Kahit pa inuman ng gamot baseball lang. Pareho kami ng bunso kong anak. Ang panganay ko lang ang hindi ang lakas sa byahe. Pumunta silang mag ama noon sa Baguio , sa layo ng byahe never nagsuka. Samantalang ang papa niya mahilo-hilo,ahe. Kaya enjoy-in ko na lang yung mga ganitong palabas para kunwari nandoon din ako.😅
4 comments
Kapag nakakapanood ako niyan sis para na rin akong nagtatravel.. nakakalibang at nakakatkam mga pagakain ni drew..😊
Yung pagkain nila kagabi, pares, tapos may bone marrow pa na sinabawan,ano kayang lasa? Ahe
Hindi mo rin kasi ma eenjoy sis pag ganun kaya stay at home nalang hehe.
Gusto Rin manood nitong Byahe ni Drew parang napuntahan mo na Rin ang mga lugar na pinupubtahan niya. Ang sarap lang magtravel-travel tapos may kainan lage hehe.