Post ko sana yung ulam ko kaso ayaw ma upload,ahe. Nakayari na ako maglaba mga kanoise. Tulog muna ako ng makabawi ng lakas. Sana bumuti ang panahon para masulit ang pagod Tabi kaming matulog ni bunso. Si ate nasa kusina naghuhugas ng pinggan. Kakayari lang kase naming kumain. Ulam namin ginisang tinapa na may dahon ng ampalaya.
@charol09 in August 2022
Nagpapaturo ako mag Binance kay mader. Kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya gora lang,ahe. Iyak na lang ako later kapag sawi, at ngumiti kapag tagumpay. Try lang ng try para matuto ng iba. Sa negosyo nga may pagkalugi. Kaya matutong tumanggap kapag talo. Luha lang naman katapat niyan,ahe. Lagi naman akong broken hearted kaya OK lang. Maglinis muna ako ng bahay Mamaya ulit
Tulugan na! Ayusin na ang higaan at matulog na. Ipaghehele ka ng hangin Upang tulog mo ay maging mahimbing. At ng ika'y kiligin sa kinabukasan dahil si crush sa panaginip mo ay kapiling,ayie! Goodnight po sa lahat! Bukas ulit mga kanoise. More post to us. Sipagan ng ang wallet ay magkalaman!
Umagang malamig ka Pilipinas! Kaginaw ng morning, ito ang feeling ulan sa magdamag ang naging sanhi, Sana sa maghapon ang sikat ng araw ay wag tumindi Nang ang gawain ay hindi katamaran Upang ang trabaho ay maging magaan at matapos din. Happy morning po. Never start your day with busangot face,ahe. Be kind. Even if others are not, Even if others will not, Even if others cannot,
Ang sakit ng katawan ko sa paglalaba kahapon hindi ako gumamit ng bangko dahil ang sikip ng labahan ko. Nakayuko lang ako kaya yung pwersa nasa hita at binti ko. Ang sakit tuloy ng mga muscle ko sa parteng iyon. Kamusta kayo mga kanoise, tanghalian na ba? Kami wala pang ulam. Bibili na lang mamaya kapag nagutom,ahe, may nakasalang kaseng order sa kalan kaya hindi na magawang makapagluto. Since last week puro kapaguran nalang ata ang naaasikaso ko😅. Kanina nag o audit ako ng…
Dumating nga pala itong order ko sa Lazada. Packaging supply ko para sa maliit na negosyo. Wood spoon at oval container. Subukan kong ilagay dito ang triple chocolate cake kung magandang tingnan,ahe. Kapag OK siya bili ulit. Nakakabudol kase ang mga packaging sa mga online shop. Lalo na kung ang price ay wala pa sa 100 pesos. Kahinaan ko atang pagpabudol basta ang price below 100😅. Super happy naman ako sa nabili ko. Maganda at mukhang matibay naman. Ang cute nga ng Wood…
Delivery today, Sumilip lang saglit, Busy pa me, Sana OK ang lahat! Heto nga pala yung pinagpaguran ko kahapon May puto pang order today Ingat sa lahat!
Ready na ang puto. Wait ko na lang yung may order dito. Siya na lang daw ang kukuha. Mabuti naman. Hindi ganun kalaki ang kita pero pwede na kesa wala. Regular costumer ko sa leche ang may order nito. Ang hindi ko lang ginagawa ngayon ay halaya. OK kita nun kaso ang hirap gawin,ahe Mayamaya kakain na kami ng mga bata. Ipagbubukas ko na lang sila ng Century tuna flakes in oil.
Nag try akong I repack itong natirang puto para ibenta ng 20 pesos 1 pack. Na sold naman lahat. Salmat sa araw na ito kahit pagod, nakakabent pa rin. Sa mga nais mag negosyo at kung extra ipon lang ang hanap nyo, kahit maliit kita sigehan nyo. Sayang din ang kikitain kapag napagsamasama dadami din yun balang araw. Magtyaga lang tayo ngayon. Kung magtyatyaga din kayo bukas, Gawin nyo na ngayon! (Ahe, namimilit ang peg?😅)
Ang saya ng umaga ko kanoise,ahe Ung may makapansin ng post mo at may mag tip ay super appreciated na. Last time ni share ko sa inyo na sumali ako sa Read.cash. Nag post ako lately ng unang article. At masaya ako sa kinalabasan,ahe. Sana makapag publish uli ako hindi ko kase maasikasong upuan sa kaabalahan. Thank you @RandomRewarder 😘 https://read.cash/@charol09/the-youth-and-the-nation-c595fbd1
Nagdeliver kami today ni hubby ng leche flan ng maisipan kung maglagay ng wood spoon na bagong bili sa lazada for my small business. Ahe, sana matuwa si buyer sa spoon. (Sa spoon talaga noh? Hindi sa lasa ng product ? 😅) Ayon 11 am na kami nakauwi ng bahay tapos nagluto pa ng tanghalian. Kakatapos nga lang naming kumain. At dahil bagong kain at busog feeling inaantok na ako ngayon. Sleep muna po ako mga kanoise.
Sa pagdeliver namin kanina napahinto kami sa buko shake, ang init kase ng panahon. Hindi birong mag negosyo tapos may delivery pa, gastos din sa gas at pagkain kapag nagutom o nauhaw. 1 day preparation ng order tapos 1 day konsumo ng order. Sa pag aasikaso ng munting negosyo halos hindi ko na magawang mag asikaso ng bahay. Yung oras na natitira ilalaan mo talaga sa pahinga. Bakit ba ang hirap kumita ng pera? Naisip ko nga kung munti nga lang yung negosyo ko napagod na ako,…
Uy, FriYEY na naman! Kamusta ang mga nagdaang weekdays? Mahusay naman ba? May pagbabago? Masaya? Progresebo? Kahit anu pa yan ang mahalaga buhay tayo, masigla, at ligtas. Iniisip ko ngayon kung gagawa ba ako ng pagkakakitaan o mag aasikaso muna ng bahay? Ang hirap maging timbang lagi. Ang nagdudusa, katawan. 12 years ago kaya ko pa mag multitasking. Mukhang masigla pa ako noon at nasa kalakasan. Sign of aging na marahil itong nararamdaman ko at pagkapagod sa matagal ng…
Who is Charol09? Introducing Myself Hi! My username is charol09 from my daughter and son's name. Common way that many do to make an initial. I've recently joined in noise.cash 3 months ago and read.cash a week ago. I have published an article lately but I forgotten to share a little information about me. So let me grab this opportunity to introduce myself to you all. I've just started, but I'm learning more in microblogging. I have read a few articles in my fellow citizen…
Naging productive naman ang umaga ko mga kanoise, hindi ako nagluto ng ititinda kaya nagsulat na lang ako sa read.cash. Sana kada week may ma ipost naman ako,ahehe. Kahit ganun lang muna. 😅 https://read.cash/@charol09/who-is-charol09-c511c409 At dahil tapos na kaming kumain. Matutulog muna kaming mag-iina. Grabe lamig ngayon. Ayoko sanang magbentilador kaso ang lamok naman sa bahay namin. Katakot pa naman ang sakit ngayon dahil uso ang Dengue. Konting tulog at pahinga tapos…
Naninibago ako May napindot ba ako para magkaganito ang kulay ni noise? Si Read ganun Din? Ganito rin po ba sa inyo mga kanoise? Happy lunch po sa lahat!
What's up mga kanoise! Now lang ulit nakapag update simula kahapon. Kakauwi lang namin galing galaan. Inagahan na ang uwi dahil may delivery dito sa bahay si supplier. Pakita ko lang muna sa inyo itong pusang imported na nakatambay sa labasan ng bahay ng kapit-bahay namin. 4 years old na daw ito. Isang male cat. Naalala ko dito si Negneg, isang taon na lang ganito na rin ang edad nito. Sana tumagal pa buhay niya para makasama pa namin ng matagal at makapagbigay pa siya ng…
Byahe ni Drew Kapag ito ang palabas humihinto ang mga anak ko sa paglalaro para lang mapanood si Drew. Siguro natutuwa sila dito at naku curious sa mga pinupuntahan nila. Nakakatakam din yung mga pagkaing pinakikita niya. Nakakahikayat ang mga lugar na pinakikita niya para mag byahe at mamasyal. Pero sa akin kahit dito na lang ako sa bahay. Hindi ako mahilig magbyahe na malayo dahil mahihilohin ako. Kahit pa inuman ng gamot baseball lang. Pareho kami ng bunso kong anak. Ang…
Maulang umaga sa lahat! First day ng trabaho, bangon na bangon na! Mag inat upang ihanda ang katawan. Isaisip ang boss mong masunget at bill na kailangang bayaran. Kahit umuulan papasok pa rin at gagawa. Liban kung may bagyo at malaki ang baha. Pero kung wala, aba'y tara na at maghanda ng ang maghapon ay masulit at maging maganda. Pero ang totoo e tinatamad talaga ako. 😅 Iniisip ko na lang na ako din naman ang gagawa ng trabaho edi ikilos ko na. Kahit maulan maglalaba pa rin…
Sa dami ng nilabhan ko ang laki tuloy ng gutom ko. Buti meron ditong brownies bigay ng kasamahan sa trabaho ni hubby. Mahilig talaga itong magbigay. Kadalasan tasty tas Peanut butter , meron kase itong bakery . Gusto ko nga ang Peanut butter na binibigay niya dahil hindi dry tas hindi rin matamis masyado. Matutuwa ang dalawa kong anak kapag binuksan ito. Kahapon pa nila pinag iinitan, sabi ko sa susunod na lang.
Nag iisip ako ngayon. Ano ba magandang isulat. Nakadami na ako ng sunflower pero malinis pa rin ang papel ko,ahe😅. Ito ata ang isa sa mahirap gawin, ang mag-isip. Mas may mahirap pa dito. Yung nag-iisip ka pero walang laman ang isip mo. Ano ba yarn? 😅 Salamat naman sa kabila ng paglalaba ko ay may konting liwanag namang ibinigay ang langit. Kahit pala sa gitna ng dilim may pag-asa pa rin. Ahe, yun! Nagkakalaman na isip ko. Ayos! Habang nagpapaka expert ako dito, himalang…
Good morning po sa lahat. Aalis ngayon si hubby meron silang bonding ng mga Co workers niya sa Nueva Ecija. Sana may pasalubong pag uwi,ahe. Share ko lang ngayong umaga itong dress na inorder ko para kay Ate ( anak kong panganay) lazada sale pala ngayon , nag 233 pesos lang ito ngayon. Sayang nga dahil kahapon ko na buy. 259 pa kahapon ang price. Sana na ka tipid pa ako. Anyway, ganun talaga.
Pain and Sadness “*The heart knows its own bitterness and no outsider can share in its joy*”. -Proverbs 14:10 NWT This is one of my favorite texts in the Bible. Whenever I experience problem or loneliness, this Bible text becomes more and more true. We, on our own selves know when we get hurt, most of the times not seen by everyone. We can fake our feelings and outer self but deep inside we are deeply hurt. “***Even in laughter the heart may feel pain.”*** Proverbs 14:13 NWT…
Kamusta ang lahat? Naubos ang kalahating araw ko sa kaabalahan pero magpapakaabala pa rin ako mamaya,ahe. Ganyan talaga ang buhay ng isang ina at asawa maraming tungkulin. Sa mga nais pong magbasa narito ang isang maiksing artikulo para sa inyo,ahe.. https://read.cash/@charol09/pain-and-sadness-9f98a81d Sa buhay madalas tayong nasasaktan. Hindi lamang pagdating sa pag-ibig ngunit may iba pang dahilan. Sa artikulong nasa itaas tatalakayin ang apat na dahilan. Happy reading!…
Padaan muna itong meryenda ko sa wall n'yo! Lumpiang toge na bagong luto! Hindi na ako nagpalagay ng sawsawan dahil gagawa na lang ako ng toyo, kalamansi at lalagyan ko ng sili. Ito ang gusto kong sawsawan sa toge kesa sa suka. Si hubby gusto suka kaya kapag ganito ang pagkain magkaiba pa kami ng sawsawan. Kayo po ano ang snacks ninyo? Nakakagutom ang panahon ngayon kaya naengganyo akong bumili. Na tyempuhan ko pang kakahango lang sa lutuan kaya nabudol. Masarap kase ito…
Hindi ko na matiis ang singaw ko sa dila. Ang laki kase at maga. Nagpabili na ako ng yogurt kay hubby . Maga na rin yung kulani ko sa baba gawa ng singaw. Mas epektib sa akin ang yogurt kesa pamahid na buod ng mahal. Nakakain kase ako ng pagkaing nakaka trigger sa singaw ko. Haist, ang hirap kapag kumikirot pati ngipin ko sumasakit. Sa mga nagtataka bakit yogurt mahusay po ito sa singaw. Proven po sa akin. 26 pesos lang ang Pascual yogurt, available sa 7/11 at pure gold.
Good morning mga kanoise! Flex ko sa inyo today itong padala kay hubby ng kaibigan niya galing abroad. Hindi kase sila nagkita dahil sa magkaibang schedule kaya pina LBC nalang nito. Nga pala may bag pa itong kasama, isang body wash at perfume. Thankful ng sobra kase ng effort pa itong gumastos para lang ipadala. Pwede naman kase niyong ibigay na lang sa iba o kaya kainin ng pamilya nila. May 1 box pa palang chocolate yan kaso ni 1,2,3 na ng mga anak ko,ahe. Salamat lagi sa…
Sinubukan ko ng gamitin ang packaging na nabili ko sa lazada ilang linggo na ang nakakaraan. OK naman siya, magandang tingnan mejo me kaliitan nga lang. Pero hygienic naman ang itsura ng product. Ni try ko I sealed pero hindi kaya ang daling malusaw ng lalagyan.
Ito yung chocolate na ni 1,2,3 kahapon ng mga anak ko. Box na lang ang natira. Parang na wash out, ang bili naubos. Kahit anong bawal ko sa bunso ko na wag kumain ng sunod sunod,sige pa rin. Pwede naman kakong patagalin ang pagkain kaso hindi siya ganun hangga't may nakikitang pagkain,sige lang. Minsan nga kahit malaki na tyan ayaw pa rin tumigil,ahe. Mainit ang panahon ngayon. Mag-ingat po tayo. Bukas pala Thursday na. Wow! Ang bilis ng araw. San ko pa narinig na balita na…
Positively and Compassionately We Rise from this Pandemic The spread of the virus is a global phenomenon that massively deteriorating mankind and worse, this might be still over for many years to come. This crisis disrupts normalcy in humanity placing the world still unprepared for this disaster. This Pandemic has gone beyond catastrophe and the impacts go far beyond from threat to health. However, for us Filipinos, we are all in this together rekindling the gestures of…
Late morning post. Daming ganap ngayong umaga pero kahit ganun hindi nawala sa isip ko si noise. Kamusta po kayo mga masisipag na noiser! Positive pa rin ako kahit araw-araw may mga negatibong nangyayari. Minsan pinanghihinaan ng loob pero kumikilos pa rin,ahe. Huminto muna ako sa gawain para lang mag pipipindot ng selpon. Hindi na ako makapag open ng Facebook account dahil sa noise at read. Happy naman everyday. Basa doon, basa dito ng mga post nyo.
Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Hindi dahil may sakit ako. Kindi dahil umiral na naman ang anxiety ko. Ikain ko na lang ang nararamdaman ko. Hopiang monggo na aapat na piraso pero nakakahon. Sosyal din, may palalagyan pa.
Quality time with the family! Nood muna kami ng Turbo. Silip lang ngayon dito. Bukas na lang ulit mga kanoise! Enjoy your pahinga mga masisipag..
Choco nut sa umagang makunat,ahe Wag nyo ng pansinin ang bungad ko kanoise, happy morning po sa lahat! Uy, weekends ulit. Congrats sa mga walang pasok bukas, pahinga naman sa ilang araw na kapaguran. Treat nyo po ang inyong sarili dahil deserve nyo ito. Kahit madaming intindihin OK lang na minsan ay pasayahin ang sarili ng hindi ma burnout. Maging balanse sa buhay para marelax ang katawan. Mahirap kung puro stress na lang baka magkasakit naman tayo nyan.
Isang tub ng sampalok ang kinain ko kahapon. Natakam ako sa tamis-asim nito at spiciness,ahe. Merong sampalok na matamis, hinog galing sa puno. Nga lang, madalang ang ganung bunga. Galing ang sampalok na ito kay supplier. Isa din sa tinitinda ko. May pasobra ako this week kaya kumuha na ako ng isa para matikman na rin.
Makikishare lang ako ng meryenda sa mga anak ko. Tag dalawa kami ng choco mallows. Wala naman silang reklamo,ahe. Ang sarap nito. Kahit matanda magugustuhan ang lasa. Lalo na ang mga chocolate lovers. Kaway-kaway ang mahilig sa choco mallows!
Flexing our pinakamamahal na pusa sa Earth,ahe. Lunch break lang gang 2pm kaya sumilip muna dito. Mainit ang panahon pero kaninang umaga makulimlim. Nakakaantok ang oras ngayon kaso hindi pwede matulog,huhuhu
A Self-Examination on How to Save Money *Beware of little expenses, a small leak will sink a great ship* - *Benjamin Franklin* Money is important to live, that is why everybody is working so hard just to earn it, but because of the economic downturn we are struggling on how to handle it, so, it's very important that we have a plan on how to budget our earnings. It's a little bit challenging. But it's very important to make sure that we know where and how we spend our money…
Macapuno para sa puso mong puno ng sweetness, ayiee! Order ni costumer 5 tub macapuno. Ganun nila ka love ito. Sana lahat ng costumer ganito umorder, kasaya marahil ng buhay,ahe. Fresh from San Miguel Bulacan Kaya sure na masarap!
Ito yung kinikwentong pusa ko last week. Imported din at maganda. Iba ang kulay ng mata niya at fur. Maamo ito at magiliw. Kapag nilapitan mo kinakaskas niya ang mukha sa cage para magpakuha. Hindi takot sa tao.
Good morning! Good morning! Lunes na naman mga kanoise Start ng weekdays para sa tranaho. Next week start na ng pasukan, handa na ba ang lahat? Dahil ako ay hindi pa,ahe, wala pang section ang mga anak ko dahil hindi pa sinasabi, baka ngayong week malaman na, sana mas maaga naman at huwag ng umabot ng friday sabay din kaseng sasabihin kung ano ang mga kailangang bilhin.May mga gawain kami kapag weekends kaya nag aalala ako na maghabol pa ako ng oras.
Araw-araw sumisikat at lumulubog ang araw, Tanda na bawat umaga may dalang pag-asa, At gabi na nagsasabing pwede kang mamahinga kahit sandali para magkaroon ng lakas na harapin ang bagong hamon ng umaga. 365 days meron tayo sa isang taon. Nanawa ba ang May Likha na bigyan tayo nang palagiang pagkakataon para maging masaya? Hindi ba, hindi? Dahil hanggang ngayon ikaw ay buhay,gising at nagbabasa. Patunay iyan na sa bawat araw may panibagongbpagkakataon ka para baguhin ang…
My Online Business Hi there! Today, I just wanted to share with you my online business. I've started last year, the goal was to have an extra earning to help in our daily expenses and to save money too. As of today, online selling is a popular way to promote business whether it's a small or a big business. So just like other's "raketerang ina" I tried this kind of way. My first product is Salabat. I tried to make a ginger tea because that's the peak time when Corona virus is…
Daming linisin ni inday na naka line up. Unang ginawa ko ay mag linis ng cr,ahe. Kinuskus ko ng brush with tuff at tide isa-isa ang tiles ng cr mula pader pababa. Cr pa lang yan ng banyo sa kwarto mga bessy, meron pang cr sa kusina na kailangang isisin inuna ko lang muna ito. Dihamak na maliit kase ito kung ikukumpara sa nasa kusina. Kaya kailangan ng tatag ng braso at kamay, kangalay magsipag bes! At magkatapos lilinisin ko naman ang ilalim ng lababo namin at isusunod ko…
Tuwing umaga pagkagising Kundi mag unab ng sinaing Ay mag init ng tubig ang aking haharapin. Sapagkat hanap ni hubby ang mainit na kape, Kinamulat niya simula pa noong bata, At kinagawian na hanggang sa pagtanda. Marahil kayo din mga minamahal Kape, gatas, choco sa umaga ang unang hinahanap, pampagising sa natutulog na diwa habang inihahanda ang katawan pang nanlalata. Good morning po sa lahat! Gawa muna po akong order today! Leche flan day po si inday kaya ingat na lang po…
Beautiful morning sa inyo! This week magiging abala si Inday sa mga aktibidadis,ahe, kaya pasulpot-sulpot lang. Promis next week hindi ako magtitinda. Pasukan na rin naman ng mga bata kaya yun muna tututukan ko. Flex ko muna itong gawa ng anak ko kahapon. Nag paper folding siya para gumawa ng bulaklak. Minsan nahahati ang damdamin ko kapag gumagamit siya ng colored paper sa laro niya. Nanghihinayang kase ako. 1 rim yan, stock nila para sa skul pero ngayon 1/4 na lang 😭
Ang bilis masira ng tsinelas ni bunso. Kaya heto bumili si hubby para may gamitin siya. Ayos din ang promo na buy 1 take 1 para makatipid. Like ko ang kulay na nabili ni hubby na orange and blue.
My Perspective of Love Love is a famous word, despite of the differences in language and culture this is not become an obstacle to be known throughout the world. Everyone is interested to this topic. That's why many tv sitcoms, movies, dramas, series are related to this concept. Many authors are writing about love and romances. A lot of songs are made because of love. Numerous poems are created as a result of this fondness. I, Myself is fascinated by this. I like quotations…
Sumilip lamang ako ngayong gabi para magsabing good night sa lahat! Sa nais magbasa share po ako ng maiksing babasahin,ahe.. https://read.cash/@charol09/my-perspective-of-love-71876ec9 Good night na po ulit! Napagod si Inday..
Meryenda ng mga junakis. Maaga kami now natapos at nauwi ng bahay. Kahit ganun hindi pa rin pagpapahinga dahil bukas merong mga bisita. Need mag asikasong maglinis ng bahay at mag-ayos. Maghahanda ng konting pagkain para may pagsaluhan.
Sa tatlong basket ng tiklupin ito na lang ang natira, yahoo! Makakapahinga na rin. 4 am pa gising namin bukas para magluto. Sana makisama ang diwa ko at gisingin ako ng ganung oras,ahe Pag -alis bukas ng mga bisita namin alis naman kami para bumili ng lunch box nila dahil wholeday ang pasok nila, I oorient sila sa lunes. Walang listahan sa gamit nabibilhin, kahit lumang notebook pwede.
What's up mga KaPilipinas! Flex ko lang itong isa sa handa namin kanina. Ang pinipilahanang lumpia tuwing handaan. Ayon 5:30 palang niluto ko na tapos iniinit na lang sa oven bago kami kumain. Isa lang kase ang burner ko kaya kung magsasaing pa tapos magluluto ng lumpia aabutan na kami lahat ng gutom kaya inuna ko ng niluto at hindi ko na lang kinulob para wag lumabsa , so ayun, tagumpay naman ang aming gathering. Hindi ko na napicturan lahat ng pagkain para ibahagi, naging…
Flex ko yung order sa aking puto, pagkatapos kong ihatid yung dalawang anak kaninang umaga ito na ang ginawa ko. At pagkatapos yung order namang Salabat ang tinapos ko. Kaya ang resulta, sobrang pagod sa maghapon tapos sinundo ko pa yung mga anak ko. Kayo po mga kanoise? Kamusta ang first day ng pasukan
Ready ko ng ibalik itong party tray na hiniram ko. Linggo yung gathering pero inabot ako ng Martes sa paglilinis at pag-aayos ng bahay, mag relax muna ako ngayong araw,ahe. Wish ko lang.. Maulan pa rin ang panahon mga kanoise. Masarap ang lugaw,sofas, mami, at champorado ngayon,yum,yum! Sa amin hindi kanselado ang klase. Pero sana naman huwag ng magkansela kung nakapasok na ang mga bata ng hindi sumuba sa ulan pag-uwi.
Nag sealed muna ako tindang sabon. Paubos na uli yung aming stock. Mabenta samin itong bente pesos na limang bar. Kahit walking distance lang ang puregold may feel pa ring bumili ng mumurahing sabon,ahe, mainam naman para dagdag kita.
Glimpse Into My Past When I was a teenager I started writing anything that comes out in my mind. So in today's article, I am gonna show you my few works that I wrote way back. It's not that fancy, the truth is it's just simple but I just wanted to share with you what I was like during my childhood. As we grow we have many questions in life and when I was young I was one of them. I'm curious about many things, there are times that I can't explain my feelings but through…
What's up mga kanoise! Na busy na naman si Inday kaya nalate mag post. Ginagayak ko na itong order na chocolate cake tub na pi pick up-pin mamayang 12 pm. Sabi ni buyer pamaya-maya ay nandito na siya. Kaya iready ko na. Out of stock na yung packaging nito kaya order uli ako pang stock incase na may kumuha. Ang cute din kase ng lalagyan sakto sa hulmahan na aluminum . Parang sinukat talaga,ahe.
My Today's Story Hello everybody! Hope your alright and in good health! Due to Severe Tropical Storm Florita our government has declared a suspension of work and classes for all government officials and public schools in some selected areas today. So this morning, I felt delighted since no need to be hurry in preparing our breakfast and since my husband was here, his the one preparing our meal. Its supposed to be a family day and rest day for us. But I have to bake an order…
Kalamig ng umaga kanoise! Ang hirap bumangon pero kinaya ni Inday,ahe. Start na naman ng mga umaga natin. 4 am gising na kami ni hubby, pumunta siyang palengke para bumili ng aming uulamin at babaunin nila ng mga bata. Maghapon ang mga anak ko sa school mga ses. Ang kainaman na lang e mga marunong ng kumain mag isa. Apura bilin ko na lang kung ano ang kanilang mga gagawin pagkatapos kumain. May baon na rin silang tissue para malinis nila ang desk. Kayo mga kanoise, ano ang…
Flex ko itong dalawang alaga naming tulog is life. Tatlo lang kami sa bahay ngayon dahil nasa eskwelahan pa yung ate at kuya nila dahil nagpapaka expert sa school,ahe. Sila namang mga pusa e nagpapaka expert matulog. How to be you po? Kung pwede lang matulog mga sissy, kasarap sana. Kaso trabaho is waving.
Nagising ako sa kulog. Plano na naman ng langit na umulan. Sige lang para mamaya kapag sumundo ako eh tapos na. Ang hirap umuwing basa kasama ng mga bata. Sana bukas umiinit uli katulad kanina para makapaglaba,ahe Para masaya, makatuyo agad ako ng damit. Hindi na ako matutulungan ni hubby na maglaba, late na uwi niya ngayon, huhuhu
Peaceful Family: Why is it Important? "Home should be an anchor, a port in a storm, a refuge, a happy place in which to dwell, a place where we are loved and where we can love." - Marvin J. Ashton During the past years, the population has been rapidly increasing due to the growing numbers of family members. As part of the society the family has an important role in the community. This is where a person's character and personality begin to form. Therefore, it is important…
Ang bilis nasira ng sapatos ni Ate. 2 days lang natatanggal na ang swelas at nababakbak ang balat. Bagong bili pa yun kulang 300 sa isang sikat na pamilihan. Kaya no choice umorder ako sa lazada pero goma yung pinili ko size 40. At ng dumating, grabe ang ganda at ang lambot pa. Tyak matutuwa ang panganay ko kapag nakita nya ito mamaya. 139 pesos nga pala ito.
Lazada ulit? Ahe, kulang ang medyas ng panganay ko kaya dinagdagan ko pa ng tatlong pares. Mahaba ito above the knee, iwas kagat ng lamok sa binti. Ke bunso din mahaba rin para safe kahit papano. 105 pesos lang ito tatlong pares. Sulit dahil ang ganda niya. Bagay sa mga slim.
Kaninang umaga nag byahe kami ni mister papuntang ibang bayan. Nakuhanan ko pa ng larawan ang magandang kalanginan. Nakaka amaze ang cloud formation sa kalangitan. Kamusta po ang maghapon mga kaingay?
Minsan lahat ng tao nagkakamali Kahit ipilit mo sa sarili mong tama ka Basta sa tingin ng iba mali pa rin. Tanong ko lang? Sa tingin mo ba sa mga pagkakamali ko mali din bang "mahalin kita?" Naranasan mo na bang mainlove sa friend mo? Hirap noh? Lalo na kung may mahal siyang iba. Pag nasaktan siya, doble sakit sayo. Di mo lang masabing .. "sayang dapat ako na lang ang minahal mo". Hindi ko yan hugot mga kanoise. Kuha ko yan sa luma kong notebook na pinagsusulatan ko ng mga…
Viewing Leadership Most people don’t know the difference between leadership and management. To point, leadership is about having a vision and to articulate this is when we take people along with us on in this journey. Management, on the other hand is the way of supervision of work set by a goal and planned actions toward success. People should be treated and managed equally by leaders and see that each has its individuality. In this uniqueness, absorbing what leadership for…
Good morning sa inyo. Walang pasok ngayon pero 4:30 palang gising na ako. Ano ba yarn! Pangarap ko pa namang gumising ng tanghali pero ganun pa rin, kusang gumigising ang diwa ko kahit ayoko ko, huhuhu. Haiist. Nandito lang si hubby ngayon kaya papasyal muna sa kabilang bahay yung mga bata para makapangulit sa lolo at tyahin nila. Excited na mga ito dahil kagabi pa nakaimpake mga gamit nila. Plano kong mamahinga para bukas magluluto ako ng order ko. Buti pa si negneg tulog…
Haba ng tulog ko ngayong hapon. Ginutom ako kahit yun lang ang ginawa ko. Buti merong donut dito na bigay ni mader ayos pang minandal. Kamusta ang mga mommies na free sa paghatid at pagsundo? Wednesday pa ang pasok ng mga estudyante dito kaya bukas hindi sasakit ang paa ko. Mahal ng pamasahe kapag sumakay ka. Hindi ka naman makapagreklamo dahil mataas naman talaga ang gasulina.
Sabi nila ang hirap ko raw kalimutan Sabi ko, "hindi rin" Nagtawanan sila.. Akala nila nagpapatawa ako Hindi nila alam napakadali kong makaligtaan Ituro mo nga sa kanila Kung paano mo natutunan... _______________________ Minsan kay sarap umiiyak Lalo na kapag naaalala mo ang nakaraan Pero para saan ba ang pag-iyak? Sa sakit? O dahil hindi mo kayang tanggapin ang kahapong may mahal ka pala na hindi na pwedeng bumalik pa! ________________________ Maulan kaya masarap mag senti.…
I let you go Hindi dahil ayoko na.. Hindi rin dahil may iba na Hindi dahil sumuko na ako Hindi rin dahil pagod na ako Gusto ko lang hanapin mo ang puso ko Kase pagnasuyo, tinatapon mo.
Araw ng Martes na tila ba kay bilis Parang kahapon lamang ay araw ng Lunes Bakit ba ang oras at panahon ay parang hinihila palapit at nagmamadali sa hindi malamang sanhi. Hindi ba maaaring huminto o bagalan man lang Upang ang araw ay masulit man lamang Tila ba bitin at kulang sa lambing Kahit nagdaan na pero hinahanap pa rin. Bagama't nandito na ang nais ko na lamang ay batiin ka nang isang magandang umaga kabayan at ingat ka.
Good morning Pilipinas! Lakas ng ulan sa magdamag Paggising baha sa labas. May bagyo po ba? Hindi kase ako nanonood ng balita ,ahe Ingat po tayo sa maghapon. Update lang ako ngayon. May goal ako today,ahe. Gusto ko na maging productive ang araw ko. Bawal higa-higa muna.
Puspin Isa sa kasiyahan ng tao ang makakita ng mga bagay na nakakaaliw sa mata o kaya ay isang cute na bagay na makapagpapahinto sa kanya. Gaya ngayong araw, hindi ko mapigilang hindi huminto ng makita ko ang mga cute na kuting na ito na namamahinga sa daan. Ang tawag sa breed ng pusang itong ay Puspin, short for pusang Pinoy or Pinoy cat. Makikita ang breed ng pusang ito saan mang dako dito sa Pilipinas. Mabilis dumami ang ganitong alaga sa kadahilanang kayang magluwal ng…
Malakas WiFi namin ngayon . Madali lang nakaka upload ng picture. Mainam naman dahil nakakainip kung puro ikot na lang ang nakikita sa screen. Kamusta ang pahinga ng mga mommy? Bukas back to school na rin ako. Parang lagaring pabalik-balik sa paghahatid at sundo
Naglinis ako ng stante ng mga gamit sa ilalim ng hagdan . Need nang ayusin dahil hindi na organise, inuna ko na ang dalawa sa ibaba, yung isa na lang sa taas ang aayusin ko. Mga abubot ng panganay ko yun kaya daming burloloy. Kayo kamusta po?
Dumating ang apo sa pamangkin. Kapag nauwi dito yun kadalasan nasa akin kaso hindi ko muna kinuha dahil inaantok ako. Magbabawi muna ako ng tulog dahil 4:30 palang ay gising na ako. Pagkagising sunduin ko na ang mga bata. Tapos na nga pala akong kumain. Kung ano ang tira sa almusal yun na lang ang kinain ko. Tutal, nag iisa lang naman ako,ahe.. Mamaya na lang ulit..
20 pcs na mantika. Order ni friendship. May Sari-sari store kase ito. Kumukuha na siya ng ready pack na mantika para hindi na siya magsalin. 8 pesos nya kinikuha sa akin tapos 10 pesos nya itinitinda. Hindi na ito mahihirapan pang magbuhol at magsalin. Dalawang tindahan ang kumukuha sa akin nito, natutuwa naman ako kahit konti may dagdag costumer pa ako sa mantika. Kadalasan 20-30 pcs ang order nila. Pwede ng panghulog sa bulsa yung kapiranggot na kita.