What's up mga KaPilipinas! Flex ko lang itong isa sa handa namin kanina. Ang pinipilahanang lumpia tuwing handaan. Ayon 5:30 palang niluto ko na tapos iniinit na lang sa oven bago kami kumain. Isa lang kase ang burner ko kaya kung magsasaing pa tapos magluluto ng lumpia aabutan na kami lahat ng gutom kaya inuna ko ng niluto at hindi ko na lang kinulob para wag lumabsa , so ayun, tagumpay naman ang aming gathering. Hindi ko na napicturan lahat ng pagkain para ibahagi, naging abala na ako sa pag istema ng mga bisita. Parang nadaanan ng bagyo yung crispy pata na dala ng aming bisita. Dalawang kahon pero agad naubos. Super enjoy naman dahil may dala pa ang iba ng ice cream, gulaman dessert, fried chicken, creamy veggies, at inihaw na isda. Dalawang putahe lang ang inihanda ko pero biglang dami ng dumating ang bisita isa isa.
2 comments
Kakatuwa naman sis at madaming dala ang mga bisita, sarap ng lumpia.
Aw looks good it's not wrong if I crave this for breakfast is it? Hehe