Good day mga friends.
Kumusta naman?
Share ko lang itong aquarium ng daughter ko, naishare ko na yan dati dito, ngayon bago na mga isda iba iba kulay may pula, puti dilaw, orange at black ang gaganda, yong una lahat namatay hindi ko alam bakit nangamatay sayang kaya bumili ulit si hubby para happy na ulit daughter namin. Gandang hapon sa lahat.
Hello noise.app friends.
Happy tuesday!
Kumusta naman po? Now lang nakasilip sa noise.app.
Mukhang maraming nagulat sa muling pagbaba ng price ng market, ako hindi nagulat dahil 0 zero bch ako ngayon.π
kagabi kasi may napanood akong bitcoin hulalysis ng isang professional trader at ang sabi ay babagsak muli ang price ni bitcoin kaya na convert ko agad ang mga barya ko sa stable coin, opo barya sayang kong mabawasan pa ahaha, at ang galing totoo nga ang hulalysis nya, hindi tuloy ako makapag trade baka bumaba pa ng bumaba.
spaghetting pababa.π
Hays wala lang talaga ko masabi. Pasensya na.
Gandang hapon.
Good morning!
Happy monday noise.app friends.
Binisita ko muna mga update nyo bago ako mag update.
Ako muna ay pupunta sa eastwest bank
Para magbayad ng monthly sa Loan.
Daming utang yarn.π
Duedate na kaya kailangan na lumarga kahit medyo tinatamad ng konti para iwas penalty.
talaga naman anu kailan duedate na saka magmadaling lumarga para magbayad.π
Maya na ulit ako mag iingay..ingats mga friends.
WODL
Yey! Naka 7 correct answer.
Parang gumagaling na ko. Charizzz.
Naka chamba lang pala.π
Done na sa mga gawain kaya pwede na mag Cp.
Kumusta kayo noise.app friends?
Good ang weather today. Perfect para sa mga gustong lumabas at magrelax relax.
Happy hapon sa lahat!! Patambay muna dito.π
Pancakesπ₯π
request ng mga bagets agahan nila ngayong umaga, paborito talaga nila ang pancake na may condensed milk para lalong sumarap.
Good morning noise.app friends.
Happy sunday to all.
β€β€
PopCorn asin flavor.π
Midnight snacks.π΅π
Naubos na pala ang cheese kaya asin na lang pampalasa.
Masarap din naman kahit Iodized salt pampalasa.
O diba gising pa ako.π
Gising pa si bunso kaya yan mag midnight snacks muna.
Task ni binance, meron na ba nakasubok gawin ang task ni binance katulad ng nasa larawan? Legit ba?
Gusto kong subukan pero hindi ko alam kong paano.
Pwede na gamitin yong nasa BUSD?
Salamat sa sasagot.π
Kumusta na po ang lahat? Ngayon lang ulit naka update.
Happy weekends!!
Spaghetti :ππ) Meryenda time na moisemates, kahapon ay kaarawan ni hubby kaya may spaghetti na natira for meryenda medyo na busy ulit ang lola nyo kahapon kaya walang update dito, lagi pang may kaagaw sa paggamit ng Cp wala pang pasok mga bata hanggang biyernes, kaya pasilip silip lang muna ako dito kapag may pagkakataon.
Kumusta po ang bawat? Ingat lagi kayo:)
Maganda na ang panahon:)
Happy tuesday sa lahat:)
SKL.
Suman Latik sariling luto ni biyanan pinadalhan kami, uso ito kina biyanan tuwing mag undas hindi mawawalan nito si biyanan kasi binabaon nila sa sementeryo nag overnight sila doon ng mga kapatid nya, bumuti na ang panahon tamang tama para sa mga dadalaw sa mga namayapa na mahal sa buhay sa sementeryo.
Kumusta na kayo noisemate? Active ako dito hindi lang ako nagpopost..hehe.
Sainyo po anung patok na kakanin tuwing undas?
Tara po magmerienda.π
Hey guys! Kumusta kayo? Ngayon lang nakapag online tanghali na agad tambak na ang babasahin ko..
Akala ko hindi kami abot ng bagyo signal no.3 pala dito sa lugar namin, buti hindi naman kalakasan tamang ulan at hangin lang sana huwag na lumakas pa..panay na ang alert ng ndrrmc.
Kumusta naman sa lugar nyo?
Ingat ingat na lang mga mate.
Happy weekends!!
Good morning! Gising na! ahaha.
Makulimlim ang panahon kaya sarap itulog kahit kakagising lang ahehe. Nagising na ko kanina nahiga ulit ako lamig ng panahon sarap humilata
Bakasyon naman na mga bagets kaya makakapagrelax na mga momshie samantalahin natin yarn relax lang tayo ngayon mga momshie.
May bagyo pala ingat ang mga madadaanan ni "Paeng"
Yang picture kuha ko yan sa SM diko na maalala kailan ko kuha yan ahaha nahalingkwat sa gallery.
11years wedding anniversary kasi namin ngayon ni habibi kaya yan may ballon..hihi.
Kapag mabait ka maaalala ka..char.
Katulad nito may Saging at buko libreng biyaya galing sa kapatid ko hinatid nya kanina umuwi pala sya sa probinsya namin pagbalik nagdala ng buko at saging at binahagian ako, namis ko ang buko kaya agad kong hinati ang isang buko at pinalamig hindi ko na hinaluan ng gatas mas bet ko ang walang halo para malasap ang sarap ng buko ayun cravings satisfied si ako. Sherrep. skl.
Kumusta po noise.app pipols?
Yey! Sa wakas naka move on sa unread haha. mamaya ulit tambak agad yan.
Kumusta po?
Active naman ako buong araw kahapon wala pala akong post ahaha, Mainit na ang panahon.
Happy wedenesday!!
β€β€
Magandang gabi noise.app fam! Kumusta monday nyo? Happy monday po sa lahat.
Kaarawan ng anak ko ngayong araw kaya na busy ako mula pa kahapon kaya walang update dito, bale kahapon yong simpleng salo salo ng family tapos kanina naman ay sa school sya nag celebrate simpleng meryenda ang aming inihanda para sa mga kaklase nya nakakapagod pero masaya nakita ko gaano kasaya ang mga bata pati anak ko kaya sulit ang pagod, at dahil sobrang busy ko wala akong pityur haha, yan lang ang nakuhanan ko ng pityur ginawa kong manggo graham noong saturday ng gabi favorite dessert.
Pahinga na muna at sobrang pagod na katawang lupa haha.
Good night po!!
Good afternoon ka noise.app.
Share ko lang sainyo itong mini aquarium na pinabili ng daughter ko sa papa nya wish granted agad kaya happy si daughter ko, naliliitan lang ako parang mas maganda kong medyo malaki para malawak ang iikotan ng mga isda, ang liliit pa ng isda nakakatuwa din pagmasdan nakakarelax.
Kumusta kayo guys? Happy weekends!!
Magandang hapon ka noise.app!!
Kumusta araw nyo? Hala dami ko ng unread huhu, sakit nito sa mata basahin, tambay muna ako dito sensya na busy ulit sa spot trading hindi ko napansin naka limang trade na ako simula paggising kaninang umaga hihi, nakarami na ako ng profit. charroott!!
Anu meryend nyo?π€ Happy hapon.
Good morning noise.app pipols! Kumusta gising nyo? Sana happy kayo ako kasi happy.
Pagdilat palang ng mga mata ko blessings na agad kaya salamat Lord ginising nya pa ako/tayo.
Pag open ko ng phone aba blessings agad ang bumungad..ayyiee Salamat ka noise.app umuulan ng blessings.
Pwera lang sa market mukhang lalong bumaba kaya kapit lang ng hindi madala sa pag bulosok.π
Happy Morning!!
Withdrawal Details, my 1week profit sa spot trading.
Trinansper ko sa Coinsph wallet para mabilis sell sakaling kailangan ng cash..share ko lang.
Masaya lang ako kahit maliit na profit hehe.. sana sa susunod madagdagan.π
Thanks sa mga Donations nyo ka noise.app.
Kumusta kayo?
Happy wednesday!
Good morning! Ingats.
Lakas maka buhay ng dugo ni LTO token eh.
Bigla biglang mag pump ng 20% hay grabi nanghinayang na naman ako di bale profit is profit mababa kasi sell limit order ko nasa 1160 lang kaya naka $4 profit lang ang cute, umabot pa ng 1279 $10 profit sana hindi ko kasi na adjust kasi biglang pump, bawi na lang next trade.
Happy hapon.
Breakfast time noise.app pipols. Nilaga hinog na saba, namis ko kumain nito.
Kumusta kayo guys? Medyo busy lang sa pag trade kaya minsan na lang makapag update.
Magandang umaga!
Happy tuesday!
Good morning! tuesday!!
Masayang umaga mga ka ingay! Kumusta kayo dito? 5days ago last update ko hihi, medyo na busy sa binance trading, sinubukan ko bumili ng LTO token kagabi, naka apat na bili ako kasi panay baba haha, isa yan sa strategy ko para iwas ipit at hindi matulog ang puhunan then bago matulog set ko sya sa sell limit 1200, paggising ko na filled na sya nagulat pa ako at umabot pa pala sa 1290 ang itinaas sayang sana pala tinaasan ko pa ang sell order anyway profit is profit masaya ang umaga ko dahil naka $30 profit, sabay bagsak ulit ng price ngayong umaga kaya best time ulit para bumili.
Sorry muna kay bch.π nagustuhan ko na si LTO token.π€£
Magandang gabi.π΅π
Kumusta araw ng miyerkules nyo guys?
Napagod ba sa trabaho?
O napagod sa kakadotdot? π
Pahinga na ng maaga kong napagod?
Bukas na ulit magdotdot.. Sisipag nyo.π€
Napadaan lang po dito. Para kumustahin kayo!!
Anyway, Good Night to all.!
β€β€
Hello Everyone!! Happy wednesday to all of us.
Inaantok na ba dahil nabusog? Haha, ako OO grabi para akong hinihili sa antok, halfday na agad maya konti gabi na naman hay ang bilis talaga ng oras, ngayon palang ako mag iingay pero ito ako at inaantok pa baka matulog na lang muna ako nito, explore lang ako saglit tapos matutulog muna sarap na itulog ng antok ko..o sya ingat kayo parati guys. Gandang hapon.π€
Good Evening.π΅π
Hello mga ka noise.app gabi na ulit oras na para sa hapunan, nagluto ako ng pork humba na mukhang adobo haha, humba po yan pinakuluan sa pineapple juice, toyo at suka para maging malasa may bulaklak din ng saging, Pork Liempo ang ginamit imbes na pata unang beses ko na magluto nakuha ko ang timpla kaya na satiesfied ang mga kasama ko tapos na kami maghapunan share ko lang dito.
Nakapag hapunan na po ba lahat? Kain na kong hindi pa ng maaga makapag pahinga..tamang nood na kami ng balita sa tv ready na din matulog kong antukin, salamuch po sa mga donations nyo kong sinu-sinoman po kayo..salamat.
Good morning.π΅π happy tuesday everyone.
Maaliwalas ang kalangitan walang kaulap ulap, nakapag paaraw na ako ng 30 minutes sarap sa pakiramdam nadagdagan ang bitamina sa katawan, pakiramdam ko sumigla katawan ko iba talaga kapag naaarawan at napapawisan, sa tapat ng bahay lang ako nagpaaraw at tulog pa bunso ko kaya umakyat na agad ako sa kwarto at baka mahulog sa kama kong gising na sana to makapag lakad lakad kami ang himbing pa ng tulog di bale nakapag paaraw na ko.
β€β€
Para na akong lasing sa antok kaingay pero dahil gising pa si bunso at hyper pa sya, pinipilit kong idilat mga mata ko at bantayan sya, buhay nanay nga naman anu lahat ay titiisin para sa anak malamang maraming makakarelate na momshe, kaway kaway mga momshe na gising pa ang bulilit team puyaters tayo! Hahay!
Bawi na lang tayo pag lumaki na tutulog tayo ng 12hrs hihi.
Hello sa lahat!!
Super init na monday afternoon guys.
Kumusta pilipinas? Kumusta po ang lahat?
Nakatambay ako dito sa labas medyo malakas ang hangin pinatay muna ang electric fan at ng makapahinga umiinit na, mahangin dito sa labas kaya medyo presko pahangin din pag may time sarap kong may malamig na juice.
Yanong tahimik ng street namin walang maka marites hahaha.
Padalaan lang dito!
Happy monday!
WODL
Yay! naka 5 Wins na kay wodl for the first time haha, kong sa bagay kailan ko lang naman nakilala si wold libangan lang kapag walang ginagawa nakaka relax din ng isip kapag na bobored ako..kumusta naman yong reward? Haha hindi ko ramdam na may dumagdag sa busd ko madami kasing laman yon charoot!! Siguro nasa .06 busd lang ata hahaha.
Kumusta sunday nyo guys?
Sobrang init dito sa amin sarap mag nap mahangin.
Happy weekend!!
Share ko lang tong message from GCredit daw, mapapawow ka naman talaga kong totoo to eh. Hehe.. mga hacker talaga ang gagaling gumawa ng style para makapang hack, Sorry na lang sila wala silang mapapala sa akin haha..Deadma and block agad sa akin mga ganyang message, ayun block ko agad baka mapindot pa ng anak ko yong Link, ingat tayo sa ganitong message maari na hack mga account natin lalo kong iisang email/phone number lang gamit natin sa mga wallet, ingat po ang lahat.
Lunch time.
Nagluto si husband ng ginataang kalabasa at sitaw na may sahog na hipon sya muna ang nagluto dahil abala ako sa paglalaba kakatapos ko lang maglaba kaya tamang tama oras naman para kumain ng lunch, mapapabilis talaga ang gawain kong may pagtutulungan, kain muna kami ng lunch, kayo din po kain na ng lunch, happy lunch time sa lahat.