Sa pagdeliver namin kanina napahinto kami sa buko shake, ang init kase ng panahon. Hindi birong mag negosyo tapos may delivery pa, gastos din sa gas at pagkain kapag nagutom o nauhaw. 1 day preparation ng order tapos 1 day konsumo ng order. Sa pag aasikaso ng munting negosyo halos hindi ko na magawang mag asikaso ng bahay. Yung oras na natitira ilalaan mo talaga sa pahinga. Bakit ba ang hirap kumita ng pera? Naisip ko nga kung munti nga lang yung negosyo ko napagod na ako, paano ba kaya yung mayroong mas malalaking negosyo ? Edi, mas nakakapagod. Kaya hindi lahat ng matagumpay, masaya. Nakikita lang natin na nabibili nila ang mga gusto nila at may magarbong buhay pero ang dami nilang hirap na pinagdaanan maabot lamang nila ang ganung estado ng buhay. Sipagan natin pero huwag nating kalimutang maglibang at magsaya kasama ng totoong kayamanan, ang pamilya.
No comments yet