Together

2 6
Avatar for cathcath
2 years ago

Together today tomorrow and forever. we have many fights and disagreements, my sister will still be the one with me to fight all the challenges of life.

Yan ang isang totoong alam ko na kahit gaaano kabigat, kagulo, lungkot at saya man ang mundo o kahit anong hampas ng problema iisa at iisa parin ang magiging totoo sa lahat "KAPATID ANG MAGGING SANDATA MO SA HAGUPIT NG PROBLEMA."

Balikan naten ang nakalipas. hindi ba't simula pagkabata ay kayo ang magkasama, magkalaro, sabay kumain sumayaw kumanta at lumakad. Sa paglipas ng mga panahon maraming rin mga hindi pagkakaunawaan away at masasakit na salita ang naiiwan naten sa isa't isa. Pero habang lumalakad ang panahon unti unti naten naiiisip na sila pa din ang kasama naten sa bawat galaw ng ating buhay.

Sa bawat iyak, lungkot at tawa, sa bawat salita ay may halong pagaalinlangan, alinlangan na kahit alam naten makakasakit ang nabibigkas naten ay patuloy parin tayo. Bakit nga ba.? Bakit nga ba.? Habang lumalakad ang panahon doon ko unti unting nalalaman na nabubura pala ng pagmamahal ang sama ng loob at galit sa dibdib na kahit anong away ng magkapatid sila parin ang sabay ngingiti at tatawa.

Hindi ba't kahanga hanga ang mga magkakapatid na nagkakaunawan, nagbibigayan, nagdadamayan, higit lalo ang mga magkakapatid na kahit anong away ay nananatili parin na iisa, away na pinalilipas lang ng oras, away na pinapawi ng mga tawa o saya hindi ba't ito ang mas kahanga hanga sa lahat. Pero mas Kahanga hanga ang mga magulang na naging pader nila para maging matatag ang bawat isa.

Sa mga babasa nito nawa ay naimulat ko kahit papanu ang inyong mga puso at isipan. Mahalin at unawain sana naten ang ating mga kapatid kahit gaano man ito kahirap pilitin pa din naten maging iisa sa hamon ng buhay.

2
$ 0.05
$ 0.05 from @baoxian23
Avatar for cathcath
2 years ago

Comments

Daminnyarn drama sa life?

$ 0.00
2 years ago

hahaha :D

$ 0.00
2 years ago