Dagat Ng Kaisipan

13 120
Avatar for carisdaneym2
3 years ago
CLSU

"Matino ang isip ko pero ako'y sabog na"

Sa tahimik at madilim na gabi, nag aalala kung may mangyayari bang maganda sa muling pagmulat ng mata.

Naghihintay ng diwata na magsisilbing liwanag at ihahatid ka patungo kung saan ang kaligayaha na iyong hinahanap ay matatagpuan sa gitna ng kagubatan.

Sinubukan mong mag isip, subalit sa isang iglap ay nabahidan ka na hindi kanais-nais na pakiramdam na tila ba ika'y nahihibang. Naghahangad na lakbayin ang kagubatan na noon ay iyong kinatatakutan matapos mong kainin ang biyayang iyong nakuha mula sa diwatang natagpuan.

Patuloy na paglalakbay, narating mo ang karagatan. Ang karagatan na kay gandang pagmasdan. Mga ibon ay nagliliparan sa malayang kinagisnan.

Photo credits from Unsplash

Naiiisip mo na sana naging ibon ka na lang na malayang lumilipad sa himpapawid. Subalit hindi mo alam na sila din ay nadadagit, kinikitil at inaagawan din ng buhay na ang tamis ay naging mapait.

Lumapit ka sa dalampasigan, lumakad na tila ba ikaw ay parang normal lang at hindi inaantala ang paglalim ng karagatan.

Patuloy na lumalaban at lumalangoy habang pilit na sumasabay sa agos ng dagat ng kaisipan. Nahihirapan, oo. Masakit isipin pero 'yon ang totoo. Inabot na nang hating gabi pero eto ako, Lumalangoy patungo sayo, Kahit alam kong delikado at ikamamatay ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, tatawag ba ako ng saklolo o hahayaan nalang na malunod ako.

Nalulunod, nalulunod pero 'di sa pagmamahal na ninanais mo. Nalulunod sa sariling mundo na sa tingin ko ay malayo pa sa pluto.

Nasa karagatan pa rin ako, natatakot na imulat ang mata ko na para bang sa isang iglap lang maaaring maging totoo.

Ayoko na sanang isulat to dahil alam ko'ng saloobin ko ay madadagan at ang bigat na nararamdaman ko. Nanghihinayang sa mga pagkakataong sinayang ko, bakit nangyari 'to.

Bumabalik sa kaisipan, subalit huwag kalimutan na ikaw ay nasa dagat pa lamang. Gustuhin mo man na bumalik sa kagubatan ngunit hindi mo na alam ang pabalik sa tamang daan sa kadahilanang nalulunod ka na matapos mong masilaw sa kayamanan.

Muling hinahanap ang diwata, nakikiusap na sana ay maging ayos na ang lahat. Gustuhin mo mang ibalik ang lahat pero nangyari na. Naging makasarili, nasilaw at nabulag ka.

Naglakas ka ng loob na imulat ang iyong mata at natagpuan mo ang iyong sarili na nasa gilid ng dalampasigan subalit nang subukan mong pagmasdan ang paligid ay wala kang nakita bukod sa buhangin na kay ganda, walang makakain na kahit ano pa.

Umiiyak, inaalala ang mga nagawang kasalanan, mga problemang kay hirap lagpasan, mga kaibigan na iniwan ka at sinaktan matapos kang dungisan.

Mga ala-alang ayaw mo nang maalala ngunit pilit isinasaksak at idinidikta ng paulit-ulit hanggang sa mahirapan ka huminga.

Naiintindihan mo ba? Sa sobrang lalim ng kaisipan ko ay nalagpasan ang lalim ng karagatang nadatnan ko. Nag uumapaw ang daloy at bagsak nito subalit nangingibabaw pa rin ang luha ko..

Tama na, ang sakit na. Ang sakit sakit na sobra. Nakakapagod na, nakakasawa na. Pakawalan mo na at magsimula ng panibagong simula at kumuha na lamang ng lampara. Lampara na magsisilbing liwanag at hindi na ang diwata na iyong hinahanap-hanap. Sa wakas ito ay iyong natuklas.

Sinubukan kong muli na ipikit ang aking mga mata, humihiling na sana ay maging ayos na. Tumutulo ang luha na tila ba walang katapusan sa pag daloy kahit ang sakit sakit na.

Matapos ang mahabang kaisipan, inabot na nang umaga sa patuloy na paglaban at pa langoy sa dagat ng kaisipan.

Muli kang nagising at ngayon ay nariyam ka lang, sa iyong higaan at pawisan. Ang oras ay alas dose media na na tila nawiwindang. Bangungot lang pala ang lahat. Uminom ka ng tubig at huminga ng malalim, marami ka man na kinahaharap na problema ngayon, hiling ko na sana may magdasal ka lang at hayaan ang panginoon na gabayan ka sa bawat hagdan at balakid na iyong madadaanan.

Naalala mo pa ba? Hindi ito palasalitaan, hindi ito tula, debate o ano man, isa lang itong hinain ng isang katulad ko na labis ang pag alala sa darating na taon ay hinnihiling na sana matapos na ang pandemya at sakuna.

Sana masarap ulam niyo. At hanggang sa muli nating pagkikita, hiling ko na sana ay okay kana. Sarili ko ang tinutukoy ko. Sa bandang huli, napapaisip kung ano ang napulot mo, inalam ko kung ano ito at natuklasan mo na ito ay isa lamang kwento.

Author's note:

I got my lead image from GIPHY app.

Thank you for reading, God bless!

14
$ 5.00
$ 4.83 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.05 from @claudio83
+ 2
Sponsors of carisdaneym2
empty
empty
empty
Avatar for carisdaneym2
3 years ago

Comments

Ngayon ko lang napagtanto na isa ka din palang makataπŸ˜‚πŸ˜‚

Well written car, 😘😘😘

$ 0.01
3 years ago

Hahahaha talaga ba ate Mel?πŸ’–πŸ€­πŸ˜† Matino ang isip ko pero ako'y sabog naπŸ˜†

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha,, napakanta nga ako sa panimula mo eh..

$ 0.00
3 years ago

HAhaha diyan nagsisimula ang lahat hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Bes ang lalim. Matino din ang isip ko ngunit sabog na. Haha. By the way, I am just new here, wish to get your support. πŸ˜†

$ 0.01
3 years ago

Hahahhahas salamat sa pagbisita.🀭

$ 0.00
3 years ago

Welcome haha.

$ 0.00
3 years ago

Spoken poetry, sort of toh diba Car? Ganun ko binasa eh. Yung parang yung mga nagiispoken poetry. Haha. So brilliant naman. Love it!

$ 0.01
3 years ago

Pwede na rin hahaha parang 'di ako satisfied na spoken poetry yung ginawaπŸ˜† (mema sulat mailabas lang ba ang sama ng loobπŸ˜†)

$ 0.00
3 years ago

Love to see Rusty rewarding articles in our language too. 🀩

$ 0.01
3 years ago

Oo nga po eh, saya saya 🀭

$ 0.00
3 years ago